PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kidlat Tahimik on other National Artists: "I’m in good company."

Does Kidlat Tahimik watch Netflix?
by Jerry Olea
Published Sep 18, 2024
kidlat tahimik national artist
National Artist Kidlat Tahimik on the beuaty of watching movies in cinemas: "It’s still a community that goes together to see a film in a common viewing place. Pagka nasa bahay ka, kalat-kalat yung atensiyon mo. But being together, you feel together, you laugh together, you cry together — I think that’s an important part of cinema na hindi dapat mawala."
PHOTO/S: Jerry Olea

Pinagpupugayan ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) ang labing-isang National Artists for Film and Broadcast Arts sa pagdiriwang ng 4th Philippine Film Industry Month (PFIM) ngayong Setyembre 1-27, 2024.

Ang labing-isang Pambansang Alagad ng Sining sa larangan ng pelikula at broadcasting ay sina Fernando Poe Jr., Eddie Romero, Lamberto Avellana, Manuel Conde, Marilou Diaz-Abaya, Lino Brocka, Ishmael Bernal, Gerry de Leon, Nora Aunor, Ricky Lee, at Kidlat Tahimik (Eric Oteyza de Guia).

Sa labing-isang iyan ay tatlo lamang ang buhay — ang 71-anyos na si Ate Guy, ang 76-anyos na si Sir Ricky, at si Tatay Kidlat na magiging 82 anyos na sa Oktubre 3, 2024.

Read: Ricky Lee, Kidlat Tahimik feted at 4th PFIM gala night

Sa gala night ng 4th PFIM noong Setyembre 13, Biyernes, sa Teatrino ng Promenade, Greenhills, San Juan City, absent ang Superstar.

Kasama ni Sir Ricky si Direk Mac Alejandre at ang personal assistant na si Adel Abrigonda.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mag-isa lang ang naka-bahag na si Tatay Kidlat na galing sa Baguio City kung saan siya nakabase.


kidlat tahimik at 4th Philippine Film Industry Month gala night
Photo/s: Jerry Olea

THE OUTSIDER

Matapos ang programa sa gala night ng 4th PFIM noong Friday the 13th ay kinumusta ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang pakiramdam ni Tatay Kidlat.

“Well siyempre, kasabay ko ang mga contemporaries ko. Kilala ko sina Lino Brocka, sina Ishmael, we were newbie together,” matamang pahayag ng Father of Philippine Independent Cinema.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“At si Ricky, through the years. Si Manuel Conde, nakilala ko. Si Eddie Romero… pero to be with them in an honor, tribute is… kung minsan, nakakalimutan ko.

“Kasi, I always think I’m outside the industry, although naging kaibigan ko rin sila, ano?

“And I think, it’s not that I’m in or out. It’s just that, iba ang approach ko, pero pareho ang layunin natin — to get storytelling across the people.

“Iyan ang importante. I’m in good company.”

Nararamdaman niya ang respeto at pagpapahalaga sa kanya ng local film industry kahit hindi mainstream ang kanyang mga obra?

“Yung kinikilala ka rin ng industry although you’re outsider means tinatanggap na yung proseso ng paglikha ng mga indies,” tugon ni Tatay Kidlat.

“Kaya siguro ngayon, a lot of mainstream are going to embrace the indie spirit. And I think that’s a good sign.”

Read: REVIEW: Lakbayan showcases film aesthetics of Lav Diaz, Brillante Mendoza, Kidlat Tahimik

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

SARILING DUWENDE

Patuloy si Ricky Lee sa paggawa ng mga obra. Aniya, kapag nakatapos siya ng proyekto at walang ginagawa ay restless siya, hindi makatulog, parang walang purpose sa buhay.

Ganoon din ba siya? Kailangang patuloy sa paglikha kahit octogenarian na siya?

Read: National Artist Ricky Lee and his 'love story' with MMFF: "Dun ako nakilala na..."

“I think pinapa-retire na ako ng asawa ko, ano, pamilya ko,” natatawang pag-amin ni Tatay Kidlat.

“Maybe I can slow down pero I don’t think I can give up creativity. Ang creativity ng duwende ko, ang creativity ng sariling manlilikha sa loob ko ay forever iyan hanggang binaon na ako.

“Baka doon, magtutuluy-tuloy pa rin ang creativity ko.”

Kumusta ang kalusugan niya? Nakakakilos pa rin siya nang mag-isa at masigla…

“Kung minsan nagugulat ako. Kasi, when I just turned 18… 18, baligtad. Puwede nang bumoto, puwede nang uminom,” saad ni Tatay Kidlat.

Iyong paninirahan niya sa Baguio City, malaking bagay kaya mabuti ang kanyang lagay?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Well, it’s partly Baguio. It’s also my wife is a vegetarian kaya madalas sumusunod ako sa diyeta niya,” pagtatapat ni Tatay Kidlat.

“Pero siguro mostly kasi naging kabarkada ko yung mga anak ko. Kaya nakikilala ko pa rin ang mga barkada nila, so that way… and also meeting indie filmmakers who call me ‘Tatay.’

“Ayun, and I think, sumisigla yong kalooban ko. Kasi may connections pa ako sa mga next gen.”

Mahal ni Tatay Kidlat ang home base niyang Baguio City, kung saan naging curator na siya ng Panagbenga festival.

Napangiti si Tatay Kidlat, “Well, I think yung kaloob ko, yung craziness ko, yun madness ni Kidlat Tahimik, is a lot also… fertilized sa Baguio.”

Nasa Summer Capital of the Philippines din ang National Artist for Visual Arts na si BenCab, o Benedicto Cabrera. May museum ito sa Tuba, Benguet.

“Well, BenCab migrated to Baguio pero matagal na kaming magkasama,” sambit ni Tatay Kidlat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“And I think it’s good that nauudyok namin ang City Council at City Hall to take Art more seriously for the community.”

Read: Kidlat Tahimik wins Caligari Prize at 65th Berlin International Film Festival for Balikbayan #1

TURUMBA SA BIRHEN

Syinuting ni Tatay Kidlat ang documentary/comedy na Turumba (1983) sa Pakil, Laguna, kung saan naka-enshrine ang milagrosang Nuestra Señora de los Dolores de Turumba.

turumba poster
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bakit na-inspire siyang mag-shoot doon?

“Well, first of all, sa location, katabi iyon ng home town ng father ko. Barangay Balian, which is part of Pangil [Laguna],” paliwanag ni Tatay Kidlat.

“Madalas ako nung bata ako sa Balian, na katabing baryo lang ng Pakil. In the long run, kasi nakikita ko sila, gumagawa sila ng handicraft at actually, gumawa ako ng mga handicraft para sa Munich Olympics in 1972.

“Kaya sabi ko, ‘I’ll shoot na parang dito nangyari.’ It became a location for a story that I wanted to tell about how globalization affects a small village.

“Beside that, I’ve always admired Pakil because meron silang sentro, e, yung church. And that galvanizes the townsfolk.”

Buhay na buhay ang tradisyon ng prusisyong Turumba sa Pakil, na may iba-ibang lupi bawa’t taon. Sa taunang Marian grand procession tuwing Disyembre sa Intramuros, Manila, pinakamalaki ang delegasyon ng Pakil.

“The centrality of the church lets the energy of the community converge. At dahil doon, napoprotektahan nila iyung kultura nila,” sambit ni Tatay Kidlat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kontra ang mga Pakileño sa pagtatayo ng hydropower plant project sa kanilang kabundukan, partikular sa may Mt. Ping-as. Malamang na makaapekto ang nasabing hydropower plant sa supply ng kanilang malinis na tubig-bukal.

“Nag-sign ako sa petition. I think, not everything should be in the altar of progress!” bulalas ni Tatay Kidlat.

Read: Nora Aunor excluded anew from list of National Artists

INDIO-GENIUS THOUGHTS

Nabago na ang landscape ng movie and TV industry, lalo pa’t lumaganap ang social media at streaming services gaya ng Netflix. Ano ang insights niya sa pag-evolve na iyon?

“I think blessing din iyon na mas maraming platform, mas maraming possibilities to share yung mga likha mo, ano,” pagmamatwid ni Tatay Kidlat.

“Yung streaming, I think it allows also more freedom. Puwede mong habaan ang kuwento mo. You can indulge in your indio-genius thoughts.

“Kasi dati, kailangan may time limit iyon. Kasi if you screen a Lav Diaz film in a cinema, malulugi ka lang. Isa lang tiket ang bibilhin mo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“With streaming, ayan, puwede kang mag-10 episodes, 20 episodes. But I think ang importante, marami nang platform ang trabaho mo. Hindi limited sa movie houses at sa TV.”

Nanonood ba siya ng mga palabas na nag-i-streaming?

“Ako mainly, pag niyayaya ako ng anak ko or my wife, I watch Netflix with them and others,” pagtatapat ni Tatay Kidlat.

“I’m surprised kung minsan. Wow, mas may freedom sila, walang sobrang time limit. Because of that, dumadaming expressions ang lumalabas.

“I think it’s good for the creative ‘sariling duwende’ sa different artists.”

Ang paglaganap ng online contests at streaming services ay sinasabing nagpabago sa viewing habits ng mga tao.

Maliban sa Metro Manila Film Festival kung Disyembre, matamlay na ang mga sinehan. Ngayong 2024 ay isa pa lamang pelikulang Pinoy ang tinangkilik nang lubos ng moviegoers, ang Un/Happy for You na ipinalabas noong Agosto.

“Everybody can watch anything on a big screen, on a small screen, on a medium-size screen,” saad ni Tatay Kidlat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pero sa akin, going to the cinema was a community thing, e.”

Ibang experience iyong marami kayong sabay-sabay na nanonood sa loob ng sinehan.

“Biglang magwa-warm up yung cinema. Imagine, I could feel the temperature rise,” wika ni Tatay Kidlat.

“Which is my point na it’s still a community that goes together to see a film in a common viewing place.

“Pagka nasa bahay ka, kalat-kalat yung atensiyon mo. But being together, you feel together, you laugh together, you cry together — I think that’s an important part of cinema na hindi dapat mawala.”

PAGBIBINHI

Ano ang mensahe niya para sa filmmakers at mga manonood upang maging masigla ang local movie industry?

“Sa filmmakers, let’s not be copycats. Gumawa tayo ng mga kuwento na may kaugnayan sa kultura natin, sa ating pagkatao,” paghihikayat ni Tatay Kidlat.

“Sigurado, kikilalanin tayo ng buong mundo. When we copy the formulas of other countries, you can only be second-class creators.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pero andami ngayong mga indies, independent filmmakers na gumagawa ng sariling kuwento nila at totally free, and therefore they are really original works.

“Sa mga audiences siguro, kailangang maniwala tayo sa mga kakayanan ng ating mga local artists.

“It’s not just supporting them economically when you buy a ticket pero nakikipagkapwa tayo sa kanilang mga ideals na mga adhikain nila. “

And it’s a form of being together, the audience and the film author. The cineastes. Sana, tuluy-tuloy iyon.

“Kasi we can never be like the Hollywood people.”

Mamamatay ba kapagkuwan ang Philippine cinema?

“No, I don’t think so. Iyong pagbibinhi ng maraming creative indies ngayon, iyan ang magbibigay ng sigla sa future moviemaking,” pananalig ni Tatay Kidlat.

“Alam mo, traditionally, ang mga producers, natural sila ang humahawak ng pera, gusto nilang palaging pumapatok sa takilya.

“Iyon ang tinatawag ko na PST films. PST! P-S-T, patok sa takilya. Pagka iyon ang main goal, tapos sisirain mo yong original creation nung isang talented director mo, sayang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“You will have a commodity, pero you won’t have a good movie, or a good artwork.

“Pero ngayon, lumalakas ang loob ng mga indie filmmakers. And they can assert themselves, and balance the money side by making good films.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
National Artist Kidlat Tahimik on the beuaty of watching movies in cinemas: "It’s still a community that goes together to see a film in a common viewing place. Pagka nasa bahay ka, kalat-kalat yung atensiyon mo. But being together, you feel together, you laugh together, you cry together — I think that’s an important part of cinema na hindi dapat mawala."
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results