PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Morissette Amon and Dave Lamar reconcile with her family

Morissette Amon: "Thank You Jesus."
by Arniel C. Serato
Published Jul 30, 2024
Morissette Amon posts sweet photo with family
After almost five years, singer Morissette Amon finally reconciles with her family. Morissette's husband Dave Lamar also spotted in the reconciliation photo.
PHOTO/S: Courtesy: Instagram

Nagkaayos na ang singer na si Morissette Amon at ang pamilya nito.

Sa Instagram kagabi, July 29, 2024, nag-post si Morissette ng larawan ng paper placemat na may nakasulat na "WHAT ARE YOU CELEBRATING TODAY?"

Dagdag pa sa nakasulat, "Celebrate Life. One Pint at a Time."

Kasunod nito ang choices na maaari mong guhitan kung ano ang gusto mo.

Ang nilagyan niya ng marka ay ang "reconciliation #peace."

Sa ikatlong larawan, makikita si Morissette kasama ang asawang si Dave Lamar, amang si Amay Amon, inang si Analie Daug, at mga kapatid ng singer.

Sabi ni Morissette sa caption, "celebrating life and all its miracles [heart, face holding back tears emojis] thank You Jesus."

View this post on Instagram

A post shared by Morissette (@itsmorissette)

Read: Morissette airs side on alleged lackluster-event performance

CELEBRITIES, NETIZENS HAPPY FOR MORISSETTE

Maraming netizens at celebrity friends ang nagpahayag ng kanilang kasiyahan sa bagong kabanata ng buhay na ito ni Morissette.

Ilan sa kanila ay sina TJ Monterde, Jason Dy, Sitti Navarro, KZ Tandingan, Kyla, at Tippy Dos Santos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Celebrities happy for Morissette Amon

Celebrities happy for Morissette Amon
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

THE FAMILY RIFT

Nagkaroon ng gusot sa pagitan ni Morissette at ng amang si Amay noong 2019 dahil sa alegasyon ng huli na nilayasan sila ng singer para sa boyfriend pa lang noong si Dave.

Read: Morissette Amon apologizes for walkout: "The moment got the best of me."

Sa mga tweet (X na ngayon) ni Amay noon, tila pinaringgan nito ang nobyo ni Morissette, na hindi pa naman inamin ng singer noon na boyfriend niya.

Si Dave daw ang dahilan kung bakit umalis sa kanilang bahay si Morissette dahil nagli-live in na diumano ang dalawa.

Si Dave ay kasabayan ni Morissette sa ABS-CBN reality show na The Voice of The Philippines Season 1 noong 2013.

Read: Morissette Amon: “I frankly don't think I'm going to lose ANYTHING with my decision to get married”

Isang source ang nagpaabot noon sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng impormasyong umalis nga si Morissette sa poder ng mga magulang nito.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pero taliwas sa patutsada ni Amay, si Morissette ay hindi umano sumama sa nobyo kundi nakatira sa bahay ni Audie Gemora sa isang exclusive village simula noong March 2019.

Si Audie ay presidente ng Stages, ang talent management na co-manager sa singing career ni Morissette.

Ayon sa source, hindi na umano kinaya ni Morissette ang sobra-sobrang "pagbabawal" at "paghihigpit" sa kanya ng ama, partikular na sa pakikipagrelasyon ng Kapamilya singer kay Dave.

Nag-effort naman daw ang magkasintahan na makilala ni Amay si Dave, pero hindi raw ito umubra.

Tingin daw kasi ng ama ni Morissette kay Dave ay "starlet" at "nakikisakay" umano sa na-establish na singing career ni Morissette.

Hanggang sa nangyari ang insidenteng nagkaroon ng matinding diskusyon ang mag-ama, at umabot sa puntong "pisikal" na "sinaktan" diumano ni Amay si Morissette.

Ayon sa source ng PEP.ph, nasampal umano ni Amay ang anak.

Sa kabila nito, pinili raw ni Morissette na manahimik alang-alang sa pamilya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Umalis si Morissette kasi di na niya ma-take ang ginagawa ng tatay niya sa kanya...

"Parang nakikialam nang todo, e, wala naman siya nung naghihirap sina Mori. Nasa ibang babae.

"'Tapos lumabas lang nung sumikat na si Mori," komento ng source tungkol sa ama ni Morissette, na kilala rin sa palayaw na Mori o Mowie kung tawagin din ng kanyang fans.

MORISSETTE'S "PHP20 TO PHP30 MILLION SAVINGS"

Sa naunang naiulat na tweets ni Amay, isa sa mga mainit na patutsada niya hinggil sa sigalot nilang mag-ama ay ang biglaang pagpapatigil umano ni Morissette sa pagpapatayo ng bahay ng kanilang pamilya.

Diumano, may nanulsol kay Morissete na huwag nang ituloy ng tila guarantor sa banko kaugnay ng ipinapatayong bahay ng Kapamilya singer.

Tweet ni Amay noong March 18, 2019 (published as is): "So the bank informed us that David's uncle asked to stop HER construction.

"Looks to me suggesting breach of contract, penalties, fees, and most of all, bad bank record.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"OK lang sana kung hindi SiYa or HER name ang mag suffer.

"These are the people who guides her now btw..."

Lahad naman ng source ng PEP.ph, hindi basta na lang umalis si Morissette nang hindi inisip ang kapakanan ng pamilya.

Iniwan umano ni Morissette sa mga magulang ang savings niya sa bangko na nagkakahalaga ng "PHP20 million to PH30 million."

Kung tutuusin daw, ang perang iyon ay magagamit ng mga magulang ni Morissette at "puwede na nila ipagpatayo ng bahay."

Dagdag ng source, "Iniwan ni Mori lahat ng savings niya sa pamilya niya nung umalis siya.

"Mori had to start again."

Kahit noong nasa poder pa raw ito ng mga magulang, sadyang mapagbigay si Morissette sa pamilya.

Sinusuportahan din daw ni Morissette kung anuman ang pinagkakaabahalan ng ama, tulad ng pagmo-motocross nito.

Base na rin daw ito sa ibinabahaging Instagram posts ni Amay.

Sabi pa ng source, "And nagga-Grab si Mori dahil gamit ng tatay sasakyan niya... para makapag-motor..."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kapag may shows si Morissette abroad, isinasama nito ang pamilya at sagot daw ng singer ang kanilang gastos.

Kaya hindi maintindihan ng source kung bakit sa kabila ng pagtatrabaho nang husto ni Morissette para sa pamilya ay nakuha pa raw umanong saktan ng ama ang anak at ganoon na lang kung siraan ito sa social media.

Read: Morissette Amon not living with boyfriend; left "P20 to P30M" savings to parents — source

Sa ngayon ay kasal na sina Morissette at Dave at mukhang nagkaroon na muli ng tulay ang relasyon ng singer sa kanyang pamilya.

Read: Morissette Amon-Dave Lamar wedding: Everything coming up roses

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
After almost five years, singer Morissette Amon finally reconciles with her family. Morissette's husband Dave Lamar also spotted in the reconciliation photo.
PHOTO/S: Courtesy: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results