PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Cat Arambulo-Antonio apologizes for insensitive remark on floods

Cat Arambulo: "I deeply apologize for my insensitivity and my actions..."
by Khryzztine Joy Baylon
Published Jul 27, 2024
Cat Arambulo apologizes for her insensitive flood remark
Cat Arambulo responds to criticisms following her recent viral flood remark: "I deeply apologize for my insensitivity and my actions, especially during a time of crisis. I hear you and I will use this as a learning opportunity for myself and to teach my kids to be more socially aware and active."
PHOTO/S: @Cat Arambulo Instagram/TikTok

Naglabas na ng public apology ang socialite at social media personality na si Cat Arambulo-Antonio, matapos siyang batikusin online kaugnay sa nag-viral niyang TikTok post kamakailan.

July 25, 2024, nang mag-post si Cat ng video sa TikTok habang binabaybay nilang mag-anak, sakay ng kanilang SUV, ang isang binabahang kalsada sa Maynila, matapos manalasa ang super typhoon Carina na sinabayan pa ng hanging habagat.

Read: Michael de Mesa stranded for more than 22 hours due to flood

Sa video, makikitang nasa loob ng sasakyan si Cat kasama ang mga anak.

Maririnig ding manghang-mangha ang kanyang mga anak nang makitang lubog sa baha ang dinaraanan ng kanilang sasakyan.

Saad ni Cat sa video, "Wow, look at this... the baha is nuts.

"First time for the kids to experience baha here in Manila."

Read: Gerald Anderson joins Typhoon Carina rescue efforts

Bukod dito, humirit din ang mga anak niyang gusto raw nilang maglaro ng "floatie" o "wakeboarding" sa baha.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Gerald Anderson joins Typhoon Carina rescue efforts

Did Bela Padilla take a swipe at Cat Arambulo's flood remarks?
Photo/s: Screengrab @Cat Arambulo TikTok

CAT FACE BACKLASH

Mabilis na nag-viral ang video na ito ni Cat, kunsaan marami sa netizens ang bumatikos sa kanya at sinabihan siyang "insensitive."

Imbes daw kasing itama ni Cat ang maling tingin ng mga anak tungkol sa baha ay tila kinunsinti pa niya ang mga ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Did Bela Padilla take a swipe at Cat Arambulo's flood remarks?
Photo/s: Screengrab @Cat Arambulo TikTok

Maging ang aktres na si Bela Padilla ay hindi rin nakapagtimping magbigay ng reaksiyon.

Sa kanyang Instagram Story nitong July 25, naglabas ng sentimyento si Bela tungkol sa pagiging "insensitive" ni Cat, na hindi man lang daw naisip ang perhuwisyong dulot ng baha sa mga taong naapektuhan.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Did Bela Padilla take a swipe at Cat Arambulo's flood remark?

Bagama't walang pangalang binanggit si Bela, malinaw na patama ito kay Cat base sa pagbanggit niya ng mga salitang ginamit ng socialite sa video nito.

Ani Bela, "You see people risking their lives for their loved ones and your question is if you and your kids can use a floatie here? Come on.

"Could've been a nice teaching moment for your kids but ‍[shrugging emoji]."

Did Bela Padilla take a swipe at Cat Arambulo's insensitive flood remarks?
Photo/s: Screengrab @Bela Padilla Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

CAT ISSUES PUBLIC APOLOGY

Tila nakarating naman agad kay Cat ang kaliwa't kanang batikos na ipinupukol sa kanya online.

Nitong Sabado, July 27, nag-post si Cat sa Instagram ng paumanhin sa mga hindi naging kumportable sa kanyang naging pahayag sa viral niyang TikTok post.

Nababasa rin daw ni Cat ang mga komento sa kanya tungkol sa pagpapalaki niya sa mga anak.

Bagama't may ibang below-the-belt, naiintindihan daw niya ang punto ng mga ito, kaya naman gagawin niya raw motibasyon ang kanyang pagkakamali upang turuan nang tama at imulat ang mga anak sa mga problemang kinakaharap ng iba.

Mababasa sa kanyang post (published as is): "I deeply apologize for my insensitivity and my actions, especially during a time of crisis.

"I hear you and I will use this as a learning opportunity for myself and to teach my kids to be more socially aware and active.

"I am now focusing my efforts on providing relief to different communities.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"My prayers go out to everyone affected."

Cat Arambulo apologizes for her insensitive flood remark
Photo/s: @Cat Arambulo Instagram

NOT THE FIRST TIME

Hindi ito ang unang pagkakataong binatikos si Cat dahil sa kanyang "insensitive" remarks.

Nung 2020 sa kasagsagan ng Covid-19 crisis sa buong mundo, tinawag ng blogger na "motherf**k*rs" at "f**k*rs" ang ilang mamamayang Pilipinong hinuli dahil sa paglabas sa "enhanced community quarantine" ordinance na ipinatutupad ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Maririnig ang komentong ito ni Cat sa post niya habang pinapanood ang isang TV report ng paghuli sa mga lumabag sa ordinansa ng binuong government task force: "My god, why don't you motherf**k*rs just stay at home? Stay at home! Don't you guys get it?

"Tigas ng ulo. This is exactly why they need the military because you f*ck*rs won't stay at home. Guys come on!"

Sabi pa nito sa post, naaawa raw kasi siya sa health workers na hindi magkandatuto sa dami ng mga Covid-19 patients. Umapila pa itong mag-behave ang mga Pinoy at huwag maging pasaway sa pinaiiral na batas.

Dahil sa post na ito, nakatanggap si Cat ng maraming batikos mula sa netizens at celebrities na tinawag siyang "insensitive" at "anti-poor."

Hindi raw nauunawaan ng socialite na ang ibang lumalabas sa kabila ng pinaiiral na batas ay kinailangang lumabas para magtrabaho o gumawa ng paraan para sa ikabubuhay ng kani-kanilang pamilya sa kabila ng krisis sa kalusugan na pinagdadaanan ng buong mundo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Agad namang humingi ng paumanhin si Cat, ngunit hindi kumbinsido ang maraming netizens na naiintindihan nito ang ginawang kamalian, kaya't binura nito ang unang public apology at muling nag-post ng isa pang paghingi ng pagpapatawad sa lahat.

Read: Celebs fume at lifestyle blogger calling people out in the streets "f*ck*rs"

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Cat Arambulo responds to criticisms following her recent viral flood remark: "I deeply apologize for my insensitivity and my actions, especially during a time of crisis. I hear you and I will use this as a learning opportunity for myself and to teach my kids to be more socially aware and active."
PHOTO/S: @Cat Arambulo Instagram/TikTok
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results