Ayon kay Alexa Ilacad, may mga pagkakapareho at pagkakaiba raw sila ng child actress na si Ryrie Sophia na kasama niya sa pelikulang Mujigae.

Lahad ni Alexa, “Well, I haven’t really worked with a lot of other child stars ngayon, pero meron po kaming similarities pero madami din kaming differences.
“Kasi nung bata po ako, mas reserved…
“I would say, I was a bit more reserved, pero kagaya ni Ryrie medyo bibo, pag naman pinakanta at pinasayaw, game na game naman, parang ganun.
“Ganun din po si Ryrie, siya yung parang nagpapa-happy talaga sa buong set, kakanta siya, sasayaw siya.”
Gumaganap si Alexa sa pelikula bilang si Sunny na ayaw magka-anak, ayaw ng responsibiliad bilang isang ina, pero napilitang maging guardian ni Mujigae, ang karakter na ni Ryrie sa nabanggit na pelikula na ipapalabas ngayong October 9 sa mga SM Cinemas.
Pero medyo mahiyain pa rin si Ryrie nang humarap sa mga press people sa mediacon ng Mujigae nitong October 2 sa Sequoia Hotel sa Timog Avenue, Quezon City.
Read: Kim Ji Soo talks about working with Alexa Ilacad, his stay in PH

ALEXA PRAISES RYRIE’S PROFESSIONALISM
Paglinaw ni Alexa, “Siguro po siyempre it’s a bit overwhelming to be in front of so many people, so I’m sure may nerves din kahit papaano, pero cool lang iyan.
“Pero what I really like about Ryrie is her professionalism, ‘coz as a kid of course napapagod siya right away. Kids nap, kids need their nap, di ba?
“Or maikli ang attention span, but ang maganda pa kay Ryrie is napagsasabihan, she learns when you talk to her and yun nga, yung professionalism po niya, parang naiintindihan niya….
“She’s very mature for her age, kung paano siya makipag-usap, she’s 6.
“When I was her age, hindi pa po ako sumalang sa showbiz, more on commercials din po ako, so that’s totally different world.
“Pero sobrang nakaka-proud si Ryrie,” dagdag pa ni Alexa.
“Sabi ko nga, patuloy lang siyang hasain at alagaan, siyempre to keep her feet on the ground and matutong gumalang sa mga iba, she will make it really, really far.”
Read: K-drama actor Kim Ji Soo officially signs with GMA's Sparkle
ALEXA FEELS INTIMIDATED WORKING WITH KIM JI-SOO
Bidang lalaki sa Mujigae bilang si Ji Sung Park ang South Korean actor na narito ngayon sa Pilipinas at gumagawa ng marka sa Philippine showbiz, at si Kim Ji-soo ng Strong Girl Bong-soon na kasali rin sa Abot Kamay Na Pangarap ng GMA.

Ano ang unang naging reaksyon ni Alexa nang nalaman niya na makakapareha niya sa isang proyekto si Ji Soo?
Kumusta ang experience?
“At first I was a bit nervous and I’m not gonna lie, medyo na-intimidate talaga ako kay Ji Soo, kasi ang tangkad,” ang bulalas ni Alexa.
“Hindi ko siya matingnan nang diretso, kailangan nakatingala ako. 6’2” siya, 5’2” ako, on a good day,” at tumawa ang young actress.
Pagpapatuloy pa ni Alexa, “Pero, hindi, I was really excited din kasi I know professional Korean stars are and I’ve never really worked with anyone na Korean star.
“So, the first time I met Ji Soo, it was for the look-test. So, parang in a way sinabak na agad kami sa trial scene, without really the you know, formal introduction, so I was a bit intimidated.
“Pero I saw naman in his eyes na open naman siya, so kinapalan ko na po yung mukha ko, kinausap ko, nakipag-eksena ako sa kanya and nagbibigay talaga siya, kahit feeling ko hindi niya ako naiintindihan minsan, nagbibigay talaga siya.”
Nasa pelikula rin, na mula sa produksyon ng UxS (Unitel x Straightshooters) at ng producer na si Madonna Tarrayo, si Rufa Mae Quinto, at sina Richard Quan, Kate Alejandrino, Donna Cariaga, Cai Cortez, Roli Inocencio, Anna Luna, Lui Manansala at Peewee O'Hara.
Ang Mujigae ay mula sa direksyon ni Randolph Longjas at sa panulat ni Mark Raywin Tome.
