Labis na kalungkutan ang ngayo'y nararamdaman ng TV host-comedian na si Vice Ganda sa pagpanaw ng kanyang six-year-old pet dog na si Chip In.
Sa Instagram nitong Huwebes, August 22, 2024, ibinahagi ni Vice ang malungkot na balita tungkol sa pagkamatay ng pinakakamamahal na aso.
Kalakip nito ang litrato nila ni Chip In at ang pasasalamat sa alagang matagal niyang nakasama.
Read: Vice Ganda criticized for buying a PHP380,000 puppy: “May masama ba?”
Espesyal si Chip In kay Vice dahil ito ang kauna-unahan niyang alagang aso.

Ayon kay Vice, matagal na panahon niyang kasa-kasama si Chip In sa lungkot at saya kaya masakit sa kanyang kalooban ang pagkawala nito.
Mababasa sa kanyang caption (published as is): "My Dearest Chip In, You have been with me for more than 6 years. You were my first fur baby.
"You were my source of joy when i was so down. You made me look forward to coming home from a very exhausting day.
"You stayed beside me when i was lonely. You listened to me when i was upset. You kissed me when i was crying."
Read: Vice Ganda denies giving opinion on Carlos Yulo's family issue
VICE GANDA: "I didnt know that losing a fur baby would hurt this much."
Katulad ng pagmamahal ni Vice kay Chip In, ramdam na ramdam din daw niya kung gaano siya kamahal ng alagang aso nang pilitin nitong lumaban sa kabila ng nararamdamang sakit.
Masakit man para sa It's Showtime host ang pagkawala ng alaga, panatag ang kanyang kalooban na nasa mabuting kalagayan ito ngayon at malaya na si Chip In sa iniinda nitong sakit.
Aniya: "When u were sick i asked you to fight because i was not ready to lose you. I was too weak. It would break me. And you made sure to survive.
"We were so happy. I knew you fought hard enough to stay with me.
"But today i guess it’s really time to say goodbye and let you run and play in heaven.
"Im so sad. Been crying since morning. I didnt know that losing a fur baby would hurt this much."
Sa huli ay nagpasalamat si Vice sa pinakamamahal na asong si Chip In na itinuring niyang anak, kaibigan, at pamilya.
Saad niya, "I realized you were not just a dog. You were my baby. My family. My true friend.
"You gave me so much love. And i loved you with all my heart. I thank God for you."
CONDOLENCE MESSAGES FROM CELEBRITY FRIENDS
Samantala, hindi man binanggit ni Vice ang sakit ni Chip In na naging dahilan ng pagkamatay niya, sa comments section ng kanyang post ay bumuhos ang pakikiramay ng ilan niyang kaibigan at kapwa celebrities.
Komento ni Bela Padilla, "Big big hugs meme! run free, Chip In! Say hi to Sputnik for me."
"Sorry bestie," sabi ni Billy Crawford.
Mensahe ni Jhong Hilario, "Sorry to hear Vice... run free Chip... "
Pakikiramay naman ni Rita Daniela, "hugs, ma. praying for your baby’s soul."
"hugs @praybeytbenjamin all fur-parents can relate. Run free Chip In," dagdag ni John Arcilla.
VICE REVEALS WHAT HE'S AFRAID OF
Dahil sa pagkawala ni Chip In, marami sa fans ni Vice ang ngayo'y nag-aalala sa kanya.
Lalo pa't noon pa man ay bukas nang sabihin ng komedyante sa publiko ang isa sa mga bagay na kinatatakutan niyang mangyari—ito ay ang mamatayan ng alaga.
Sa episode ng It's Showtime noong March 20, 2024, isang searchee sa segment nilang "Expecially For You" ang nagbahagi ng karanasan nang pumanaw ang alaga niyang aso.
Bagay na ikinalungkot ng mga host na sina Kim Chiu, Vhong Navarro, Jhong Hilario, lalo na si Vice.
Sabi noon ni Vice, "Alam niyo, iyan din yung isa sa maraming bagay na ayaw kong maranasan, yung mamatayan ng aso.
"Hindi ko kakayanin."
