Masayang-masaya si Dennis Trillo na napunta sa kanya ang role bilang Colonel Yuta Saitoh ng Japanese Imperial Army sa Kapuso primetime series na Pulang Araw.
Nagsimula nang napanood ang war drama na ito sa GMA Prime noong July 29, 2024, at sa Netflix naman noong July 26.
DENNIS TRILLO ON BEING PART OF PULANG ARAW
Read: Pulang Araw boasts of ensemble cast, impressive storytelling
Katunayan, noong una raw narinig ni Dennis ang kuwento ng Pulang Araw may sampung taon na ang nakararaan ay pinangarap na niyang mapasama sa proyektong ito.

Pahayag ni Dennis sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media sa presscon niya ngayong araw, August 6, 2024, "Sobrang tagal na.
"Siguro hindi pa ito yung original na kuwento noon. Nag-evolve na lang.
"Pero noon pa lang narinig ko na yung Pulang Araw, noon pa lang sinasabi ko, 'Sana maging part ako nito.'
"Dahil alam ko, malaking proyekto ito."
Pero hindi raw niya inakalang mapupunta sa kanya ang role bilang main kontrabida.
Saad ni Dennis, "Gusto ko lang maging part kahit anong role.
"Pero mas maganda pa nung naging villain.
"Dahil ang alam ko, talagang naghahanap sila dito ng isang Japanese na artista. And parang nahihirapan sila talagang i-cast.
"Kaya nagtataka ako, ako yung kinuha nila.
"Pero siguro, yun, naniniwala talaga sila sa akin."
Read: Barbie Forteza explores the world of Bodabil in Pulang Araw
JAPANESE OCCUPATION IN THE PHILIPPINES
Bakit kailangang mapanood ang Pulang Araw, lalo na ng mga kabataan ngayon?
Sagot ni Dennis, "Kailangan nilang panoorin ito ng ating bagong henerasyon dahil hindi lahat nakakaalam nung mga nangyayari nung panahon ng Hapon, lalung-lalo na siyempre itong mga bagong mga kabataan ngayon.
"Hindi sila nakuwentuhan ng mga lolo't lola nila, nung mga ninuno nila, nung mga karanasan nila ng panahon ng Hapon.
"Kaya importante na mapanood ito ng bagong henerasyon para malaman nila yung pinagmulan nila, para mas maging proud sila naging Pilipino sila.
"Makita nila yung kagitingan, yung mga dinanas na hirap ng mga Pilipino noon para mas ma-inspire sila.
"At siyempre, para makita nila yung kung gaano kahirap yung panahonng giyera, di ba?
"Ayaw nating maranasan ulit kaya siguro importanteng mapanood nila ito para maging maayos yung relasyon nila sa lahat.
"Huwag na silang magkaroon na giyera sa mga pamilya nila o sa mga ibang bansa na ayaw nating mangyayari ngayon."
Sa tingin ni Dennis, ano ang magiging reaksiyon ng mga bagong henerasyon sa karakter niya sa Pulang Araw?
Tugon ng aktor, "Of course, maiinis sila diyan sa character dahil talagang walanghiya yung character ko dito.
"Wala pa akong nakikitang mabuting ginawa niya.
"Lahat ng mga pinapakita niyang kabutihan niya ay parang sa facade lang ng kanyang pagkatao.
"Pero deep inside, mayroon siyang mga deep dark secrets at mga malalagim na plano na gusto niyang mangyayari."
Mapapanood na ang karakter ni Dennis sa Pulang Araw simula sa August 21, 2024.
