PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Barbie, Richard not hiding their relationship anymore?

Barbie attends wake of Richard's sister-in-law; Richard attends Barbie's birthday.
by Khryzztine Joy Baylon
Published Aug 5, 2024
barbie imperial richard gutierrez
Within a week, rumored couple Barbie Imperial and Richard Gutierrez were spotted together in two occasions: (left) at the wake of Richard's sister-in-law Alexa Gutierrez and (right) at Barbie's 26th birthday party.
PHOTO/S: Instagram / TikTok

Unti-unti nang nakukumbinsi ang netizens na may espesyal ngang relasyong namamagitan sa Kapamilya stars na sina Barbie Imperial, 26, at Richard Gutierrez, 40.

Noong August 1, 2024, naispatan si Richard kasama ang ina nitong si Annabelle Rama sa 26th birthday party ni Barbie.

Read: Richard, Annabelle spotted at Barbie Imperial's birthday party

Bago ito, namataan din si Barbie sa lamay ng sister-in-law ng aktor na si Alexa Gutierrez.

Si Alexa ay ang yumaong asawa ng nakatatandang kapatid ni Richard na si Elvis Gutierrez.

Read: Elvis Gutierrez mourns death of wife Alexa: "I miss you so much"

Sa video na kuha ng isang netizen at in-upload sa TikTok, makikita si Barbie na kasama sa group photo ng social media personality na si Small Laude, nakatatandang kapatid nitong si Alice Eduardo, at iba pa nilang kaibigan na nakiramay sa pamilya Gutierrez.

Barbie Imperial spotted at Alexa Gutierrez wake
Photo/s: Screengrab @TikTok
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Elvis Gutierrez delivers moving eulogy for wife Alexa Gutierrez

Nakasuot ng kulay itim na damit si Barbie, habang makikita sa likuran niya ang pagdaan ni Richard, na nakaputi naman.

Barbie Imperial spotted at Alexa Gutierrez wake
Photo/s: Screengrab @TikTok

Nang matapos ang kanilang group photo ay agad nilapitan ni Small si Richard para batiin ang aktor, na noong oras na iyon ay nasa gilid nila at naghihintay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Magtapos magbeso, kitang-kita rin ang pagturo ni Small kay Barbie habang kausap niya ang aktor.

Read: Barbie Imperial denounces fake news about her being pregnant

NETIZENS REACTION

Sa comments section ng nasabing TikTok post, bumuhos ang komento ng mga netizen ukol sa napapabalitang relasyon nina Barbie at Richard.

Tanong ng isang netizen, "Is this a confirmation na sila na talaga?"

Pag-uusisa naman ng isa, "Wow close ba sila ni Alexa para magpunta siya diyan?"

Dagdag pa ng isa, "Hindi naman nila habambuhay maitatago yan. Lalabas at lalabas ang totoo na sila na talaga."

RICHARD GUTIERREZ-BARBIE IMPERIAL RUMORED ROMANCE

Bagamat wala pang direktang pag-amin sina Barbie at Richard, maraming netizens ang naniniwalang magkarelasyon na ang dalawa.

Ito'y matapos mahiwalay ni Richard sa estranged wife niyang si Sarah Lahbati.

Read: Sarah Lahbati "no reaction" to Richard Gutierrez-Barbie Imperial sighting

Bukod sa birthday party ni Barbie at burol ni Alexa, ilang beses na ring namataang magkasama ang rumored couple.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Noong January 6, nagsimulang ma-link sina Barbie at Richard nang maispatan silang magkasama sa isang gastropub sa Westgate, Alabang, Muntinlupa City.

Ilang customers sa kanilang paligid ang kumuha ng video ng dalawang celebrity.

Kumalat ang nasabing video sa social media hanggang sa makarating sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Hindi gaanong malinaw ang video ngunit mahihinuhang sina Richard at Barbie nga ang magkatabi sa isang mesa, kasama ang ilang kaibigan.

Read: Richard Gutierrez and Barbie Imperial spotted together at Alabang gastropub

May 26, muling nasulyapan ng publiko ang pagsasama nina Richard at Barbie sa iisang lugar.

May netizen ang nakakita sa kanila sa South Korea sa may Myeong-dong area, isang shopping destination sa nasabing bansa.

Read: Richard Gutierrez and Barbie Imperial spotted in South Korea

Ngunit tila hindi lang sa bakasyon magkasama sina Richard at Barbie.

May 27, nahagip naman si Richard sa Instagram Story ni Barbie habang sila ay nasa gym.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Makikita sa larawan ng aktres ang mirror selfie niya, suot ang kanyang gym outfit.

Ngunit ang mas nakaagaw ng atensiyon ng netizens ay ang lalaki sa likuran ni Barbie na nag-eehersisyo rin.

Hindi malinaw ang mukha ng lalaki na naka-headset, sumbrero, at naka-black sando.

Read: Did Barbie Imperial post gym photo with Richard Gutierrez?

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Within a week, rumored couple Barbie Imperial and Richard Gutierrez were spotted together in two occasions: (left) at the wake of Richard's sister-in-law Alexa Gutierrez and (right) at Barbie's 26th birthday party.
PHOTO/S: Instagram / TikTok
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results