PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Julius Manalo reveals what's next after reunion with Korean mom

Is Julius Manalo open to joining showbiz like brother Jay Manalo?
by Bernie V. Franco
Published Oct 15, 2024
Julius Manalo and Korean mother
Filipino-Korean policeman Julius Manalo shares with PEP.ph his plans to bring his Korean mother to the Philippines. Is he open to entering showbiz like his brother, Jay Manalo?
PHOTO/S: Mom's Spring Day of TV Chosun

May interes ngayon sa Filipino-Korean policeman na si Julius Manalo na nawalay sa kanyang Korean mom sa loob ng 31 years.

Kaliwa’t kanan ang interviews niya sa TV programs, vlogs, at podcasts tungkol sa kanyang talambuhay.

Si Julius ay kapatid sa ama ng aktor na si Jay Manalo.

Ang tanong ngayon, kelan muling makikita ni Julius ang kanyang ina?

Interesado ba siyang pumasok sa showbiz at sundan ang yapak ng kuya niyang si Jay?

Read: Filipino-Korean policeman reunites with Korean mom after 31 years

JULIUS’ NEXT STEP ON REUNITING WITH MOM; JOINING SHOWBIZ

Inusisa ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Julius sa mga susunod niyang plano.

Nauna na niyang sinabi na balak pumunta ng kanyang ina dito sa Pilipinas.

Sabi niya sa PEP, “Yung definite time kung kelan pupunta ang nanay ko is wala pa.

“Pero ang napag-usapan namin, actually, next year, e. Pero tina-try naming i-work out kung kaya this year.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Marami na rin daw kasing nagamit na leave sa work ang nanay ni Julius.

Samantala, masaya ring ibinalita ni Julius na matapos maitampok ang kuwento nila sa Mom’s Spring Day ng Korean television network na TV Chosun, binigyan ang kanyang ina ng free medical service.

Read: Jay Manalo, di nalalayo ang kuwento sa half-brother na si Julius

Julius Manalo and Korean mom
Julius Manalo talks about plans of bringing his Korean mom to the Philippines.
Photo/s: Mom's Spring Day of TV Chosun
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dahil sa pagiging visible niya, bukas ba siya sa posibilidad na pasukin ang showbiz?

Hindi raw niya isinasarado ang posibilidad.

“Tinitingnan ko siya as another opportunity para magkaroon ng trabaho para sa pamilya ko.

“Kung magiging maganda naman at hindi siya magiging abala sa talagang sinumpaan kong tungkulin, bakit hindi ko gagawin iyon para sa pamilya ko?” sabi ng police enforcer.

JULIUS REFLECTS ON HARDSHIPS IN LIFE

Sinabi rin ni Julius na napagtanto na niya sa sarili kung bakit kinailangan niyang maranasan ang mga pagsubok sa buhay.

Naghiwalay ang kanyang inang Korean at amang Pilipino, si Eustaquio G. Manalo Jr., noong siya ay musmos pa lang.

At the age of six, inuwi siya ng ama sa Pilipinas. Nakitira sila sa Tondo.

Nung nag-aral siya, naranasan niyang mangalakal at magtinda ng basahan para meron siyang panggastos.

Naging scholar din siya hanggang sa nakatapos at naging alagad ng batas.

Nag-viral ang kuwento ni Julius nang itampok siya sa isang Korean TV show, at pinagtagpo sila ng kanyang nanay na hinanap niya sa loob ng higit tatlong dekada.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sa panayam niya sa Kapuso Mo, Jessica Soho, inusisa kung hindi ba niya naisipang magrebelde dahil sa kanyang mga pinagdaanan.

Ito ang sagot niya: “Hindi ko po naisipan na magrebelde, e. Wala naman mapupuntahan ang pagrerebelde.

“Ang solusyon lang naman yung aandar yung buhay mo. Pero kailangan meron kang gawin.”

Paliwanag pa ni Julius sa PEP, nagmuni-muni siya kung dapat pa ba siyang magpa-interview para ibahagi ang kanyang kuwento.

Pero napagtanto niyang may magandang naidudulot ito.

Bakas din sa mga pahayag ni Julius na lumaki man siya sa broken family, naging tama ang pagpapalaki sa kanya.

Aniya sa PEP, “Ang kahalagahan po siguro ng sunud-sunod na interviews ko is to reach more people po doon sa nangyari po sa akin.”

Ang sumunod niyang pahayag ay may kinalaman sa pagkakataong nagkita silang muli ng ina.

“Kasi hindi ko po dapat sarilinin yung blessings sa akin ng Panginoong Diyos para makapag-inspire ng iba pang tao para sa family healing, family values, and reconciliation.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So yung mga interviews po nung una, pinag-isipan ko po, ‘Kailangan ko pa bang pumunta?’

“Pero naisip ko, magmula nung may mga nanay na nagme-message sa akin na kinausap siya bigla ng anak niya na matagal na silang hindi nag-uusap, siguro yung interviews na iyan hangga't meron, is dapat puntahan ko para to tell my story, to inspire other people po.”

Wala ring mababakas na pait sa mga salita ni Julius nang usisain kung napag-isip-isip niya kung bakit dapat niyang pagdaanan ang mga hirap sa buhay.

Sagot niya, “Yes po napagtanto ko na po kung bakit. Kasi alam ng Panginoon na makakayanan ko iyon.

“Darating yung time na dahil sa pagbabago ng mga paniniwala mga tao at henerasyon ay puwede pong bumaba ang family values.

“And eto po, darating po yung pagkakataon na ito na mari-realize at ma-inspire po ang ibang tao na ang family values ay hindi basta nawawala at nababago.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kailangan pa rin nating respetuhin yung mga magulang natin kahit na ano pa man yung nangyari, and mas masarap talaga na magkakasama kayong magpapamilya.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Filipino-Korean policeman Julius Manalo shares with PEP.ph his plans to bring his Korean mother to the Philippines. Is he open to entering showbiz like his brother, Jay Manalo?
PHOTO/S: Mom's Spring Day of TV Chosun
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results