PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Vilma Santos comeback movie doing well on Netflix

Vilma Santos explains why she did not run in 2022 elections.
by Jojo Gabinete
Published Aug 2, 2024
vilma santos
Vilma Santos: “The passion is nandito pa rin sa puso ko and I don’t think matatanggal ito because dun po ako nabuhay. So, tuloy pa rin po ang buhay para sa akin... Kung ako ay makakatulong, I will be here for them anytime."
PHOTO/S: Jojo Gabinete

Ang multi-awarded actress at Star for All Seasons na si Vilma Santos ang panauhing pandangal sa Cultural Wednesdays, ang regular na pagtitipon sa Department of Foreign Affairs.

Ginanap ito sa Carlos P. Romulo School of Diplomacy sa Pasay City noong Miyerkules, Hulyo 31, 2024.

Read: Vilma Santos, walang commitment na MMFF 2024 movie

Mainit ang pagtanggap kay Vilma ng mga empleyado na tuwang-tuwa dahil nakita siya nang personal at pinakinggang mabuti ang kanyang inspirational speech tungkol sa mahigit sa anim na dekada ng pagiging aktres niya.

WHEN I MET YOU IN TOKYO

Masayang ibinalita ni Vilma sa lahat ng mga dumalo sa Cultural Wednesdays na nag-No. 1 sa Netflix Philippines ang When I Met You in Tokyo, ang feel-good movie nila ng kanyang perennial partner at Drama King ng Pilipinas na si Christopher de Leon.

when i met you in tokyo
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“I am happy that I made When I Met You in Tokyo with Mr. Christopher de Leon and it was the comeback movie of our tandem after twenty years,” nakangiting pahayag ni Vilma sa mga dumalo sa Cultural Wednesdays.

“Modesty aside, I was fortunate to have won the best actress awards in both festival [49th Metro Manila Film Festival at 1st Manila International Film Festival USA] for my portrayal of Azon.

“Kung hindi po ninyo napanood sa sine, do you know it’s showing now at Netflix?Number one ang movie namin sa Netflix.

“Please find time to watch it. I swear, it may not be a grandiosa movie but you’re going to love it because you gonna fall in love again and you will believe in the saying that there’s great in second chances.

"Kaya yung mga kaedad ko diyan, masarap magmahal. Magmahal kayo uli! Puwede pa.

"Iba, iba ho kapag na-in love kayo uli!" natatawang sabi ni Vilma.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Masaya si Vilma dahil positibo ang karamihan ng mga komento ng mga nanood ng When I Met You in Tokyo sa Netflix.

VILMA SANTOS ON WHY SHE TOOK A BREAK FROM POLITICS

Nagkaroon ng panahon si Vilma na muling gumawa ng pelikula makalipas ang pitong taon dahil hindi siya kumandidato sa anumang posisyon sa eleksyon na idinaos noong Mayo 9, 2022.

Ikinuwento ni Vilma na malaki ang kinalaman ng coronavirus pandemic sa kanyang pasya na magpahinga muna sa pulitika.

Read: Is Vilma Santos running again for Batangas governor in 2025?

Lahad niya: “I took a backseat in politics last 2022. I did not run in the last election because we were in the middle of the pandemic.

“They wanted me to run for senate but I declined kasi po sinabi noon ng COMELEC na since may pandemic tayo, bawal kumamay, bawal humalik, bawal lumapit. Basta kailangan lang mangampanya.

“Ako po ay lumaki sa industriya. Hindi ko po ma-imagine na kapag lumalapit sa akin ang mga tao ay ilalayo sila.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Kasi sa kategorya ko po bilang isang public servant, si Vilma Santos po ay laging nasa tabi ko.

“So, yung mga senior citizen na kilala po ako bilang si Vilma Santos, talagang literally lalapit sila, yung matatanda, sina lola, aakap po yan, may dalang panyo, para kang santo. Pupunasan ka, ‘Ate Vi, puwede na akong mamatay.’

“Dahil public servant ka, it’s your duty to face all these people so dadaan ka sa kanila. They will really mob you and really hug you because Vilma Santos is there.

“Hindi naman lagi lang si Governor or mayor. So, nung malaman ko po nung 2022 na bawal na po ang lahat ng ito, I cannot imagine myself going around the Philippines at yung mga lola, lalapit sa akin, hihilahin palayo.

“Plus, hindi ko ma-imagine ang sarili ko na every morning and evening, I will be checking myself kung positive or negative ako. Kung ako ba ay nahawa o nakahawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"So, I decided enough, hindi na muna.

This is a sign na huwag na muna, break na muna.

“Tapos ang nangyari nung last election, wala pong natupad. Naging ganoon din ang eleksyon, nagkagulo yung tao. Hala…ganoon din pala.”

VILMA SANTOS'S ADVOCACY

Nagpahinga man siya sa pulitika, nagpatuloy ang pagiging public servant ng Star for All Seasons at napagtuunan niya nang panahon ang adbokasiya na malapit sa kanyang puso.

“I have been corroborating with the CCP Cine Icons, FDCP and some film archiving organizations which have restored and screened my old films.

“Recently po kasi, I’ve been attending the projects of CCP and Cine Icons na nagpapalabas po ng old movies ko, yung Bata, Bata, Paano Ka Ginawa?, Tagos ng Dugo, Pinay American Style, at Anak.

“Ito pong mga pelikula ay ipinalabas din sa universities, sa UST at St. Paul University.

“My central mission is to share with them my experiences for the past 62 years as an actor and as an artist,” paliwanag ni Vilma tungkol sa isa sa mga adbokasiya na kanyang isinusulong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagpapatuloy ng Star For All Seasons: “Ang advocacy pong ito ay para mabigyan ko kung kayang kong bigyan, ng inspirasyon ang ating mga kabataan ngayon regarding our industry hango po sa ating mga karanasan.

“Since I am now a senior in the industry, ito po ay ang aking personal advocacy. Ito po ang tinatawag ko na aking payback time.

“I mean, for so many years, sa lahat po ng blessings na natanggap ko. Hindi po lahat nabibiyayaan na tumagal ng animnapung taon sa industriya ito na hindi ka sinuportahan, minahal, at pinaniwalaan ang talento mo.

“And for that, I am truly very very grateful up to this day and in my own little way and I call it, ang adbokasiya ko, it’s payback time.

“If there’s anything I can do, to continue and inspire these new blood, yung mga GenZ and millennials, I will continue doing it, just to share my experiences and maybe help them na ma-inspire na pumasok din sa industriyang ito later on."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Saad pa ni Vilma: “The passion is nandito pa rin sa puso ko and I don’t think matatanggal ito because dun po ako nabuhay. So, tuloy pa rin po ang buhay para sa akin.

“And as a private citizen/public servant, tuloy pa rin po ang pagtatrabaho ko, sa pagbibigay ng tulong sa abot po ng aking makakaya.

“Nandito pa rin po ako at wala rin sawa po na magpapalaganap ng aking adbokasiya for the Philippine entertainment industry in order to continue inspiring.

"Kung ako ay makakatulong, I will be here for them anytime."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vilma Santos: “The passion is nandito pa rin sa puso ko and I don’t think matatanggal ito because dun po ako nabuhay. So, tuloy pa rin po ang buhay para sa akin... Kung ako ay makakatulong, I will be here for them anytime."
PHOTO/S: Jojo Gabinete
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results