Makalipas ang ilang taon, muling tumuntong sa bakuran ng GMA-7 ang mga dating Kapuso actress na sina Bea Binene at Louise delos Reyes.
Sina Bea at Louise ang mga panauhin sa Fast Talk With Boy Abunda nitong Martes, October 1, 2024. Bahagi ito ng promo ng kanilang upcoming horror movie na Pasahero.
Sa panayam sa kanila ni Boy Abunda, diretsahan silang tinanong kung may pagsisisi sila sa pag-alis sa bakuran ng Kapuso network.

Nagsimula ang karera nina Bea at Loiuse bilang mga aktres sa GMA-7.
Si Louise ay labintatlong taong namalagi sa GMA-7, kunsaan siya nakagawa ng mga proyekto na siya ang bida.
Kabilang sa mga pinagbidahan niyang teleserye ay ang Alakdana (2011), Mundo Mo’y Akin (2013), Kambal Sirena (2014), at Magkaibang Mundo (2016).
Hanggang noong 2017 ay nagdesisyon siyang lumipat sa ABS-CBN nang mapasama siya sa mga seryeng FPJ’s Ang Probinsyano at Asintado (2018).
Read: Does Louise delos Reyes regret transferring to ABS-CBN?
Si Bea naman ay labinwalong taong naging Kapuso artist hanggang sa umalis siya noong 2021.
Nakilala siya sa mga nagawa niyang proyekto sa Kapuso network, gaya ng Reel Love Presents Tween Hearts (2010), Luna Blanca (2012), Hanggang Makita Kang Muli (2016), at Kapag Nahati ang Puso (2018).
Read: Bea Binene wala nang exclusive contract sa GMA-7 pero mananatiling Kapuso
LOUISE DELOS REYES on LEAVING GMA-7
Aminado si Louise na may kaunting pagsisisi siya noon nang umalis sa poder ng GMA-7.
Ngunit unti-unti rin naman daw niyang natatanggap at nare-realize na kung hindi siya umalis sa Kapuso network ay wala siya sa posisyon ng kanyang karera ngayon.
Dagdag pa rito na naging daan ito para makilala niya ang mga taong naging kaibigan niya sa labas ng network.
Saad ni Louise: "Meron akong mga regret pero yung mga regrets kasi na yon, parang naging okay na ako doon.
"Kasi kung hindi dahil sa mga ginawa ko before, hindi ako magiging si Louise ngayon.
"Lahat ng pagkakamali ko noon, lahat ng wins ko noong time na yon, eto ako. Siguro kung hindi ko yon ginawa, hindi ko makikilala yung mga taong kasama ko ngayon.
"I have not this knowledge and this heart for people now."
Read: Louise delos Reyes apektado sa nangyari sa kanyang showbiz career
Gayunpaman, labis daw ang pasasalamat ni Louise sa GMA-7 na unang naniwala at tumaya sa kanya.
Saad niya, "Grateful lang din ako sa GMA, kasi sila lang din talaga yung nagbigay ng opportunity.
"Iba yung tibok ng puso ko kapag sinasabing GMA at kapag nakikilala ako na from GMA, iba din yung saya."
Read: Louise delos Reyes, may regular job bukod sa pagiging artista
BEA BINENE ON leaving GMA-7
Kabaliktaran kay Louise, si Bea naman ay wala raw pagsisisi sa pag-alis niya sa GMA-7 nang hindi na siya mag-renew ng kontrata noong 2021.
Alam daw ni Bea na lubos na naiintindihan ng GMA-7 ang desisyon niyang lisanin ang network na kumupkop sa kanya ng halos dalawang dekada, dahil sa gusto niyang mag-explore at lumabas sa kanyang comfort zone.
Pahayag ni Bea: "Regret? No.
"Ako, I'm just grateful and blessed to GMA, with GMA, I because I have been here for 18 years.
"They have taught me a lot, I've experienced so much. I met so many people who shaped me to who I am today.
"Siguro, siyempre, tayo, we always want to explore and widen our reach and opportunities, ganyan.
"But now I'm freelance, I'm handled by Viva. But I'm freelance now, and I'm still very grateful.
"It's really nice to see everyone here [sa GMA-7] kasi naging tita, ate, kuya ko na po sila.
"Siguro not regret, but it's just that it felt like I stepped out of my comfort zone.
"Kasi when I transfered... and sometimes it's nice na to have that sense of
familiarity, sometimes you tend to get overwhelmed with that very unfamiliar world outside, and sometimes you just miss being here.
"Sometimes you just miss being here, you just miss the company here, because my friends are here."
Read: Bea Binene, Kapuso pa rin kahit pumirma na sa Viva Artists Agency; hindi pa kayang magpa-sexy
Katulad ni Louise, malaki rin ang pasasalamat ni Bea sa GMA-7 na itinuturing niyang tahanan, noon at ngayon.
Aniya: "Again, this [GMA] was like my comfort zone, this was like my home.
"But I'm still, I'm always very grateful, and I'm also grateful to Viva because, you know, the opportunities are still there.
"Kahit nasaan naman ako, saan man ako dalhin, lahat, lagi ko pong sinasabi na I'm not managed by GMA now but I am very very grateful for GMA."
Read: Louise delos Reyes at Bea Binene may panawagan sa mga Pinoy
