PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Cesar Montano overjoyed with remastered version of Jose Rizal

The action star-director reminisces about learning Spanish for the film.
by Mark Angelo Ching
Published Aug 11, 2024
cesar montano jose rizal restored version
Cesar Montano on watching the digitally restored version of his 1998 film Jose Rizal: “Napaiyak pa rin ako ng pelikula! Sarili ko nang pelikula napaiyak pa ko. It was really well-written.”
PHOTO/S: Mark Ching

Labis na kasiyahan ang naramdaman ni Cesar Montano matapos mapanood ang restored and remastered version ng Jose Rizal, ang 1998 movie na pinagbidahan niya at kung saan gumanap siya bilang national hero.

Ginanap ang pagpapalabas ng bagong version ng pelikula sa Metropolitan Theater sa Ermita, Manila, noong August 7, 2024.

Kasama ito sa programming ng Cinemalaya ngayong taon.

Read: Filipino Actors Who Portrayed Philippine Heroes

jose rizal poster
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Fully booked ang sinehan, at maraming nanood na kabataan. Ito ay ikinagalak din ni Cesar.

“I feel so blessed and honored dahil part ako ng napakagandang pelikula na ito. And I am so glad na na-restore siya at magkakaroon ng pagkakataon ang mga kabataan para mapanood ang pelikulang ito,” pahayag ng 62-year-old actor-director.

Ayon pa kay Cesar, dapat panoorin ang pelikulang tungkol sa buhay ni Jose Rizal kahit sa ngayon.

“It is a must for every Filipino to watch this, or to watch this again, for those who watched this, 26 years ago.”

Read: Cesar Montano, pursigido sa pagprodyus ng makabayang pelikula

REMINISCING ABOUT MAKING THE MOVIE.

Ang Jose Rizal ay entry ng GMA Films sa 1998 Metro Manila Film Festival.

Humakot ito ng 17 awards, kasama ang Best Actor para kay Cesar, Best Picture, at Best Director para sa yumaong National Artist na si Marilou Diaz-Abaya.

Dahil sa monumental achievements ng nasabing pelikula ay tila naging reunion ang Metropolitan Theater noong August 7.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Present with Cesar and kanyang co-stars na sina sina Gloria Diaz at Pen Medina; si Ricky Lee, na isa sa award-winning scriptwriters for the film; at ilan sa mga crew at production staff.

Present din si Marc Abaya, anak ng direktor na si Marilou Diaz-Abaya, na namayapa na noong 2012.

Read: Marilou Diaz-Abaya talks about how Jose Rizal film bio landed on her lap and why she will not direct another Sic O'Clock News

jose rizal special screening
(L-R) CCP Vice President and Artistic Director Dennis Marasigan, Cesar Montano, National Artist for Film and Broadcast Arts and one of the writers of Jose Rizal Ricky Lee, GMA Network’s First Vice President and Head of the Post Production Paul Ticson, and Marc Abaya, son of the late director Marilou Diaz-Abaya
Photo/s: Mark Ching
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sa speech ni Cesar bago magsimula ang pelikula, at sa maikling kuwentuhan with the press, ikinuwento niya ang ilang behind the scenes.

Wala raw sa isip niyang gagawa siya ng ganito kaseryosong pelikula noong 1998.

“Nung time na yun, 1998, ang nasa isip ko lang ay paggawa ng action films, puro action films po ginagawa ko,” saad niya.

Pero nang in-offer sa kanya ang pelikula ay tinanggap niya raw agad dahil dream niyang magkapelikula na si Marilou ang direktor.

“E, siya po ang dream ng halos lahat ng aktor sa Pilipinas na makatrabaho dahil napakagaling po talaga nito ni Direk Marilou Diaz-Abaya.”

Dagdag pa ni Cesar, iniisip niyang hindi mahirap ang shooting.

“Siguro madaling itong gawin,” aniya.

Ngunit hindi niya inaasahang maraming pinagawa sa kanya ang direktor bago pa man magsimula ang shooting. Nariyan ang pagbabasa ng sangkatutak na libro.

Kuwento pa ni Cesar, “Yung lamesa niya for dining, punung-puno ng libro galing sa Ateneo, sa UST, at sa Madrid.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Halos malaglag na yung libro sa dami. Pupunta ka doon, uupo ka, magbabasa ka, at ise-share mo yung nabasa mo.

"Mula umaga hanggang gabi, ganun lang po ang gagawin ninyo.

“Yung mga libro na ito ay about our history, not only about Jose Rizal.

“Victorian era pa, bago pa dumating si Jose Rizal, inaaral na namin."

Kinailangan niya ring mag-aral ng Spanish language dahil marami-rami siyang linyang Kastila.

Biro niya, “Gusto ko na ngang kalimutan yun, e. Seven months akong nag-aaral ng Kastila!”

Pero sa huli, naging worth it daw ang lahat ng hirap dahil relevant pa rin ang pelikula, makalipas ang 26 taon.

“Napaiyak pa rin ako ng pelikula! Sarili ko nang pelikula napaiyak pa ako. It was really well-written,” pagmamalaki ni Cesar.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Cesar Montano on watching the digitally restored version of his 1998 film Jose Rizal: “Napaiyak pa rin ako ng pelikula! Sarili ko nang pelikula napaiyak pa ko. It was really well-written.”
PHOTO/S: Mark Ching
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results