Sa February 3, Sabado, na ang pinakaaabangang grand launch ng pinakamalaking album for 2007 na The Best of Manila Sound: Hopia, Mani, Popcorn. Ito ay gaganapin sa Eastwood Central Plaza ng Eastwood City sa Libis.
Magpe-perform sa naturang launching ang mga banda na kasama sa album ‘tulad ng Rocksteddy, Mayonnaise, Soapdish, 6Cyclemind, Kala, Up Dharma Down, Kapatid, Join The Club, Protein Shake, DRT, Radioactive Sago Project, Sound, at si Kitchie Nadal.
Nakatanggap na ng Gold Record Award ang Hopia, Mani, Popcorn dahil sa outstanding sales nito na umabot na ng 150,000 units. Ang carrier single nito na "No Touch" ng Rocksteddy ay consistent number one sa mga radio charts, samantalang ang music video ng Kala na "Rock Baby Rock" ay nangunguna naman sa MYX countdown.
Highly requested din ang ibang cuts ng album tulad ng "TL Ako Sa ‘Yo" ni Kitchie Nadal, "Ipagpatawad Mo" ng Mayonnaise, "Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko" ng Soapdish, at "Handog" ng Join The Club.
Ang magiging front act ng grand launch na ito ay ang bagong rock recording artist ng Viva Records na si Danita, na nakatakda ring mag-release ng self-titled album niya.
Handog ng Viva Records ang launch ng The Best Of Manila Sound: Hopia, Mani, Popcorn at libre itong mapapanood ng publiko sa Eastwood City.
