Nagkaroon ng mini-reunion ang stars ng T.G.I.S. (Thank God It’s Sabado) para sa 29th anniversary ng ‘90s hit teen-oriented show.
Sa Instagram post ng female lead na si Angelu de Leon, nag-post siya ng black-and-white throwback photo ng original cast na kabilang sina Bobby Andrews, Raven Villanueva, Onemig Bondoc, Red Sternberg, at Michael Flores. Suot ng grupo ang kanilang T.G.I.S. shirts.
Read:
TOTOO BA: TGIS, which ran for four years, was supposed to air for only one season?
TOTOO BA: Angelu de Leon and Bobby Andrews dated during their TGIS days?

Nagpaka-sentimenal ang ilang netizens na fans ng dating hit show na produced ng Viva Television at GMA-7.
Comment ng isang fan: “Omg my favorite afternoon series in the nineties Solid T.G.I.S Peachy Wacks Forever.”
Isa pang nag-comment: “Ang kabataan ko!!! Di kompleto ang sabado pag di nakapanood ng TGIS.”
Read:
WHERE ARE THEY NOW: TGIS Batch 1 stars
WHERE ARE THEY NOW: TGIS Batch 2 Stars
THE TGIS MINI-REUNION
Sa reunion na naganap kamakailan, present sina Angelu, Bobby, Michael, at Ciara Sotto.


Unfortunately, hindi nakarating sina Red at Raven na parehong naka-base na sa Amerika.
Si Onemig naman ay matagal nang dinetach ang sarili sa showbiz.
Na-miss ng netizens ang iba pang cast members na sina Rica Peralejo, Diego Castro, at Bernadette Allyson.
Kasama rin sa reunion ang mga directors ng show na sina

Nataon pa na ang birthday ni Angelu ay sa August 22 kaya sinorpresa siya with a birthday cake.

Caption ni Angelu who will turn 45, “29 years of friendship. Happy Anniversary guys. Group Hug! Thank you for the surprise cake.”
ICONIC TEEN SHOW
Unang umere sa GMA ang T.G.I.S. noong August 12, 1995, at nagtapos ito noong November 27, 1999.
Tinalakay sa show ang mga pinagdaraanan ng mga teenagers tulad ng friendship, bullying, peer pressure, teen crushes, puppy love, teen relationships, broken family, at marami pang iba.
Nung nagkaroon ng second batch ang T.G.I.S., dito na pumasok ang love team nila Dingdong Dantes-Antoinette Taus, Polo Ravales-Sunshine Dizon, at Dino Guevarra-Kim delos Santos.
Nakasama rin sa second generation ng show sina Anne Curtis, Chubi del Rosario, Maui Taylor, Idelle Martinez, Ardi Aquino, Jam Melendez, Vanna Garcia, Aiza Marquez, Jason Aguilar, Joseph Izon, and Jake Roxas.
Nagkaroon ng T.G.I.S.: The Movie in 1997.
Naging tampok ang T.G.I.S. cast sa mga movies—Takot Ka Ba Sa Dilim? (1996), Where D’ Girls Are (1996), Laging Naroon Ka (1997), Wala Na Bang Pag-ibig (1997), Ang Lahat Ng Ito’y Para Sa ‘Yo (1998), Silaw (1998), Ikaw Na Sanq (1998), Honey, My Love, So Sweet (1999), at Kiss Mo ‘Ko (1999).
Aktibo pa rin sa showbiz ang ilang cast members ng T.G.I.S. tulad ni Angelu, na kontrabida sa Pulang Araw, at Bobby Andrews, na main cast ng Lilet Matias: Attorney-At-Law.
Si Dingdong ay may titulong Kapuso Primetime King at main host ng Family Feud, Amazing Earth, at The Voice Kids.
Si Anne Curtis naman ay isang multimedia icon at host ng It’s Showtime.
