Hindi kinunsinti ni Miss Cosmo Philippines 2024 Ahtisa Manalo ang pamba-bash ng ilang fans niya kay Ketut Permata “Tata” Juliastrid ng Indonesia.
Si Tata ang kinoronahang Miss Cosmo 2024 sa grand coronation na ginanap sa Ho Chi Minh, Vietnam, noong October 5, 2024.
Read: Indonesia's Ketut Permata Juliastrid wins Miss Cosmo 2024
Dinamdam ng Filipino pageant fans ang hindi pagpasok ni Ahtisa sa Top 5 finalists ng international pageant, lalo pa't si Ahtisa ang top choice ng maraming pageant vlogs na mag-uuwi ng korona.
Lalo namang nagpuyos ang damdamin ng fans sa naging pahayag ni Tata sa ginanap na presscon pagkatapos ng pageant.
Pakiramdam kasi ng fans ay pinatutsadahan ni Tata si Ahtisa, na sa isang punto ng pageant ay nagkaroon ng aksidente.
Nagkaroon ng ankle injury si Ahtisa kaya ilang araw siyang naka-wheelchair. Pinayuhan din siya ng doktor na magpahinga.
Read: Ahtisa Manalo sprains ankle after Miss Cosmo "technical incident"
Sa presscon, tinanong si Miss Indonesia kung ano ang maipapayo niya sa kanyang mga kapwa kandidata sa Miss Cosmo 2024.
“I don’t think I have to tell them anything. I just have to show, ‘no?” sagot ng newly-crowned Miss Cosmo 2024.
“We have three weeks of quarantine where we are watched every day and being observed every day.
“If we didn’t perform our best and try our best even though our legs are hurting, even though we wanted to sleep all day in bed, and make up excuses, we wouldn’t be here.
“And what I’ve learned from Miss Cosmo is we don’t talk, we walk. Thank you.”

NETIZENS BASH MISS COSMO 2024
Ito ang tila last straw para sa fans ni Ahtisa para batikusin si Tata.
Ni-repost nila ang video clip ni Tata na pinaniniwalaan nilang patutsada kay Ahtisa.
Ganito ang kanilang caption, “Ketut Permata Juliastrid throws shade at Ahtisa Manalo.”
Dahil dito, maraming supporters ni Ahtisa ang nam-bash kay Tata.
Sa recent post ni Ahtisa na glamour shot, nagkomento si Tata ng “What.”
Negatibo ang pagtanggap dito ng netizens.
Dahil hindi klaro ang konteksto ng “What” comment ni Tata, inakala nilang pangungutya ito kay Ahtisa.

Nagsunud-sunod na ang komento ng netizens at pinutakti ng matinding bashing si Tata.
Inaway nila si Tata sa pag-aakalang inaapi niya si Ahtisa. Paulit-ulit din ang pagta-tag sa Indonesian beauty queen.
Pero hindi ganito ang sentimyento ni Ahtisa.
AHTISA SPEAKS UP
Nang magsunud-sunod ang batikos ng pageant fans kay Tata, nag-react na si Ahtisa sa comments section.
Ipinagtanggol ng Pinay beauty queen si Tata, na tinawag niyang "my friend."
Sagot ni Ahtisa sa supporters na nam-bash kay Tata: “This is honestly so embarrassing. Please leave Tata alone. She’s my friend.”

May isa ring pageant enthusiast na minasama ang “What” comment ni Tata. Ipinost ito ng pageant enthusiast sa kanyang Instagram account.
Komento rito ni Ahtisa, “Stop,” na may kasamang isang crying emoji.

Nitong Lunes, October 7, 2024, nag-post din si Ahtisa sa kanyang Facebook account ng pahayag kaugnay ng isyu.
Napanood daw niya ang interview ni Tata at wala siyang nakitang masama sa sinabi nito.
Mensahe ni Ahtisa, “I’m so disappointed with how a lot of us have been acting.
“Quit bullying Tata. She’s my friend and when you say mean things to her, you’re saying it to me.”
“I watched the video you all are referring to, and she didn’t mean in anyway it’s me.”
Pero ang tanong, may malisya nga ba ang pahayag ni Tata?

MISS COSMO 2024 STATEMENT ABOUT THE ISSUE
Itinanggi ni Tata na may malisya ang kanyang naging pahayag sa interview na, “We don’t talk, we walk.”
Isang mahabang statement ang inilabas niya sa Instagram Story.
Sinabi rito ni Tata na hindi niya magagawang siraan ang itinuturing na kaibigan, na ang tinutukoy ay si Ahtisa.
Humingi rin siya ng paumanhin kung nagdulot ng pagkalito ang kanyang pahayag.
Bahagi ng post ng Miss Cosmo 2024: “’We don’t talk, we walk,’ to me meant following through on promises.
“I never intended to use that phrase to attack or hurt a friend.
“I am truly sorry that my words came across negatively, as that was not my intention. I take full responsibility for how it was received.
“Ahtisa has always been a true friend to me, and it never crossed my mind that what I said would make people think it was directed at her.
Sabi pa niya, “[D]iscrediting or invalidating someone’s struggles or pain was never my intention this was not at all the message I intended to convey.
“I completely understand where all the confusion is coming from, and I a truly sorry for it.”

