Itinanggi ni Gabbi Garcia na engaged na sila ng longtime boyfriend na si Khalil Ramos.
Sa Instagram noong September 16, 2024, nagbahagi si Gabbi ng random pictures kung saan sinubukan niya ang bagong update sa Instagram.
Saad niya sa caption, "giving this 20 carousel post a try. life lately :)"
View this post on Instagram
Mapapansin sa unang larawan ang sweet na larawan nila ni Khalil.
Hindi naman nakalusot sa paningin ng netizens ang suot na singsing ni Gabbi sa kanyang daliri.
May ilang nag-assume na "engaged" na sina Gabbi at Khalil.

Sumagot si Gabbi sa mga katanungan ng netizens.
Nilinaw ng Kapuso actress na hindi pa siya engaged, at ang singsing para sa engagement ay inilalagay sa kaliwang daliri at hindi sa kanan.
Buong sabi ni Gabbi, "GUYZZZZ it’s a ring from my mom (laughing in tears emoji) afaik, engagement rings should be on the left hand!! It’s my right hand u guyshhh (emojis) (laughing in tears emoji)"
Ang ibig sabihin ng "afaik" ay "as far as I know."

Read: How Gabbi Garcia and Khalil Ramos handle their nearly seven-year relationship
GABBI GARCIA, KHALIL RAMOS IN MARRIAGE TALKS LAREADY
Sa panayam kina Gabbi at Khalil noong May 2024, inamin nilang pinag-uusapan na nila ang pagpapakasal.
May pitong taon na ang kanilang relasyon.
Sabi ni Gabbi, “Kasi kaming dalawa, for the past seven years, very tahimik naman talaga yung relasyon namin.
"Parang hindi naman kami masyadong maintriga pagdating sa lovelife.”
Ayon naman kay Khalil, “We do talk about it naman, you know. It’s something that we hope to the both of us.
"Pero, yeah! Kagaya nga ng sinabi ni Gab, if it happens, sa amin na muna yun."
Read: Khalil Ramos at Gabbi Garcia, pinag-uusapan na ang kasal?
