PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Pinoy Big Brother house gets flooded during typhoon Carina

The PBB management says that housemates and staff of the program are safe.
by Khryzztine Joy Baylon
Published Jul 25, 2024
Pinoy Big Brother house gets flooded due to Super Typhoon Carina
Pinoy Big Brother house not spared from flood caused by super typhoon Carina.
PHOTO/S: ABS-CBN

Hindi nakaligtas ang Pinoy Big Brother (PBB) house na matatagpuan sa Diliman, Quezon City, sa matinding hagupit ng super typhoon Carina na sinabayan pa ng hanging habagat.

Pinasok ng tubig-baha ang ilang parte ng sikat na bahay dahil sa matindi at tuluy-tuloy na pag-ulan sa Metro Manila at karatig-probinsiya kahapon, Hulyo 24, 2024.

Read: Gerald Anderson joins Typhoon Carina rescue efforts

Nitong Miyerkules, July 24, 2024, sa kasagsagan ng ulan, makikita sa ABS-CBN News ang video ng pagpasok ng tubig-baha sa ilang bahagi ng PBB house, partikular na sa kuwarto ng male housemates at sa garden area sa labas.

Pinoy Big Brother house gets flooded due to Super Typhoon Carina
Photo/s: ABS-CBN
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kita rin sa video na kagigising lang ng housemates nang makita nilang may tubig na nakapasok sa kanilang kuwarto.

Pinoy Big Brother house gets flooded due to Super Typhoon Carina
Photo/s: ABS-CBN

May ilang gamit na nabasa, bagay na ikinagulat at ikinaalarma ng male housemates.

Pinoy Big Brother house gets flooded due to Super Typhoon Carina
Photo/s: ABS-CBN
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

PBB ASSURES HOUSEMATES AND STAFF ARE SAFE

Sa panayam ng ABS-CBN News sa business unit head ng PBB Gen 11 na si Alex Asuncion, sinabi nitong ligtas at nasa maayos na kalagayan ang housemates pati na ang lahat ng staff ng programa.

Read: Enchong Dee puzzles netizens with GMA Gala 2024 appearance

Wala rin daw sinumang nalagay sa peligro nang mangyari ang insidente.

Pahayag ni Asuncion, "Malakas talaga si bagyong Carina so may ilang piling areas na pinasok ng tubig nung kasagsagan ng malakas na ulan, kasama na ang kuwarto ng housemates.

"Hindi naman tumaas pa yung tubig. Managed na. Ligtas naman at malayo sa peligro ang housemates and staff na nasa Bahay ni Kuya ngayon."

Read: Michael de Mesa stranded for more than 22 hours due to flood

Pagtitiyak pa nila, agad ding humupa ang tubig at hindi lahat ng parte ng PBB house ay pinasok ng baha.

Samantala, ayon sa huling tala ng PAGASA (Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration) as of 10:16 A.M. ng July 25, nakalabas na sa PAR (Philippine Area of Responsibility) ang bagyong Carina.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Gayunpaman, kahit nasa labas na ng PAR ang bagyong Carina, hahatakin pa rin nito ang hanging habagat na magpapaulan pa rin sa ilang lugar sa bansa, kabilang na ang Metro Manila.

Read: Nasaan ang ibang celebrity reservists noong kasagsagan ng bagyo?

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pinoy Big Brother house not spared from flood caused by super typhoon Carina.
PHOTO/S: ABS-CBN
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results