Hindi pa rin tinatantanan ng bashers ang girllfriend ni two-time Paris Olympics 2024 gold medalist Carlos Yulo na si Chloe San Jose.
Pagkatapos madawit sa sigalot ni Carlos at ng pamilya nito, ngayon naman ay itinatapat siya kay Hazel Calawod, ang ocupational therapist ng champion gymnast.
Si Hazel ang nangangalaga sa "biomechanics" at "well-being" ni Carlos.
Kumakalat ngayon sa social media ang comment post ng isang netizen na pinalalabas na nagseselos umano si Chloe kay Hazel.
Ito raw ang dahilan kaya hindi nagpu-post si Chloe ng mga larawan ng coaching team ni Carlos.
Nakasaad sa komento: "yung coaching team niya kasi daw ayaw nitong masapawan. Kaya pala silang dalawa lang palagi ang ina-upload ni Caloy. Nagseselos pala si Chloe."
Read: Meet Chloe Anjeleigh San Jose, Carlos Yulo's girlfriend
Pinatulan naman ito ni Chloe at ni-repost sa kanyang Facebook.
Sa pagsagot niya sa alegasyon ng netizen, sinabi nitong maayos ang relasyon nila ng occupational therapist ni Carlos.
Post niya, "wag kayong issue, kung ano ano na lang talaga no. me and coach Lyn Hazel (loafie) are good good friends"

Read: Chloe San Jose replies to spotlight-hogger accusation of netizen
CHLOE SAN JOSE on first-class ticket
Isa pang netizen ang hindi nagpaawat at tinawag nitong "cheap" ang kasintahan ni Carlos.
Komento ng netizen: "Kapal ng mukha mo Chloe Anjeleigh San Jose wala ka delikadesa... Samantala cheap ka. Grade 12 lang inabot mo Melbourne."
Kinuwestiyon din nito ang first-class ticket flight ni Chloe mula Paris hanggang Pilipinas, kasabay si Caloy at iba pang Pinoy OIympians.
Saan daw ba galing ang income nito.
Saad pa ng netizen, "Sanay ka naman sa BARDAGULAN E. Kakahiya ka! May income ka? How can you afford a business class flight from Paris? That costs Euro 4,879-eur 6k?"
Dagdag pa, sinisi nito si Chloe sa iringan ng Olympic gymnast at ng pamilya nito.
At paano daw nasabi ni Chloe na magkaibigan sila ng occupational therapist ni Carlos.
Talak ng netizen: "Nakakahiya ka di mo nakita pamilya ni Carlos napaka simple g mga tao. Yet Ikaw nagpakasasa sa tagumpay nia. Lyn Hazel way much educated and compose than you are. I wonder why she become your close friend? Kuno!
"She’s the one who did a lot of hard work with Carlos not you. Pinasarapan Mo lang ng giling si Carlos.
"Your nothing compare to Aussie people whose more conservative than most Filos.
"Kapit lang maigi a! Tumataba ka na oh! Ma Sheree ba? hahahaha baka ikaw ay mapalitan na agad. Kahit gaano kapa magpa SEXY YOU HAVE NO CLASS AT All!! Oppsssss"


Read: Carlos Yulo wins back-to-back gold medals for the Philippines
Sumagot kaagad si Chloe sa nasabing netizen.
Aniya, kasalukuyan siyang nag-aaral para sa kanyang bachelor's degree. At hindi raw sila dapat ipagkumpara ni Hazel.
Aniya, "huuhh grade 12 lang tinapos? Sorry, i did a course on being an enrolled nurse and now taking up my bachelor of psychological sciences—get your facts right. You're comparing a 35 yr old coach to a 22 yr old student".
Sa huli, sinabi ni Chloe na wala siyang dapat ipaliwanag sa mga tao tungkol sa kanyang income bilang influencer.
"I don't have to explain every single bit of my income, just know that I CAN AFFORD IT MYSELF lol.
"Peace and love"

Kasalukuyang nagpaparada ang Team Philippines sa heroes' welcome sa kanila ng siyudad ng Maynila.
Samantala, marami na ang nauumay sa mga kuwento ng Girlfriend ni Caloy at Mother ni Caloy.
Read: Heroes’ Grand Homecoming Parade, naghihintay na kina Carlos Yulo
