Umaapela ang aktres na si Jessy Mendiola na huwag munang husgahan ang kanyang asawang si Luis Manzano sa pagpasok nito sa politika.
Nag-file si Luis ng kanyang kandidatura sa pagka-bise gobernador ng Batangas noong October 3, 2024.
Kasabay niyang naghain ng kanilang Certificates of Candidacy (CoC) ang kanyang inang si Vilma Santos at kapatid na si Ryan Christian Recto sa Batangas Provincial Capitol.
Puntiryang balikan ni Vilma ang kanyang dating posisyon sa lalawigan bilang gobernador, kung saan tatlong termino siyang naglingkod: mula 2007 hanggang 2016.
Si Luis ang kanyang ka-tandem bilang vice-gubernatorial candidate.
Samantala, nais ni Ryan maging kinatawan ng 6th District ng Batangas, na dati ring puwesto ni Vilma bago magpahinga sa pulitika noong 2022.
Read: Vilma Santos, sons Luis Manzano and Ryan Christian Recto file certificates of candidacy in Batangas
JESSY MENDIOLA: "Sana din bigyan ng pagkakataon si Luis to prove this."
Kinagabihan ng October 3, naghayag ng kanyang suporta si Jessy sa asawa sa kanyang Instagram.
Ayon sa kanya, hindi ito nakaplano pero Diyos na ang may-akda ng bagong kapalaran ng asawa.
Lumaki man sa pamilyang nasa public service, ngayon lamang papalaot sa pulitika ang magaling na TV host.
Read: Jessy Mendiola expresses full support for husband Luis Manzano
Isang netizen naman ang nagkomento sa post ni Jessy.
Ayon dito, sana raw maganda ang intensiyon ni Luis sa pagpasok sa pulitika.
Ibang mundo raw kasi ito sa nakagisnang industriya na showbiz.
Buong komento ng netizen (published as is): "On a serious note po, I hope na may magandang intensyon po ang iyong pagtakbo sa darating na eleksyon.
"Hindi po ako against sa mga celeb/sikat na gusto pasukin ang politika, pero sana ay may sapat na kakayahan at kaalaman po sa buong proseso ng politika.
"Kase yung responsibility po na aakuin nyo if mananalo kayo ay para ring responsibilidad ng isang doktor na buhay ng tao ang nakasalalay, sana lahat ng maniniwala at boboto sayo ay may maasahan at hindi masasayang boto nila"

Sinagot ni Jessy ang netizen.
Pakiusap niya, bigyan ng pagkakataon si Luis na patunayang kaya rin nitong maglingkod sa bayan.
Hindi naman daw porke't artista ang mister ay wala itong magagawa para sa kanyang nasasakupan sakaling mailuklok sa puwesto.
Sana ay hindi raw muna ito husgahan dahil baka ang talagang layunin ni Luis ay magserbisyo.
Sa pagkakaalam daw ni Jessy, sa lahat ng artistang tumatakbo ngayon sa halalan ay isa si Luis sa pinakakuwalipikado.
Saad ni Jessy (published as is): "Sana din bigyan ng pagkakataon si Luis to prove this. He grew up learning so much from his mom and his stepdad when it comes to politics.
"I do not understand why some people are so quick to judge porket “artista” siya.
"Ang pagiging artista ay isa lang sa mga kaya niyang gawin sa buhay. Others do not know Luis like I do.
"What if he just really wants to serve the Filipino people? Others are so quick to judge.
"Honestly, sa lahat ng artista na tumakbo at tumatakbo si Luis ang isa sa pinaka-qualified sa lahat. I hope people let him prove himself when it comes to public service.
"Kung ang ibang tao nga may karapatan tumakbo, bakit ang isang tulad niya hindi pwede?
"Napalaki ng maayos at matino si Luis nila Momski, Daddyo at Tito Ralph. Hindi naman siya ina-appoint sa pwesto niya. Lalaban siya ng patas.
"At the end of the day, ang mga BOTANTE parin ang magdedesisyon kung ihahalal siya bilang public servant, wala nang iba."

Komento ng isa pang netizen, may karapatan daw ang mga taga-Batangas na husgahan si Luis dahil marami na ring mga artistang napagbigyan mamuno ngunit hindi nila natupad ang kanilang mandato.
Hindi rin daw kilala si Luis sa lugar nila bilang public servant kaya umaasa siyang magtrabaho talaga ito sakaling manalo.
Buong komento nito: "I think the people, especially the Batangueños have the right to judge considering the fact that a lot of artistas who had the chance to sit in a position have failed to serve what they needed to serve.
"The fact that no one truly knows him like you do just adds sa many reason why people should question his intentions. Nevertheless, if manalo man siya. I hope he does his best throughout his term. Because ang pag-unlad ng Batangas ay pag-unlad ng Pilipinas. YAY. (I grew up watching him so I really hope he won't disappoint your people.)"

Sumang-ayon naman si Jessy sa kanya. Pero sana raw hayaan muna ng sambayanan na patunayan ni Luis ang kanyang pagnanais magserbisyo.
Giit pa ni Jessy, hindi lahat ng artista ay pare-pareho.
Sagot niya sa netizen, "yes. They have the right to judge, but let’s not forget that he has a right to prove himself too. It goes both ways. Nagsisimula palang siya, pinipigilan na agad. Hindi pareparehas lahat ng artista."

Bukas, October 8, 2024, magtatapos ang paghahain ng mga kakandidato ng kanilang mga Certificates of Candidacy (COCs).
Kabilang sa mga celebrities na naghain na ng kanilang kandidatura ay sina Angelu de Leon, Yeoj Marquez, Camille Villar, Vico Sotto, Michael Pacquiao, Wendell Ramos, Ben Tulfo, Erwin Tulfo, Dan Fernandez, at Gem Castillo-Amante.
Nag-file na rin ng kanilang COCs sina Sam Verzosa, Marjorie Barretto, Abby Viduya, Aljur Abrenica, Marco Gumabao, Enzo Pineda, at Ion Perez.
Nag-file na rin ng kandidatura sina Richard Gomez, Lucy Torres-Gomez, Alfred Vargas, Arjo Atayde, Zanjoe Marudo, Cai Cortez, DJ Durano, Angelika dela Cruz, Bobet Vidanes, at si Nora Aunor.
READ MORE:
- Angelu de Leon, Yeoj Marquez, Camille Villar nagsumite ng COC
- Vico Sotto, Michael Pacquiao file COC for 2025 elections
- Wendell Ramos at Ben Tulfo, naghain ng certificate of candidacy
- Dan Fernandez, Gem Castillo-Amante naghain ng COCs sa Laguna
- Sam Verzosa, pormal nang naghain ng kandidatura para Manila mayor
- Marjorie Barretto, muling tatakbong konsehal sa Caloocan City
- Nora Aunor, Abby Viduya, Aljur Abrenica tatakbo rin sa 2025
- Marco Gumabao, Enzo Pineda, Ion Perez tatakbo sa 2025 elections
- Richard at Lucy, Alfred Vargas, Arjo Atayde nag-file na ng COCs
- Vilma Santos, sons Luis and Ryan file COC in Batangas
- Zanjoe Marudo, DJ Durano, Cai Cortez nagsumite rin ng COC
- Angelika dela Cruz at Bobet Vidanes, tatakbong vice-mayor sa 2025
