Hindi na nagpatumpik-tumpik pa si Jericho Rosales, 45, sa paghayag ng real score sa pagitan nila ni Janine Gutierrez, 35.
Opisyal na ipinost ni Jericho sa kanyang Instagram feed ang litrato nila ni Janine na kuha sa kanilang museum date.
Nagpunta sila sa National Museum sa Manila noong July 2024.
Read: Jericho Rosales, Janine Gutierrez spotted at museum, bookstore
Kung noon ay fan-cam photos lang ang kumalat sa social media, kahapon, October 2, si Jericho na mismo ang nagbahagi ng personal shots nila ni Janine na kuha noong araw na iyon.
Iyon ang simple pero sweet gesture ni Jericho bilang greeting kay Janine na nagdiwang ng kanyang 35th birthday.
Caption ni Jericho: "Happy birthday to my museum / tabing-ilog date @janinegutierrez."

May iba pa silang kuha sa museum, pati na rin sa isang lugar na may view ng Pasig River.

Kalakip ng IG post ni Jericho ay birthday cake, heart, sunflower, at sheep emojis.
"Sunflower" ang minsang ginamit ni Janine na paglalarawan sa estado ng kanyang puso, dahil siya ay "nakakita na ng liwanag."
Ginaya ni Jericho ang sagot ni Janine at sinabing sunflower din ang estado ng kanyang puso dahil gusto niyang nakakakita ng liwanag.
Ito ang masayang reply ni Janine sa IG post ni Jericho:

Ang "Instagram official," ayon sa urban dictionary website, ay tumutukoy sa isang relasyon na "determined official because the people posted pic together on instagram."
Read: How Jericho Rosales balances work and dating Janine Gutierrez
Noon pang Agosto ay naging bukas sina Jericho at Janine na sila ay nasa "dating" stage at "getting to know each other."
Read: Jericho Rosales admits to dating Janine Gutierrez
Read: Jericho Rosales recalls first date with Janine Gutierrez
CELEBS HAPPY FOR JERICHO ROSALES, JANINE GUTIERREZ
Sa comments section ng IG post ni Jericho, ang kilig na sagot ni Janine: "im so happy thank youuuuuu" at may kasamang heart emojis.
Bumuhos ang saya at kilig ng mga kasamahan nila sa industriyang nag-comment sa post ni Jericho.
Kunwa'y na-brokenhearted si Melai Cantiveros dahil may nanalo na sa puso ni Jericho.

Sabi ni Vina Morales, abot hanggang U.S. ang "haba ng hair" ni Janine.

Napatawa na kinikilig si Kim Molina.
Napa-"sh*t" si JK Labajo.

Teary-eyed emojis sina Paolo Valenciano at Chie Filomeno.
At nag-heart emoji rin ang anak ni Jericho na si Santino Rosales.

