Pagkatapos gawin ang 2023 Metro Manila Film Festival entry na When I Met You In Tokyo, tila nabuhay muli ang passion ni Vilma Santos na gumawa ng mga makubuluhan at dekalidad na mga pelikula.

Kamakailan nga ay naglabasan sa social media ang mga larawan kung saan kasama ng Star For All Seasons ang grupo ng Mentorque Productios kasama si Direk Dan Villegas, nag-post din ang Quantum producer na si Atty. Joji Alonzo nung July 30 ng pagsisimula ng shooting ng pelikulang Espantaho na pagsasamahan nila Vilma at Judy Ann Santos sa ilalim ng direksyon ni Direk Chito Rono.
Binahagi ni Vilma ang mga pelikulang nakalinya niyang gawin at kung gaano siya ka-excited na gawin ang mga ito sa isang recent event ng Department of Foreign Affairs kung saan ang Star For All Seasons ang naging guest speaker noong nakaraang July 31.


"Nakabitin yung kila Direk Chito and Juday, that was supposed meant for MMFF but the way it’s going, I don't know if it will push through or not.
“But even when I was negotiating that, alam naman nila na I'm negotiating with another movie, which is yung kila Dan Villegas of Mentorque.
“Alam nila, they are aware of that, it's just yung script yata nung Espantaho, di muna nakuha sa first five.
“I really don't know what they they'll do but I told even the one with Mentorque, yung kila Direk Dan sinabi ko na when I do this movie with them, ayoko ng pressure na kasi kailangan nating ihabol ito, ayoko.
“Basta ang ilagay natin sa isip natin while we shoot this, let's do one good film. It's not for MMFF, it's not for… no.
“Let's just shoot this and just in case and do one good movie. Ayokong ma-pressure."
Ayon nga kay Vilma, alam niya na blessed siya dahil magagandang mga proyekto ang inaalok sa kanya.
"Alam mo, I'm blessed, I've been getting a lot of good scripts, good offers kaya lang di ko naman kakayanin lahat.
“Naniniwala ako yung perfect timing kasi ayoko yung sabihin lang na mayroon ka lang nagawang pelikula, hindi na.
“Parang sa point ng career ko ngayon, I will do a movie that I like to do, that I know will challenge me again.
“Yun lang ang tinitingnan ko at this point in time di ako susunod sa kanila na mga nagsasabi na kailangan mayroon kang pelikula sa MMFF, kailangan makagawa ka na ng pelikula.
“Hindi yun, e. Not anymore.
“Parang feeling ko naman, modesty aside, parang grumaduate na naman ako dun.
“Kung gagawa ako ng movie ngayon, yung gusto ko nang gawin. If I think it will inspire me again, it will challenge me for another character, parang ganun."
Read:
Vilma Santos, walang commitment na MMFF 2024 movie
Vilma Santos, dalawang pelikula ang posibleng pang-MMFF
VILMA THANKFUL FOR WHEN I MET YOU IN TOKYO’S BOX-OFFICE SUCCESS
Nagpasalamat naman ang Star For All Seasons dahil nag. No 1 ang When I Met You In Tokyo nang ipalabas ito sa Netflix.

“Maaring sabihin nila it's a very simple movie, pero no, e. Hindi yung kasimplehan ng pelikula namin ni Christopher de Leon o ni Yetbo. Ang importante ay yung message ng movie kasi pag nakuha mo yung message ng movie, panalo na kami.
“Di ba nandun yung forgiveness, hope, second chances, how important love is, family values
“Kung papanoorin mo talaga ng matindi yung When I Met You In Tokyo, ang importante lang dun ay makuha mo yung mensahe.
“It's a very simple story pero nandun lahat and for that I'm very proud na ngayon pinapanood sa Netflix.
“I ask them to watch it again hanggang sa maa-absorb mo talaga yung meaning nung movie."
VILMA ON BABYSITTING BABY PEANUT
Dahil close si Ate Vi sa manugang nitong si Jessie Mendiola, tinanong namin siya kung ready na ba siyang mag-alaga ng apo kung saka-sakaling may sabay na trabaho sila Jessie at Luis.
"Yes, pumirma sila uli sa ABS. She's so excited.
“Why not? Willing akong alagaan, akin na muna si Peanut.
“Ang maganda naman sinusunod ang schedule rin sa pagiging nanay niya.
“Wala siyang mga lock-in [tapings], walang ganun kasi alam nilang nanay pa rin si Jess.
“Alam naman ng executives ng ABS, nila Direk Lauren, nila Cory yung time schedule ni Jess as a mom and they will adjust. They are willing to adjust.
“Jess is very pretty, payat, ganun pa rin siya, leading lady material "
Proud na proud na nagkuwento rin si Vilma sa apong si baby Peanut na ayon sa kanya ay alam niyang magiging artista din pagdating ng araw.
"Nasa bahay ko lang the other day, ang arte-arte ng batang yun.
“Mag-aartista yun pero ang likot-likot na niya.
“Sinasabi ko nga kila Jessy and kay Lucky, enjoyin na nila kasi ang bilis lumaki.
“Tumatakbo na sa bahay, e samantalang nung unang kita ko yun, literally baby, di ko pa nga makarga.
“Sabi ko nga, enjoyin na nila si Peanut kasi ang bilis talaga ng panahon.
“She's so pretty, she's so maarte, she's so lovable pero nasa stage siya ng nangingilala ngayon pero kilala naman niya si Momsie."
Read:
Is Vilma Santos running again for Batangas governor in 2025?
Ralph Recto says wife Vilma Santos might return to politics
VILMA GOING BACK TO POLITICS?
Maraming beses nang nababalitang papasok daw muli sa pulitika si Vilma at tatakbo muli sa Batangas sa darating na eleksyon. Di naman nagsasarado ng pinto niya dito ang aktres.
"I'm praying for it, given the chance pag sinabi ni Lord "Yes, na sige go ahead, I don't mind, I don't mind serving Batangas again.
“Pag it's meant to be na tumakbo ako uli to serve Batangas again, I don't mind.
“Alam ko kasi this time kung ano ang gagawin ko. A little adjustments siguro, I really don't mind serving Batangas again, pero sana naman makagawa din ng pelikula kahit isa. Nae-excite din ako, gusto kong gumawa ng isa pa."
"Alam niyo, tomorrow is a other day, ayokong i-predict na gusto ko ganito, hindi e. Alam ko kung ano ang mga nandito pero again nandito na naman tayo, guidance.
“For me to make a decision… do I go back sa politics, do I do a movie, do I shoot the right movie, it's all guidance, so I'm praying for it. Perfect timing lang.
Matunog din ang usap-usapan na malaki rin daw ang posibilidad na pasukin ng mga anak na sila Luis at Ryan ang pulitika.
VILMA ON MENTORING SONS LUIS AND RYAN ON POLITICS
Para naman kay Vilma, nakikita niya ngayon sa mga anak ang lumalim na nitong malasakit sa mga kababayan nilang Batangueño.
"Alam mo yung dalawa kong anak, si Lucky marami nang beses hinilingan yan na tumakbo bilang Mayor nung araw pa, tuwing tatanungin ko ang anak ko, "Anak, handa ka na bang isakripisyo ang talent fee mo?" o kaya, "Anak, handa ka na bang isakripisyo ang time mo?
“Pag nakikita ko pa na medyo nagdadalawang-isip na di pa siya ready na i-surrender yun, no, don't run.
“Kasi when you run, it's no joke, you have to give your time and your effort. Kung kumikita ka sa industriya, iba ang pera dito, medyo willing kang isakripisyo yun.
“When I see my son, si Ryan, alam mo importante yung puso, nararamdaman ko may puso na sila.
“Kasi since naging secretary si Ralph, hindi na siya nakaka-attend sa Batangas, ang nagre-represent sa kanya palagi it's either si Ryan or si Lucky.
“Siguro sa madalas nilang nakikita yung reality ng buhay, medyo nai-imbibe na nila ngayon, medyo naga-absorb na nila, "o ito pala ang buhay."
“Mayroon kasing kinuwento si Ryan na may isang matanda na na-touch siya kasi yung matanda raw plus yung kanyang apo, dina-dialysis, alam mo yung nahihinghan na sila ng ganun and naramdaman ko sa kuwento niya, "Mom, bakit ganun? Kawawa yung matanda so may nakikita akong puso. Sa pagsisilbi, sa eksperyensiya ko sa twenty four years mahalaga ang puso.
“Yeah, it's very important you have this [brains], but it's not all this, kailangan may kasamang puso. But again, it cannot be all this [heart] kailangan may kasama ring utak kaya nga talino at puso.
"To be honest nararamdaman ko ngayon yun sa dalawa kong anak, kila Lucky and Ryan at yun ang importante.
“Katulad din sa akin pag pinasok nila, mayroon kang pag-aaral na gagawin kasi may mga proseso yan once you're there.
“When you become a legislator, may pag-aaralan ka kahit papaano at the same time once na maging local government official ka, may pag-aaralan ka pa rin.
Biro nga ni Vilma kung saka-sakaling matuloy nga na pasukin din ng mga anak anh public service ay siya ang magsisilbing mentor ng mga ito.
"Ako mentor, hahahaha, dati mentor ko si Ralph, ngayon ako ang mentor nila. Pasa-pasa lang, kung ako na-mentor ni Ralph, ako naman kung susuwertihin magiging mentor naman ng dalawa kong anak."
VILMA ON HANDLING BASHERS
Sa kabilang banda ay natanong din si Vilma kung paano niya hina-handle ang bashing sa mga tulad niyang mga artista na paboritong i-bash ng mga netizens.
"Wala ka ng magagawa, saka kang makikita sa social media na pinost na walang nam-bash.
“Isa lang naman ang nilagay ko sa utak ko pagka ganyan lalo na yung sunud-sunod yung bashing, wala nang sinabing maganda.
“These people are not happy, di masasaya yan sa buhay, kaya siguro ang kasiyahan nila ay makapamintas nga.
“Outlet nila yun e, lalo na yung mga bashers, they’re bashers because these people are not happy.
“Kaawaan mo na lang sila, bakit papatulan mo yung tao na di masaya, e usually talagang inggit sila sa mga taong masaya and contented.
“Di na, it's their problem, not my problem.
VILMA HONORED TO SHARE HER INSIGHTS
Sa huli ay nagpasalamat si Vilma sa pagkakaimbita niya bilang panauhing pandangal sa Cultural Wednesday event ng DFA.
“Definitely, sabi ko nga it's indeed an honor to be invited here sa kanilang Cultural Wednesday.
“Of course, it's not a lecture but sharing yung ginawa ko, maybe because in my sixty years in the industry, marami akong masye-share sa kanila at makapagbigay ng kaunting knowledge, maybe inspiration sa mga new blood.
“For an artist who became a public servant, I mean di biro ang dinaanan ko na willing akong i-share na makakatulong o makakapagbigay ng inspirasyon kaya ako nandito.”
