May career milestone si Kristof Garcia sa upcoming film na Wild Boys: ang kanyang unang beses na pagganap bilang isang macho dancer.
“Ako dito medyo kakaiba kasi TikToker ako dito. Sa totoong buhay nagti-TikTok ako pero konti lang, tapos influencer at mahilig sumayaw.
“Magiging parte po ako ng grupo ng Wild Boys,” umpisang kuwento ni Kristof sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Read: Kristof Garcia, binansagan ng direktor bilang bagong "Tambok King"
Ano ang naging reaksiyon niya nang malamang gaganap siya bilang macho dancer sa pelikula ng actor-turned-director na si Carlos Morales?
Inamin ng aktor na noong una ay nagkaroon siya ng kaunting pag-aalinlangan.
Aniya, “Parang na-ano ako kasi alam naman natin yung tingin ng mga tao, di ba, pag macho dancer. Tapos, baka isipin ng mga kamag-anak ko ganito, ganyan.
“Pero iyon nga yung reason kaya gagawin natin itong movie na ‘to, para magbigay ng awareness sa mga tao, na hindi ibig sabihin ganito ka, ganito na yung pagkatao mo.
“Parang, this is all about survival, e. Parang kung ano yung puwede mo pang gawin sa buhay kaysa magnakaw ka, alam mo yun?
“Tsaka trabaho ko ‘to e, alam mo yun? Respect lang natin yung trabaho ng bawat isa, respect each other’s hustles ba, parang ganun.”
Read: Carlos Morales passes NCLEX at 47, fulfills dream of becoming a licensed nurse in U.S.
kristof garcia: "sanay ako sa hirap"
Dahil sa kanyang pagganap bilang macho dancer, natanong si Kristof kung ano ang kanyang gagawin kapag sa tunay na buhay ay dumating siya sa puntong kailangan niyang kumapit sa patalim para buhayin ang sarili at pamilya.
Lahad niya, “Kahit papaano naman po nakatapos naman ako ng pag-aaral…”
Graduate siya ng Bachelor of Science In Hotel and Restaurant Management, na siya raw niyang fallback kung sakaling ayaw na niyang mag-showbiz.
Pero kung wala na siyang ibang choice, kakapit ba siya sa patalim o hahayaang magutom ang kanyang pamilya?
Diin niya, “Ay, siyempre hindi ko hahayaan magutom ang pamilya ko. Gagawin ko din talaga siya pero hangga’t meron akong choice.
“Like, magiging cashier ako o kargador ako, or alam mo yung mas hard-earned money, gagawin ko. Kasi kahit papaano easy money iyong ano, e.”
Mas nanaisin daw niyang maging construction worker kaysa ibilad ang kanyang katawan habang sumasayaw.
Aniya, “Yes, yung mahirap na way para makakuha ka ng pera.”
Pero punto ng writer na ito, ang pagiging macho dancer ay magaan na trabaho kung saan kikita na siya sa pagsasayaw lamang.
Pakli niya, “Yeah para sa akin mas magaan siya, pero hindi iyon ang pipiliin ko. Sanay naman po ako sa hirap.”
kristof's humble beginnings
Rebelasyon pa ni Kristof, naranasan na niyang maging housekeeper sa Dubai, at bahagi ng trabaho niya ang paglilinis ng toilet ng hotel.
Pagmamalaki niya, "Nagkuskos ako ng banyo, nineteen pa lang ako noon.
“Butler ako sa hotel e, lahat gagawin mo talaga.”
Artista na si Kristof noong nagtrabaho siya sa Dubai.
Kuwento niya, “Sa ano na ako noon, sa GMA na ako nun. Sidekick nila Dingdong [Dantes], ganyan, mga teleserye.”
Hindi raw sapat ang kinikita niya sa pagta-talent sa telebisyon kaya nagdesisyon siyang magtungo sa Dubai.
Isang taon siyang nagtrabaho doon, bago niya napagpasiyahang bumalik ng showbiz.
Paliwanag niya, “Kasi na-miss ko yung showbiz, sabi ko, ‘Hindi ako masaya dito, kailangan umuwi ako.’"
kristof's entry to showbiz
Napag-alaman pa ng PEP na ang yumaong Master Showman na si German Moreno o Kuya Germs ang nakadiskubre kay Kristof.
Sabi niya, “Si Kuya Germs po pinahanap niya po ako, nakita po yata niya ako sa commercial ng Globe.”
Nahanap daw siya nito sa Facebook, pagkatapos ay naging kabilang si Kristof sa last batch ng mga talents sa Walang Tulugan With The Master Showman.
“Mga three months bago siya mamatay, nakapasok ako.”
Nakasama ni Kristof sa naturang programa sina Sanya Lopez, Jak Roberto, at Ken Chan, na mga sikat na artista na ngayon sa GMA.
Masaya si Kristof sa narating ng tatlo sa showbiz.
“Ano naman iyan e, sabi nga ng BINI, ‘Ang buhay ay di karera,’” at natawa si Kristof.
“Parang siguro that is their ano, destiny talaga na mauna [na sumikat]."
kristof's showbiz projects
Idolo naman ni Kristof sa pag-aartista sina Aga Muhlach at Christopher de Leon mula pa noong pagkabata.
Gusto rin niyang tumanda sa industriya, tulad ng yumaong veteran actor na si Eddie Garcia.
Saad niya, “Baka pagdating ng panahon maging Eddie Garcia na tayo, ganun. Siya yung peg ko parang mamatay na ako sa showbiz, ganun sana, tumanda.”
Bukod sa Walang Tulugan ay napanood rin si Kristof sa Tadhana ni Marian Rivera, Dear Uge, Pamilya Roces, Cain At Abel, at marami pang iba.
Nakalabas na rin siya sa Kumusta Bro series ng Viva One, pelikulang Amplaya Chronicles kasama si Ina Raymundo, at Love At The End Of The World sa Vivamax.
Sa naturang serye niya naranasan ang pinakaseksing bed scenes ng kanyang career, at kapwa niya artistang lalaki ang kasama niya rito.
Totohanan daw na kinain ng kanyang leading man na si Rex Lantano ang laway niya sa kanilang kissing scene.
Pag-amin niya, “Para sa akin wild iyon, parang sobrang wild talaga na hindi mo agad mako-convince yung tao na gawin iyon, e.”
May butt exposure din daw siya sa naturang BL (Boys’ Love) series.
Ang direktor ng Vivamax series na Love At The End Of The World ay si Shandy Bacolod na yumao na.
kristof's dream leading ladies
Nag-alangan naman sumagot si Kristof nang tanungin kung sino ang kanyang dream leading lady.
Pakiusap niya, “Huwag na tayo dun sa mga sobrang ano…”
Giit ng writer na ito, kahit sino ay puwede naman.
Pakli niya, “Puwede ba? E, before kasi si Liza Soberano.
"Ngayon, sorry ah, sobrang bata kasi, pero fan talaga ako ni Aiah ng BINI, pero sobrang bata niya pa.
“Mga early twenties pa lang siya, late twenties na ako e."
Nakilala na niya ng personal si Aiah sa Star Magic Ball noong nakaraang taon, pero hindi siya nakapagpalitrato dito dahil nahiya siya.
“Nag-hi lang, parang shake hands, ganyan.”
Si Liza naman ay hindi pa niya nami-meet nang personal.
Aniya, . “Hindi pa si Liza. Si Kathryn na-meet ko na in person.
“Sa ABS dati.”
May crush din si Kristof na taga-GMA.
Pag-amin niya, “Sobrang nagagandahan na ako dati pa kay Julie Anne San Jose, saka napaka-talented.”
Ang manager ni Kristof ay si Juan Paolo Infante ng JPI Entertainment.
Read:
BidaMan finalist Kristof Garcia deletes "revealing" Instagram post: "Nakakorte siya nang konti..."
