Malinaw na may pinatatamaan ang actress-director na si Bela Padilla sa kanyang Instagram Story nitong Huwebes, July 25, 2024.
May kaugnayan ito sa TikTok post ng socialite at social media personality na si Cat Arambulo-Antonio habang binabaybay nilang mag-anak, sakay ng kanilang SUV, ang binabahang kalsada sa Maynila, matapos manalasa ang super typhoon Carina na sinabayan pa ng hanging habagat.
Read: Michael de Mesa stranded for more than 22 hours due to flood
Sa video, makikitang nasa loob ng sasakyan si Cat kasama ang kanyang mga anak.
Maririnig ding manghang-mangha ang kanyang mga anak nang makitang lubog sa baha ang dinadaanan ng kanilang sasakyan.
Saad ni Cat sa video, "Wow, look at this... the baha is nuts.
"First time for the kids to experience baha here in Manila."
Read: Gerald Anderson joins Typhoon Carina rescue efforts
Bukod dito, humirit din ang mga anak niyang gusto raw nilang maglaro ng "floatie" o "wakeboarding" sa baha.
Sabi ng isa sa mga ito, "Mommy, you know what you can do? You can get a floatie."

Tanong naman ni Cat sa kanyang yaya, "Safe ba mag-floatie diyan, yaya?
"I guess so. It’s just water. Should we try? We should wakeboard."

Read: Pinoy Big Brother house gets flooded due to typhoon Carina
NETIZENS' REACTION
Mabilis na nag-viral ang video na ito ni Cat, kunsaan marami sa netizens ang binatikos siya at sinabihan siyang "insensitive."
Imbes daw kasing itama ni Cat ang maling tingin ng kanyang mga anak tungkol sa baha ay tila kinunsinti pa niya ang mga ito.
Tweet ng isang netizen (published as is), "The case of Cat Arambulo is just an example of how out of touch, vain and oa the rich are. Imagine the level of insensitivity someone has to have to see the storm like it’s the beach where you can use “floatie” and do wakeboard while lots of people are losing their lives over it."
Saad pa ng isa, "I feel bad for her kids. Cat Arambulo had tons of opportunity to educate them but she didn't take any. No offense. Alam ko namang nanay siya. Pero at this rate of being problematic, I hope they don't grow up to be like her lol tama na yung ilang sakit sa lipunan."
Sabi pa ng isa, "First time to see baha in Manila and wants to have floatie floatie it looked like she is on vacation tour? When so many lives and pets are in danger and have to be evacuated. So insensitive."
Dagdag pa ng isa, "Si @catarambulo_com, the epitome of bourgeoisie, living their best life driving down flooded areas of Metro Manila, joking about wakeboarding in the "baha"! Don't mind the thousands struggling without clothes, electricity, or clean water, just vibes #OutOfTouch #CantRelate."
BELA PADILLA REACTS
Maging ang aktres na si Bela Padilla ay hindi rin nakapagtimping magbigay ng reaksiyon.
Sa kanyang Instagram Story, naglabas ng sentimyento si Bela tungkol sa pagiging "insensitive" umao ni Cat, na hindi man lang daw naisip ang perhuwisyong dulot ng baha sa mga taong naapektuhan ng bagyo.
Walang pangalang binanggit si Bela, pero malinaw na patama niya ito kay Cat base sa pagbanggit niya ng mga salitang ginamit ng socialite sa video nito.
Aniya, "You see people risking their lives for their loved ones and your question is if you and your kids can use a floatie here? Come on.
"Could've been a nice teaching for you kids but [shrugging emoji]."

Hindi ito ang unang beses na binatikos si Cat tungkol sa kanyang post sa social media.
Noong 2020, sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic, kaliwa't kanang batikos drin ang natanggap niya nang hindi magustuhan ng netizens ang naging pahayag niya tungkol sa mga manggagawang Pilipino na patuloy pa ring lumalabas kahit may ipinapatupad nang lockdown.
