PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

BLIND ITEM: Two breakups, what went wrong?

What caused their relationships to fall apart?
by Emmy Burce
Published Dec 25, 2024

blind item breakups
Two showbiz breakups surprised a lot of fans this 2024. What caused their relationships to fall apart?
PHOTO/S: Canva

"Some good things never last."

Ito marahil ang kantang makapaglalarawan sa breakups ng dalawang showbiz couples.

Yung isa, na tatawagin nating Perfect Pair, aakalaing sila na ang forever ng isa't isa. Super bagay kasi, at parehong handa na para mag-settle down.

Yung isa, na babansagan nating Charming Couple, maraming fans ang nag-hopya na magkatuluyan sila. Nasa marrying age na rin naman kasi sila kaya, di ba, iisiping kasal na ang ending?

Pero bigla na lang naunsiyami ang plans nina Perfect Pair para sa kanilang relasyon.

Napansin na lang one day na tila nagdi-dissociate na from each other si Perfect Pair hanggang sa aminin nilang break na sila.

Si Charming Couple naman, tila bigla na lang nag-fizzle out ang romance.

Walang anumang announcement tungkol sa kanilang breakup.

Basta bigla na lang sila tumigil mag-post sa social-media feeds nila nang magkasama.

Kung gaano kaingay ang pagkakadiskubre sa relasyon nila, siya namang tahimik ng paghihiwalay nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read:

Sexy star, matagal nang hiwalay sa napapabalitang boyfriend

TV5 reporter, pinaalis sa mediacon ng isang MMFF 2024 movie

WHAT CAUSED THE BREAKUP?

Bakit sila naghiwalay?

Puro mga haka-haka ang lumabas na rason sa hiwalayan ng Perfect Pair kaya hindi tuloy malaman kung ano ang totoo.

Pero isang source ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang nakapagsabing "wrong timing" ang primary reason.

Ang dami kasing nangyari lalo na sa life ng isa sa kanila.

Sa sobrang lungkot niya, parang hindi niya masabayan ang enthusiasm ni ka-pair.

Understandable naman kung bakit ganun na lang ang naging pressure, major life event kasi.

May pinaghahandaan silang milestone sana sa kanilang relationship.

Pero hindi nakausad dahil parang isa lang ang may maraming energy.

Dapat dual effort o shared endeavor iyon, pero naramdaman ni ka-pair na parang siya lang yung super excited kaya ayun, hindi natuloy.

In the end, naghiwalay siya.

Si Charming Couple naman, parang kay bilis nilang mag-move on. Ni hindi na-announce na nag-break sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Basta, bigla na lang silang naging mag-ex.

Ang isa sa kanila, ayon sa isa pang PEP source, mukhang may something na sa taong kaibigan ni ex.

Ang isa naman, maraming sightings kasama ang dati niyang ex.

In short, the end na ang yugto ng romance nila.

Mukha namang sina Perfect Pair at Charming Couple ay moving on wonderfully.

At hindi kataka-taka kung sa 2025 ay mapabalitang may kanya-kanya na silang love life with other people.

At the end of the day, everybody deserves to be happy.

Pruweba rin ito na kung hindi ukol, hindi talaga bubukol.

Sana lahat ay happy and lucky in love this new year.

Read:

TV program, bilang na mga araw sa telebisyon

BLIND ITEM: Bata, bata, sino ang iyong ama?

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Two showbiz breakups surprised a lot of fans this 2024. What caused their relationships to fall apart?
PHOTO/S: Canva
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results