Proud ang actor-director na si Ricky Davao sa magandang tinatakbo ng career ng anak na si Arabella Davao.
Si Arabella ay isa sa tatlong anak nila Ricky at Jackie Lou Blanco at ngayon ay regular na napapanood sa FPJ's Batang Quiapo bilang si Katherine Caballero.
Siya ay gumaganap na bagong love interest ni McCoy de Leon, at pinapalabas sa teaser ang nakatakdang kasal nila na tututulan ni Yukii Takahashi.

Nakapanayam si Ricky ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Quezon City noong August 8, 2024.
"Well, I'm happy. Actually, nagulat ako, late na nga kasi naka-graduate na siya ng college.
"Nung bata pa kasi sila, si Ara saka yung isa kong daughter, nililigawan palagi nila Kuya Germs, nila Tita Annabelle, dati ni Mr. M, 'O, baka gustong mag-artista ng mga anak niyo?'"
Ang tinutukoy ni Ricky na talent managers ay sina Mr. M o Johnny Manahan, Anabelle Rama, at yumaong German Moreno.
Patuloy ni Ricky, "Di naman sila mahilig. Tapos sa eskuwela, aral. E, ngayon graduate na, college graduate na.
"Kung ano ang gusto nilang gawin, e, di go. I'm happy, kinikilig naman ako pag pinapanood ko siya."
Si Ricky na rin ang nagsabi na kailangan pang hasain ang pag-arte ni Arabella.
"Marami pa siyang dapat kainin, pero ako naman, tingin ko nakaka-deliver.
"Sinasabi ko kailangan sa artista may truth, tapos may sarili siyang style, yung iba ayoko namang magbuhat ng bangko."
Read: Lolo ni Carlos Yulo, bakit di nakasama sa airport salubong?
RICKY DAVAO ADVICE TO ARABELLA
Tinanong din namin si Ricky kung ano ang payo na binigay niya sa anak nung magsabi ito sa kanya na papalaot ito sa mundo ng showbiz.
"Palagi naman, sa dining table palagi akong nagkukuwento. Kasi I'm also a director, sometimes kinukuwento ko sa kanila, 'This is what happened when I'm directing somebody. Medyo dito naano ako, ganito, ganyan. As director, I'm expecting my actors to do this, this and that,' so hayun.
"Nabi-briefing na sila dun, palagi yun–professionalism, you have to love what you are doing, sobrang hirap..."
Higit apat na dekada na si Ricky sa showbiz.
Ano ang maipapayo niya sa mga baguhang artista para magtagal sa industriya?
Sagot ni Ricky, "Ako, forty years na ako sa business, kung hindi ko mahal yan, wala na ako, ang hirap.
"Naiinip, naghihintay ka, masikip yung costume, makati, etc. Iiyak ka, masakit ang ulo mo, may sipon ka, ang dami."
Marami raw hamon na dadaanan ang isang artista.
"It's not easy to be an actor, lalo na yung mga bata na you have to look good, pretty, sexy, etc.Yung kain kailangan may diet ka," saad ni Ricky.
Maging siya ay hindi raw ligtas sa pagpuna ng iba.
Ako nagdi-direct ako.
"Sasabihan ako ng mga kaibigan ko from the press, 'Direk, hindi ka lang direktor, artista ka rin. Ano yang tiyan mo? Tanggalin mo yan, artista ka pa rin.'
"May pressure, sinusunod ko naman sila slowly."
Read: Rufa Mae Quinto 16-year rift with Jessa Zaragoza still unresolved
