Excited na ang singer-songwriter at It's Showtime host na si Ogie Alcasid sa "Magpasikat 2024."
Ang "Magpasikat" ang pinaka-highlight ng anibersaryo ng noontime show tuwing buwan ng Oktubre.
Ito rin ang pinakaabangang showdown ngayong ika-15 anibersaryo ng Kapuso noontime show.
Ang week-long "Magpasikat" performances ng mga host ay magsisimula sa Lunes, October 21, 2024.
Read: Team Jhong-Kim-Ion wins "Magpasikat 2023" in It's Showtime
OGIE ALCASID: "ang ganda ng spirit of competitiveness..."
Ang team ni Ogie ay kinabibilangan nina Kim Chiu, MC, at Lassy.
Sa launching ni Ogie ng bago niyang endorsement, inusisa ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa paghahanda nila para sa "Magpasikat."
Saad niya, "Okay naman. Kahapon hindi ako naka-rehearse kasi may sakit ako kahapon.
"Nung last rehearsal namin, I think it was Saturday or Friday, we were very happy."
Nakatakda silang mag-perform sa Martes, October 22.
Pulido na ba ang kanilang choreography?
Tugon ni Ogie, "Hindi pa. Getting there, getting there.
"Alam naman sa amin, ang daming parinigan, pag magkakasama kami.
"And it's... ang ganda, ang ganda ng spirit of competitiveness, spirit of everybody trying to outdo each other.
"At the end of the day, siyempre, isang pamilya kami.
"So, it brings out the best in us.
"Ako, I'm very, very excited."
At inamin niyang nagtataguan sila during rehearsals.
"Oh, yeah, even rehearsals."
Maganda raw ang ganitong klaseng kumpetisyon dahil natututo sila.
Aniya, "Ako personally, ang experience ko every time, most especially this year, is that natututo ako.
"Natututo ako as a performer, on how I can even express the art more.
"In a way, that's exciting. In a way, na hindi puchu-puchu lang."
At sumasabay raw siya sa mas bata sa kanya.
Dagdag niya, "Iba yung utak nila, iba yung energy nila.
"Ang sarap sa pakiramdam as a performer, as a host.
"Although napakahirap, getting... ang mahal, getting support."
Rebelasyon pa ni Ogie, sila lahat ang may konsepto, gastos, hitsura ng stage, at kung anu-ano pa sa kanilang nakatokang araw.
Aniya, "Para kang nasa college. Alam mo yun?
"And you know, andun yung resourcefulness, andun yung networking."
Nakausap ng PEP.ph si Ogie sa launching niya bilang bagong endorser ng Sendwave nitong nakaraang October 15, 2024, sa Relish restaurant sa Quezon City.

Ang Sendwave ay isang international money transfer service app, kung saan ang focus nito ay makapagbigay sa overseas Filipino workers (OFWs) ng mabisang paraan ng remittance ng kanilang pera sa kanilang mga pamilya sa Pilipinas na "secure, fast, and charge no transfer fees."
Read: Ogie Alcasid closes door on politics
OGIE ALCASID: "Kanino kami natatakot? Sa lahat."
Ito na raw ang pang-apat o panglimang "Magpasikat" ni Ogie.
Hindi na niya maalala ang eksaktong bilang.
Sino naman kayang team ang kanyang kinatatakutan?
Sagot ni Ogie, "Kanino kami natatakot? Sa lahat. Lahat magaling."
Ano ba ang pinakamataas na nakamit na premyo ng kanyang kinabibilangang grupo noon?
Saad ni Ogie, "The highest that I've ever won is second place.
"Kami ni Anne [Curtis] last year.
"Noong unang sali ko, we were last.
"Second year that I joined, we were third.
"Last year, we were second."
So, dapat ngayon ay first place na sila?
Tugon niya, "I don't look at those things.
"Ayoko mag-expect kasi, especially for yung team namin, lalo lang yung staff.
"Kasi may kanya-kanya kami. Sila yung talaga namang araw-araw.
"Props, connecting with art department, with sponsors.
"And then, they also have to put up a show. I feel for them.
"Pag natalo yung... So, ako, ang mindset ko lagi, let's just do our best."
Mahirap ba talagang i-unlock ang secret or technique or strategy?
Paliwanag ni Ogie, "It's hard. It's hard. Kasi every year, iba-iba ang judges.
"Iba-iba ang flavor, timpla na hinahanap nila.
"The execution is probably important.
"That you are able to communicate what you want to communicate.
"And that your message is clear. Feeling ko yun ang importante. I may be wrong."
Read: Vice Ganda, Billy Crawford reconcile after falling-out; reunite in It's Showtime
OGIE ALCASID: "bow ko sa enthusiasm ng lahat."
Mahirap daw talaga ang kanilang pinagdadaanan at hanga si Ogie sa pagsisikap ng lahat.
Aniya, "So, ako, bow ko sa enthusiasm ng lahat.
"Nakakarinig ka, yung iba, nahilo, si Lassy, may Salonpas. Di nila iniinda.
"All for the program. San ka nakakita ng ganun.
"That kind of passion and dedication is something else."
Isa sa mga naging inspirasyon nila upang manalo ay ang charity na mabibigyan nila ng kanilang premyo sakaling magiging champion sila o bahagi ng Top 3.
Saad ni Ogie, "That's correct, that's correct, yan ang importante.
"Na-experience ko yung last year kasi ang laki na lang nabigay namin dun sa charity na pinili.
"Kasi last year, our theme was healing. So, we gave the whole of our winnings to Helping Hands Healing Hearts Foundation.
"Which is very close to my heart."
