Naghayag ng kanilang reaksiyon ang ilang showbiz personalities ukol sa isyung kinasangkutan ng isang personality sa Cebu at isang waiter.
May kinalaman ito sa misgendering umano ng waiter ng isang restaurant matapos niyang tawaging “Sir” ang isang customer na nakadamit-babae at miyembro ng LGBTQIA community.
Read: Cebu personality issues apology over misgendering controversy
Ang customer ay kinilala bilang si Jude Bacalso, dating TV personality at isa ring host at writer sa Cebu.
Labis na pinag-usapan ang isyu sa social media dahil pinagsabihan umano ni Bacalso ang waiter, habang nakatayo ito sa kanyang harapan sa loob ng halos dalawang oras.
Kaugnay ng isyu, nagbigay ng kani-kanilang pahayag ang mga aktres na sina Rosanna Roces, Aiko Melendez, at Kaladkaren, aka, Jervi Li.
Read: Chinese vlogger reportedly dies during mukbang livestream

ROSANNA ROCES
Inilabas ng iba’t ibang online news outlets at vlogs ang reaksiyon ni Rosanna na ipinost nito sa kanyang Facebook account.
Matapang na banat ng Pamilya Sagrado actress: "Ang madilim na katotohanan ay gusto mo tanggapin ka ng mga nakapaligid sa yo na Babae ka."
Ang sumunod na sinabi ni Rosanna ay pang-o-okray, "Eh hindi mo nga matanggap sa sarili mo na p**** na Lalake ka ungas!"
Si Rosanna ay miyembro rin ng LGBTQIA community at may karelasyong LGBTQIA member.
AIKO MELENDEZ
Sunud-sunod naman ang Facebook post ni Aiko ukol sa isyu.
Simula ng actress-politician, hindi dapat maging balat-sibuyas kung nagkamali ang isang tao sa pagtawag sa iyo.
Sana raw ay mas naging maunawain ang Cebuano personality sa insidente.
Sumunod na post ng aktres (published as is), “Magkano lang ang sweldo ng mga waiters
“Swerte na kung galante ang customers at me pa tip dba? Pero ung 1 oras ng lecture 101??? Malalaley …
“Gender is not the issue here…. issue here is how you treat people.
“Customers is always right pero ilagay naten sa lugar po. Be KIND!!!! Golden rule yan teh!!!”
Sumundot pa si Aiko na nais niyang makilala ang waiter para bigyan ito ng encouragement.
Read: Netizens fume over road rage between two drivers in Espana
KALADKAREN
“Educate NOT Humiliate,” bungad naman ni Kaladkaren sa kanyang Facebook post.
Aminado si Kaladkaren, isang trans woman, na may pagkakataong tinatawag pa rin siyang “Sir.”
Hirit niya, “[B]ut I know how to choose my battles. When this happens, most of the time, I just smile, be the bigger person and let it pass.
Pagpapatuloy niya, minsan ay idinadaan na lamang niya sa biro para i-address ang isyu, tulad daw ng pagsasabing, “ikaw naman kuya/ate, ang ganda ko naman pong sir”.
Kadalasan daw ay nagtatapos ito sa tawanan.
May mga pagkakataon din daw na sinasabihan ni Kaladkaren ang kausap na tawagin siyang “ma’am” o “miss.”
Pero maunawain daw ang TV personality sa mga ganitong pagkakataon.
“Oftentimes, people don’t mean to offend you. Nalilito lang talaga sila. Tinawag kang ma’am or sir because they want to show respect,” sabi ni Kaladkaren.
Kung hindi man daw pabor sa tao ang itinawag sa kanya, ang magandang paraan ay itama ito.
Hindi rin tinatanggal ni Kaladkaren na may ibang taong nananadya para “mambastos.”
Subalit iginiit niyang hindi lahat ay "100% aware of how to use the right pronouns.”
Bilang isang miyembro ng LGBTQIA community, sang-ayon si Kaladkaren na i-educate ang ibang tao na hindi alam ang tungkol dito.
Pero paglilinaw niya, “But educate properly. People commit mistakes… I do also.
“I believe, being kind makes us empathize more with other people. Let’s love and respect one another.”
Marami pang personalidad at influencers ang nagbigay ng kanilang opinyon hinggil sa isyu — tulad ng LGBTQIA members ding sina Ogie Diaz, Iyah Minah, at Lars Pacheco na tila hindi pabor na pinatayo ang waiter habang pinagsasabihan ni Bacalso.
