PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jerald Napoles reveals story behind proposal to Kim Molina

Jerald shows convo with Kim's parents when he asked for their blessing.
by Rachelle Siazon
Published Aug 23, 2024
Jerald Napoles and Kim Molina proposal story
Few days before his proposal last August 11, 2024, Jerald Napoles spoke to Kim Molina's parents to ask for their blessing. He also showed how he was hands-on in the creation of the engagement ring he gave her.
PHOTO/S: Nice Print Photo

Higit isang taong pinaghandaan ni Jerald Napoles ang proposal niya sa longtime partner na si Kim Molina.

Read: Kim Molina and Jerald Napoles are now engaged

As early as March 4, 2023, nakipag-meeting na si Jerald sa jeweler para sa ipapagawang engagement ring.

June 2023 nang personal siyang na-involve sa pagdisenyo at paggawa ng singsing—mula sa pagtunaw at paglilok ng ginto para sa ring band, hanggang sa pagkabit ng heart-shaped diamond sa singsing ay ginawa ni Jerald.

Kuwento pa ni Jerald sa kanyang Instagram post, ilang beses naudlot ang plano niyang proposal.

Magpro-propose na raw sana siya nang manood sila ng Coldplay concert sa Thailand noong February 2024.

Pero bigla raw inatake ng LBM si Kim kaya hindi niya tinuloy.

Naisip din ni Jerald na mag-propose kay Kim habang sakay sila ng gondola sa Venice sa nakaplano sana nilang Europe trip.

Hanggang sa huli ay nagpasya siyang sa PETA Theater isagawa ito. Sa PETA sila unang nagkakilala ni Kim na sampung taon na niyang kasintahan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Kim Molina and Jerald Napoles engagement
Photo/s: Nice Print Photo



Read: Jerald Napoles, paano kinarir ang proposal para kay Kim Molina?

JERALD NAPOLES ASKS BLESSING FROM KIM MOLINA'S PARENTS

August 9, 2024 nang lihim na mag-video call si Jerald sa mga magulang ni Kim na nakabase sa Saudi.

Sabi ni Jerald: "Hihingi po ako ng blessing sa inyo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"I love you both. Kasama kayo sa minahal ko bukod kay Kim.

"Matagal na tayong pamilya kaya ako ngayoy nagpo-propose rin sa inyo. Gusto ko rin kayo makasama habang buhay.

"Bukod sa blessing ng Diyos, mabigyan ako ng blessing ng magulang ng aking minamahal sa akin."

Mababanaag sa boses ng mga magulang ni Kim na na-touch sila sa gesture ni Jerald.

Sabi ng ama ni Kim, masaya siya na tinupad ni Jerald ang pangakong sinsero ito sa intensyon kay Kim.

"Kampante na kami kay Kim. I've been waiting for this, actually.

"Nakita ko naman kung paano mo inalagaan si Kim. I consider you a blessing to my daughter," saad ng ama ni Kim.

Ibinahagi naman ng ina ni Kim na noon pa man ay tinuring niyang "baby boy" niya si Jerald.

Halata ang pagkagiliw nito kay Jerald na matagal na raw na welcome sa kanilang pamilya.

Read: Kim Molina reveals boyfriend Jerald Napoles sought permission of her parents before they lived together

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

jerald napoles and his PROPOSAL speech

Dumating ang gabi ng ng proposal ni Jerald kay Kim noong August 11.

Dinala muna niya si Kim sa isang intimate dinner sa isang restaurant sa BGC.

Tila walang kaalam-alam si Kim, na nainip at nagyaya pa raw umuwi matapos nilang kumain.

Pag-uwi, kinumbinse pa ni Jerald si Kim na huwag magpalit ng damit at wag tanggalin ang makeup dahil may pictorial pa sila sa isang studio.

Nasa sasakyan na sila nang sabihin niyang sa PETA Theater ang tungo nila.

Ayaw pa sanang bumaba ni Kim dahil siguradong sarado na raw ang theater at ayaw niyang mapagalitan sila.

Kaya ganoon na lamang ang gulat ni Kim nang matunghayan ang sorpresa ni Jerald.

Trinansform ng isang events team ang stage. Napuno ito ng sunflowers, bubbles, romantic lights, at isang gondola. Recreation iyon ng set mula sa play na Rak of Aegis kunsaan una silang nagkakilala.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Sabi mo pictorial! Bakit ka may mic?!" bulalas ni Kim nang pumasok si Jerald sa stage.

Sa puntong ito sinambit ni Jerald ang madamdaming speech para kay Kim.

"On this stage exactly 10 years ago we met for the first time. Two worlds apart, Saudi girl, Tondo boy, nag-duet agad tayo nang di pa tayo nag-uusap.

"This stage has given me a lot of things in my life—progress, dreams, goals, a name, family, friends, and of course, special someone.

"Pasensya na sampung taon na ang inabot. Pinahinuog lang siguro ng panahon..."

Idineklara rin ni Jerald kung gaano niya kamahal si Kim.

"Tinatanong mo ako lagi kung bakit kita mahal. Hindi ko alam ang sagot.

"Basta ang alam ko lang mahal kita pag gumigising ako, mahal kita pag kumakain ako, mahal kita pag nagdidyihm ako, mahal kita pag nasa banyo ko, mahal kita hanggang sa pagtulog, hanggang sa panaginip.

"Ikaw yung nagparamdam sa akin na matagal pala ako naging mag-isa sa buhay..."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Romantikong sabi pa ni Jerald: "Eto na yun. You've always been my penguin. Recently ko lang nalaman na if a penguin takes a partner, they stay with it forever.

"Kim, will you be my penguin? Will you marry me?"

Emosyonal na napatango na lang ang gulat pa ring si Kim. Nagyakap sila at nag-kiss nang mag-yes si Kim.

Reaksiyon naman ni Kim sa proposal story ni Jerald, "Just when I thought the surprise ended there, days after the proposal I found out he even made the ring himself [crying and ring emojis] @iamjnapoles, [teary-eyed emoji] you are a dream, my love. Thank you."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Few days before his proposal last August 11, 2024, Jerald Napoles spoke to Kim Molina's parents to ask for their blessing. He also showed how he was hands-on in the creation of the engagement ring he gave her.
PHOTO/S: Nice Print Photo
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results