Pumanaw si Leonardo G. Monteverde, asawa ni Regal Entertainment Inc. producer Lily Y. Monteverde, noong Hulyo 29, 2024.
Siya ay 86.
Kilala sa Philippine movie industry sa tawag na "Father Remy," isinilang siya noong Disyembre 25, 1937.
Read: Mother Lily Monteverde, gustong mabuhay hanggang 100 years old
Naulila ni Father Remy si Mother Lily at ang kanilang mga anak na sina Winston, Sherida, Roselle, Dondon, at Goldwin.
"Loving husband, father, grandfather, and great grandfather" ang pagsasalarawan kay Father Remy ng kanyang mga mahal sa buhay.
Para sa mga nagnanais makiramay, nakaburol ang mga labi ni Father Remy sa 38 Valencia Events Place, Valencia Street, Quezon City, mula ngayong Martes, Hulyo 31, hanggang Agosto 2, 2024 (10 A.M. to 11 P.M.).
Magkakaroon ng misa tuwing alas-siyete ng gabi.
Read: Anak ni Mother Lily na si Goldwin Monteverde, itinalagang bagong coach ng UP Fighting Maroons