PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Pedro Red finally lands movie role after a decade of waiting

"Parang Magic Mike po siya."
by Rommel Gonzales
Published Aug 12, 2024
Pedro Red
Pedro Red, who was male pageant runner-up and a bit player in TV shows, is part of Wild Boys' movie cast.
PHOTO/S: courtesy of Rommel Gonzales

Bata, guwapo, hunky, at bini-build up bilang isang sexy heartthrob ang baguhang si Pedro Red.

Kaya lang, tila konserbatibo ang dating ng screen name, na siya ring real name niya.

Wala ba siyang planong palitan?

Lahad ng newbie actor, “Mostly yung mga fans, yung mga followers, they know me as Pedro, so mahirap naman po siguro na palitan natin yun.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Pedro sa dance rehearsal niya para sa upcoming film na Wild Boys.

Pedro Red
Photo/s: courtesy of Rommel Gonzales
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOW PEDRO RED WAS DISCOVEred

Nagsimula si Pedro sa showbiz nang madiskbure siya sa isang mall ng kanyang manager na si Harley Licup Manalili.

Kuwento ni Pedro, “In-invite niya akong magsali ng pageant.

"Tapos, way back 2015, nag-try na rin po ako mag-talent sa different networks. Like ang role, varsity player, ganyan-ganyan.

“So, that time, hindi nadi-discover, kumbaga parang dumating sa punto na maggi-give up na ako, kasi walang nakukuhang malalaking role.

“So, nagpahinga po ako noon, umuwi ako ng probinsiya.”

Taong 2022 ni-represent ni Pedro ang Nueva Ecija sa isang male pageant, kung saan naging second runner-up siya at nanalo ang kandidato ng Ormoc City na si James Vidal.

Una at huling pagsali iyon ni Pedro sa isang pageant.

Aniya, “First and last, Misters of Pilipinas, national pageant po siya.

“Gusto ko po kasi parang mag-level up, kumbaga na-try ko na yung pageantry...”

Bago pa man siya sumali sa Misters Of Filipinas ay nagta-talent na si Pedro sa mga TV shows noong 2015.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Meron po akong kaibigan na nagta-talent noon.”

Ano ang mga shows na nasalihan na niya?

“If I'm not mistaken, OMG? Oh My G, sa ABS, I was a varsity player.

“Sa Forevermore, parang classmate ko sila Liza. So, mga ganoon lang po yung characters ko.”

Simula 2016 ay nag-fokus sa kayang pag-aaral si Pedro hanggang sa pagsali niya sa pageant noong 2022.

“Before, I was... Engineering course, sa Nueva Ecija po, two years Agricultural Engineering.

"Tapos, nag-stop ako, iyon nga po yung nakapag-talent na ako dito sa Manila.”

Pedro Red
Photo/s: courtesy of Rommel Gonzales
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

PEDRO RED'S FIRST MOVIE

Pinakaunang pelikula ni Pedro ang Wild Boys kung saan ang aktor na si Carlos Morales ang direktor, na siya ring nakakita kay Pedro at nagsali sa nabanggit na pelikula ng Bright Idea Production.

Read:

Carlos Morales passes NCLEX at 47, fulfills dream of becoming a licensed nurse in U.S.

Carlos Morales, naghahanap ng aspiring actors para sa Magic Mike-inspired movie

Kuwento ni Pedro, “Last year, I was invited po sa Macau as a judge, and then, pinag-perform nila ako.

"Ano po yun, e, may mga OFW tayo doon na nagpapa-pageant para sa mga OFW.

“So, I was invited, nag-perform ako doon. Tapos, yung manager ko, ni-record yung video.

"And then, during that time po pala, si Direk Carlos, naghahanap din siya ng mga puwedeng isabak na actor dito.

“So pinakita yung video, and then, parang nabanggit ni Direk Carlos na may potential.

"So, yun po, doon na po nag-start.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Isang macho dancer ang role ni Pedro sa Wild Boys, paano siya napapayag agad gayong hindi pa siya nakakapagpa-sexy sa anumang pelikula o TV show.

Lahad pa niya, “Siyempre po, yes po, napapayag ako agad, kasi unang-una, trabaho iyan e.

“Tsaka, film iyan e. Kumbaga, napakalaking bagay, unang-una pa lang, mapabilang ka sa cast, napakalaking bagay naiyan.

“Lalo na pangarap mong makapasok sa showbiz, kailangan, ano ka, ready ka nga lang. So, para sa akin naman po, trabaho, trabaho.”

Nasa pelikula rin bilang bida ang magkapatid na Vin at Aljur Abrenica, Rash Flores, Kristof Garcia, Nico Locco, at ang komedyanteng si Inday Garutay.

Read:

Nico Locco no regrets posting rant against It's Showtime

Wala raw problema kay Pedro na sumayaw nang naka-trunks lang sa harapan ng kamera.

“Kung ano po, kung kinakailangan, sige po.”

Nakanood na raw si Pedro ng sumasayaw na macho dancer sa pelikulang Magic Mike ni Channing Tatum.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Mga ganun po. Kasi base po sa pagkakaintindi ko sa this film, hindi naman siya yung parang macho dancer talaga na usual. Parang Magic Mike po siya.

"So, para sa akin, I got interested. Unang-una, idol natin iyan, si Channing Tatum. So, para sa akin po, malaking bagay ito na proyekto.”

Anong genre nais ni Pedro na malinya?

“Siguro po drama at saka action, anything, comedy puwede din po.”

Paano kung kunin siya ng Vivamax?

“To be honest, meron na nga po kaming usapan ni Tito sa Vivamax. Sabi ko, pinag-iisipan ko pa po.

"Parang ayokong mag-jump agad. Gusto ko munang matapos ito, tpos pag-usapan natin after this.”

Graduate ng Culinary Arts si Pedro sa MICA o Magsaysay Institute of Culinary Arts sa United Nations Avenue, Manila.

Sa ngayon ay sa Imus, Cavite nakatira si Pedro.

Idolo ni Pedro si Ruru Madrid na nakatrabaho na niya noon sa The Half Sisters nina Barbie Forteza at Thea Tolentino.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hayag niya, “Nagkaroon na kami ng scene before doon, I was a varsity player din dun.

“Parang nakapag-throw lines po kami."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pedro Red, who was male pageant runner-up and a bit player in TV shows, is part of Wild Boys' movie cast.
PHOTO/S: courtesy of Rommel Gonzales
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results