PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Nadine Samonte moves on from unfortunate GMA Gala 2024 incident

Nadine Samonte: "I'm always proud to be a Kapuso. Let's all spread love."
by Arniel C. Serato
Published Jul 24, 2024
Nadine Samonte no hurt feelings against GMA, Sparkle
Nadine Samonte: "Uulitin ko never po naging masama ang loob ko sa network at lagi ko nga sinasabi hindi magkakaroon ng isang Nadine Samonte kung hindi dahil sa GMA and I will forever be grateful for that."
PHOTO/S: Courtesy: Instagram

Naka-move on na si Nadine Samonte sa grabeng sama ng loob na kanyang naramdaman sa nakaraang GMA Gala 2024.

Ginanap ang maningning na pagtitipun-tipon ng mga bigating GMA-7 at ilang ABS-CBN stars nitong nakaraang July 20, 2024, sa Manila Marriott Grand Ballroom sa Newport, Pasay City.

Read: GMA Gala 2024 sidelights: Did Alden pay for extension of after-party? Sparkle rep speaks up

NADINE SAMONTE NO HATE TOWARDS GMA, SPARKLE

Sa Instagram ngayong Miyerkules, July 24, 2024, nagpasalamat si Nadine sa lahat ng nagpaabot ng pag-aalala sa kanya matapos kumalat ang isyu.

Pero nais na raw niyang mag-move on mula sa insidenteng ito.

Nadine Samonte at GMA Gala 2024
Photo/s: Pau Guevarra
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mensahe ni Nadine (published as is): "First i would like to say thank you sa lahat ng nagmamahal and nagcacare po sa akin lalo na asawa ko, my family and friends .

"Appreciated all your sweet messages but this needs to end. I would like to move on and look at the brighter side of life.

"Thank you Sparkle Family for looking into this matter to prevent any future mishaps.

"Thank you to my Team and my handler for your relentless love and support. Lastly Thank you to GMA and Sparkle for reaching out to me, it truly meant so much."

Giit ng Kapuso actress, hindi masama ang loob niya sa kanyang home network at sa Sparkle GMA Artist Center.

Ang Sparkle ang talent-management arm ng GMA-7 kung saan isa siya sa mga contract star.

Aniya, "Uulitin ko never po naging masama ang loob ko sa network at lagi ko nga sinsbi hindi magkakaroon ng isang Nadine Samonte kung hindi dahil sa GMA and i will forever be grateful for that.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Im always proud to be a Kapuso [heart emoji] Lets all spread love. Stay safe and God bless @gmanetwork @sparklegmaartistcenter @itsmenet8"

NADINE SAMONTE reacts; STYLIST RANTS

Nalaman ng publiko ang tungkol sa unfortunate incident na naranasan ni Nadine sa GMA Gala 2024 dahil sa post sa X ng kanyang stylist na si Keith Manila.

Ayon kay Keith, imbitado ang aktres pero nalaman nilang wala itong seat at table assignment sa reception ng Gala.

Buong post niya, "Treat your artists right. Kahit na di yan prime niyo. Bat kayo magiinvite pero wala pala sa listahan. Wag niyo unahin mga influencers na ininvite niyo. so disappointing Sparkle GMA Artist Center #GMAGala2024 CHEAP!"

Read: Nadine Samonte mistreated at GMA Gala 2024?

Sa exclusive interview kay Nadine ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), inilahad niyang nang nagtungo siya sa registration area, nagulat na lamang siya nang mapag-alamang wala sa listahan ang pangalan niya.

Ang guest list ang basehan ng mga taong in-charge sa registration area kung saan naka-assign na table ang bisita.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

May ibibigay rin sa guest na table number para mabilis nitong makita ang puwesto pagdating sa grand ballroom.

Hindi basta pinapapasok ang wala sa guest list.

Kuwento pa rin ni Nadine, tinawag niya ang kanyang handler sa Sparkle para ito na ang umayos.

Nang mga oras na iyon, nakasabay raw ni Nadine sa registration ang young actress na si Althea Ablan.

Co-star ni Nadine sa Althea sa Forever Young, at mag-ina sila sa serye.

Nang tsine-check kung saan may available seats, nakita raw ng staff sa registration area na may bakanteng upuan sa table ni Althea.

Si Nadine na raw ang nagsabi kung puwede na doon na lang siya umupo.

"So, sabi ko, 'Ah okay. Okay na ako, at least, kasama ko sa table si Althea, and kilala ko naman ang mga kasama ko.'

"Kaso, pagdating namin sa loob, bawat seats, may pangalan. Kaya hindi ako nakaupo sa table nila Althea.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Parang ako, 'Paano ba? Saan ako mauupo or dapat ba umalis na lang ako?'"

Naresolba ang isyu nang makahanap ng bakanteng upuan sa isang table na walang name cards.

"Pinaupo na lang nila ako sa dulong table. Wala nang mga pangalan ang seats.

"Nagkahiwalay na kami ni Althea.

"E, nagkataon na dahil maliit lang ang dala kong purse, nag-offer siya kung gusto ko na ilagay ko muna ang cellphone ko sa purse niya. So, wala akong phone."

Humanap daw ng paraan si Nadine para makontak ang kanyang handler para ipaalam dito ang nangyari.

"Buti na lang, nakita ko si Jak Roberto, and nakisuyo ako sa kanya kung puwedeng pakikontak ang handler ko. Nagkataon kasi na pareho kami ng handler.

"Nakapasok naman ang handler ko, pero hindi yata siya puwedeng magtagal... I don’t know.

"Hindi rin niya alam kung ano ang nangyari, bakit nagkaganun."

Nakaupo na rin kalaunan si Nadine pero hindi na niya tinapos pa ang programa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Nadine Samonte opens up about her GMA Gala 2024 experience

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nadine Samonte: "Uulitin ko never po naging masama ang loob ko sa network at lagi ko nga sinasabi hindi magkakaroon ng isang Nadine Samonte kung hindi dahil sa GMA and I will forever be grateful for that."
PHOTO/S: Courtesy: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results