PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Graduate denies claim her dad pocketed PHP13 jeepney fare

Netizens also defend dad of cum laude graduate.
by Allyanah Marielle T. Calinao
Published Jul 25, 2024
Hannah Diego
A cum laude graduate takes to Facebook to defend her father whose stolen photo appeared in a Facebool post of a netizen, accusing the dad of allegedly pocketing PHP13 jeepney fare.

Viral sa Facebook recently ang post ng isang new graduate sa kolehiyo.

Ito ay matapos niyang depensahan ang ama na pinaratangang nagbulsa ng pamasahe ng kapwa-pasahero sa isang jeepney.

Ipinahayag ni Annie (hindi tunay na pangalan) sa kanyang account na bagamat mahirap ang kanilang pamumuhay, hindi sila kailanman manlalamang o mang-aapak ng ibang tao.

At dahil nangyari ang insidente sa araw ng kanyang graduation, posible raw na nadala ng labis na excitement ang kanyang ama at hindi namalayang naibulsa pala nito ang pamasahe.

At press time, pumalo na sa 29K reactions, 4K comments, at 8.1K shares ang post ni Annie.

Bumuhos din ang simpatiya ng mga netizens sa kanyang ama.

Subalit, nagkamali ba ng paratang ang pasaherong nagsabi na “ninakawan” siya ng pamasahe?

Read: Netizens fume over road rage between two drivers in Espana

passenger'S STORY

Isa sa mga larawang ini-upload ni Annie sa kanyang post ang screenshot ng pahayag ni Fatima (di tunay na pangalan).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Fatima ang pasaherong nag-post sa Facebook at pinaratangan ang ama ni Annie na ibinulsa ang kanyang pamasaheng PHP13.

Ipinost ni Annie ang screenshot ng FB post ni Fatima, na piniktyuran ang ama ni Annie habang nasa dyip.

Sa caption, ganito ang sinabi ni Fatima (published as is): “good day po baka po makasakay nyo ulit sila nag abot po ako ng bayad pero hindi ibinayad ni kuyang naka white ay nako kuya 13pesos nalang binulsa mo pa kinakawawa mo namn driver nyan.”

faith post
A netizen took a photo of a man who allegedly pocketed her PHP13 jeepney fare.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NETIZENS REACT TO FATIMA'S POST

Sa comments section, marami ang nag-call out kay Fatima.

Sana raw ay sinabi niya sa ama ni Annie na naibulsa nito ang kanyang pamasahe, at hindi kaagad idinaan sa Facebook post.

May mga netizens na ipinagtanggol ang ama ni Annie dahil kilala nila ang pagkatao nito.

Nabanggit nilang mabuting kagawad sa kanilang barangay ang pinaratangan ni Fatima.

Ang sabi ng isang Facebook user, “Grave K naman te dapt d muna pinost Sa halagang 13 pesos kng mkkilala mulng xia grabing bait at npakatulungin nyan alam mubang consihal Yan mapagkakatiwalaan Yan kilalang kilala Yan?”

Read: Chinese vlogger reportedly dies during mukbang livestream

comment
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Dagdag ng isang nakakakilala sa ama ni Annie, “Kilalanin po muna ninyo ang Amin kagawad Bago kayo magsabi Ng Kung ano ano saknya…

“Kung kami nga po Sa sobra tagal na naming Dito Sa barangay na Ito halos masasabi namin na napakasipag ng Tao Yan lagi po siya Handa tumulong Sa lahat ng Tao .

“ang tanging masasabi ko Sa Tao nagpost Sa kagawad namin ano ka ate wala bibig para magsalita ang bibig Hindi Lang Sa pagiging maritess ginagamit

“ano silbi Ng bibig Mo Kung Hindi ka nagsalita kaagad pwede mona sabihin kuya sorry po ha bakit po Kaya ninyo naibulsa ang binayad ko

“hindi Yung nakakuha ka kaagad ng larawan Ng Amin kaagad at pinost Mo pa ano yan ate naghahanap ka ng kakampi Sa social media .nakakagigil ka po”

comment
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May nagsabi rin ng ganito: “Ikayayaman ba nila ung 13 pesos? Lahat nalang talaga nakasocial media na eh no?

“Pwede naman nya sabihin ora mismo na naibulsa ni Manong ung bayad nya eh. Pwede naman daanin sa mabuting usapan bakit kailangan pa ipost?

“Malay mo sa sobrang kasiyahan ni manong wala na isip nya sa paligid kundi sa graduation mismo ng anak nya. Baka nsa isip nya sukli sa kanya kaya naibulsa nya.

“As laging lutang ang isip na katulad ko mas maganda po siguro na sabhin mismo samin ang pagkakamali namin kesa ipost kami na walang kaalam alam.

“Wag po tayong padalos dalos. Kasi isang post lang malaki magiging impact neto sa isang tao.”

comment
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Gayunpaman, dahil hindi malinaw kay Fatima ang dahilan kung bakit ibinulsa umano ng lalaki ang pamasahe, ang una niyang naisip ay inumit ito.

Nag-follow up post siya at aniya ay para ito sa “awareness" sa ganitong mga insidente, subalit dismayado ang netizens dahil kitang-kita ang mukha ng lalaki sa ipinost na picture.

POSTING PHOTO ON FACEBOOK

Sa ilalim ng Republic Act No. 10173, also known as the Data Privacy Act of 2012 (DPA), nakasaad na "the processing or sharing of photos and videos containing personal information must have a lawful basis and must adhere to the general data privacy principles of transparency, legitimate purpose, and proportionality."

Ang violation ng DPA ay may kaakibat na "administrative fines and criminal penalties."

Ayon sa lawyer na kinunsulta ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), ang batas na ito ay proteksiyon laban sa "identity theft, fraud, or other illegal activities."

Paliwanag pa ng lawyer, "...sharing sensitive content online may expose individuals to cyberbullying, harassment, or stalking.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"In this regard, the National Privacy Commission emphasizes the importance of respecting data subject rights, most especially in social media platforms.

"As individuals engage online, they must exercise caution and be responsible in safeguarding their own and other people’s data privacy rights."

graduate speaks up about the issue

Samantala, hindi pinalampas ni Annie ang ginawang pamamahiya ni Fatima sa kanyang ama.

Ilang oras matapos mag-post si Fatima, nag-post din si Annie sa kanyang Facebook account upang itanggi ang paratang.

Ipinost niya ang larawan nilang mag-ama sa kanyang graduation.

Si Annie ay nagtapos bilang cum laude sa kursong B.S. in Secondary Education Major in Social Studies.

Bungad niya, “Anak ng magbibinatog at hindi magpapasira sa halagang 13 pesos!!!”

Dagdag pa niya (published as is), “Tinaguyod, iginapang at pinaghirapan ng Daddy ko na mapagtapos ako. Mahirap at kapos man kami sa pera pero hindi kailanman mangyayari na manlalamang o mang aapak kami ng tao.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagkatapos nito, nagkuwento si Annie tungkol sa insidente.

Aniya, “Nangyari to sa mismong araw ng graduation ko!! Wala akong natatandaan na nag abot sya ng pamasahe.

“Marahil dala ng sobrang kasiyahan dahil sa aking graduation masyado kaming naging excited at nawalan ng pakialam sa paligid, siguro nga katulad ng iginigiit nya na hindi daw naiabot ng daddy ko yung bayad nya sa driver.

“Kung ganoon man ang nangyari humihingi ako, kami ng pasensya. Kung sakaling nagkamali man ang daddy ko sana nagreach out ka sa amin at hindi nag post sa FB.

“Kung alam mo naman pala na naibulsa ng daddy ko yung bayad bakit hindi mo sinabi sa kanya? Hinintay mo pa na makababa kami ng jeep.”

Hannah Diego post
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Punto ni Annie, malaking kasiraan ang ginawa ni Fatima hindi lamang sa kanyang ama, kung hindi pati na rin sa kanyang buong pamilya.

Ayaw rin daw niyang mahusgahan ang pagkatao ng kanyang ama dahil lamang sa "napakaliit na bagay."

Sa huli, nanawagan si Annie sa mga nakakakilala kay Fatima na ipagbigay-alam sa kanya ang address nito dahil gusto niyang idulog ang insidente sa barangay.

Dagdag pa ni Annie, nais daw niyang humingi ng public apology si Fatima dahil hindi raw biro ang damage na naidulot ng ginawa nito sa kanila.

Pagtatapos ni Annie, “Hindi ko ito sinasabi para maging masama sya sa paningin ng iba, gusto ko lamang ilinaw na mabuting tao ang daddy ko at kailanman hindi nya gagawin ang ganitong bagay.”

Sa ngayon, nowhere to be found ang account ni Fatima.

Ang hinuha ng netizens, nag-deactivate ito ng account.

Gayunpaman, kumalat na sa maraming Facebook groups at iba’t ibang page ang screenshot ng kanyang post.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Wala pang balita sa kasalukuyan kung nagkausap na ang dalawa.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
A cum laude graduate takes to Facebook to defend her father whose stolen photo appeared in a Facebool post of a netizen, accusing the dad of allegedly pocketing PHP13 jeepney fare.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results