PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

"Gala food reviewer” Mariel Pamintuan not invited to GMA Gala 2024

Mariel Pamintuan: "P.S. Sayang mukhang masarap ang food."
by Arniel C. Serato
Published Jul 25, 2024
Mariel Pamintuan not invited to GMA Gala 2024
Trending "Gala food reviewer" Mariel Pamintuan not present during GMA Gala 2024. She explains, "May mga nalungkot dahil di ako na-imbita sa GMA Gala. Natapos na po ang aking 2 yr. Contract sakanila at ngayon ay isa na po akong freelancer."
PHOTO/S: File / Facebook

Hinanap ng ilang netizens ang aktres na si Mariel Pamintuan sa katatapos lamang na GMA Gala 2024 dahil hindi siya namataan sa annual event.

Read: (Updated) GMA Gala 2024 sidelights: Did Alden pay for extension of after-party? Sparkle rep speaks up

Star-studded, pabolosa, at engrande ang katatapos lamang na GMA Gala 2024 na idinaos sa Manila Marriott Hotel, Pasay City, nitong nakaraang Sabado, July 20, 2024.

WHERE'S MARIEL PAMINTUAN, THE "GALA FOOD REVIEWER"?

Mukhang inusisa si Mariel ng kanyang followers sa Facebook kung bakit wala siyang food review sa katatapos lamang na GMA Gala.

Nitong Martes, July 23, 2024, ipinaalam niya sa publiko kung bakit wala siyang food review at hindi siya nakita sa grand event.

Hindi raw siya invited sa Gala at natapos na rin ang kanyang dalawang taong kontrata sa GMA-7.

Ayon kay Mariel, "Hallur Krazy Pipol,

"It has come to my attention that some of you… ang hirap pala tagalugin ko na nga lang! May mga nalungkot dahil di ako na-imbita sa GMA Gala.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Natapos na po ang aking 2 yr. Contract sakanila at ngayon ay isa na po akong freelancer."

Read: Mariel Pamintuan recalls missing big break in ABS-CBN because of pimples

Nagpasalamat pa rin siya sa GMA sa pagkakataong ibinigay nito sa kanya.

Malaki raw kasi ang naging tulong nito sa kanilang buhay pagdating sa pinansiyal na bagay.

Aniya, "Ganun pa man gusto ko po malaman niyo na malaki ang pasasalamat ko sa GMA na binigyan nila ako ng mga proyektong nahubog ang kakayahan ko bilang artista at nakatulong sa aming pinansyal.

"Yun po ay malaking bagay para sakin kaya naman nanatiling masaya ang aking puso. I love Kapuso EYYYY"

Pabirong pagtatapos niya patungkol sa food ng Gala, "P.S. Sayang mukhang masarap ang food

"EYYYYY"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

THE FOOD REVIEW during GMA THANKSGIVING GALA 2022

Bilang talent pa noon ng Sparkle GMA Artist Center, isa si Mariel sa imbitado sa GMA Thanksgiving Gala 2022.

Pero nakatanggap siya ng mga pang-aalipusta mula sa netizens.

Ito ay dahil hindi umano ugali ng isang mabuting bisita ang kanyang ipinakita sa TikTok videos niya.

Sa isang video, habang kumakain sila ng appetizer ng mga kasama niya sa mesa noong sina Shanicka Arganda at Ella Cristofani, “Hello, may sinasabi po siya sa pagkain. Anong lasa ng pagkain?”

“Lasang liver spread?” sagot ng newcomer na tinanong ni Mariel.

Sinundan niya ito ng komento na, “Okay, sabi po nila, lasang liver spread daw yung pagkain namin.”

Sa kanyang solo selfie video, inamin ni Mariel na binatikos nila ng mga kasama niya ang mga pagkaing inihain sa kanila.

Pag-amin pa niya noon, “Binash namin yung food pero naubos naman. Naubos ko naman.

"Appetizer pa lang yun. Meron pa tayong main course.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sa isa pang video, nagsalita si Mariel na nagpapanggap lamang itong masaya sa GMA Thanksgiving Gala.

Pahayag niya, “Heller! So, nagpapanggap lang akong nag-e-enjoy dito. Hindi ko kilala ang mga tao dito. Hindi rin nila ako kilala."

Kaya naman nagresulta ito sa matinding bashing.

Mariel Pamintuan GMA Thanksgiving Gala 2022

Read: Sparkle artist Mariel Pamintuan, trending dahil sa komento tungkol sa GMA Gala Night

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Humingi naman ng apology noon si Mariel dahil sa kanyang mga nasabi ukol sa mga pagkain sa Gala.

Read: Sparkle artist Mariel Pamintuan apologizes for "dumb sarcasm and dumb jokes"

MARIEL PAMINTUAN PROMISES TO BEHAVE AT GMA GALA 2023

Sa GMA Gala 2023, imbitado muli si Mariel.

At nangako siyang mag-behave na sa event.

Habang ongoing ang Gala, nagbigay ng mga komento si Mariel sa four-course meal na inihapag sa attendees ng GMA Gala 2023.

Saad niya, “Babawi ako, kasi last time na-bash ako, e. Maganda na ‘to, promise. Aayusin ko na.”

Kasunod nito, inisa-isa ni Mariel ang komento sa food—mula sa salad, soup, rib eye steak, at dessert.

Puro maganda ang ibinigay niyang komento ukol sa pagkain.

Pansin na may may pagka-eksaherada ang kanyang facial reactions.

“Ten out of 10. Delicious,” review niya sa Caesar salad.

“Sarap! Yummy, guys!” review niya sa mushroom soup.

“Maiiyak ako, ang sarap,” sabi naman niya sa rib eye steak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ang sarap,” sabi naman niya sa dessert na panna cotta.

Mariel Pamintuan GMA Gala 2023

Sa isa pang video noong nakauwi na siya, may mensahe naman siya kay Miss Annette Gozon-Valdes, ang GMA Films president at GMA Network senior vice-president.

Aniya, “Hi, Ma’am Annette Gozon, I love you!

“I love all the bosses of GMA. Thank you for inviting me.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“I hope you renew my contract next year and the year after and forever, so I will be the official food reviewer of GMA Gala night."

Ngunit, hindi na nga na-renew ang kanyang kontrata.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Trending "Gala food reviewer" Mariel Pamintuan not present during GMA Gala 2024. She explains, "May mga nalungkot dahil di ako na-imbita sa GMA Gala. Natapos na po ang aking 2 yr. Contract sakanila at ngayon ay isa na po akong freelancer."
PHOTO/S: File / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results