PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

What's next for Ruru Madrid after Black Rider?

"I’m living my dream right now."
by Rommel Gonzales
Published Jul 26, 2024
Ruru Madrid
Ruru Madrid hopes to star in an action film following the success of his GMA-7 action series, Black Rider.
PHOTO/S: @rurumadrid8 on Instagram

Isang malaking tagumpay ang Black Rider na pinagbibidahan ni Ruru Madrid.

Naging hero kasi siya ng marami, lalo na ng mga kabataan.

Pero ayon sa kasabihan, some good things never last, at umere ang final episode ng action series sa GMA-7 ngayong gabi, July 26, 2024.

Ano kaya ang naging epekto ng naturang show kay Ruru?

Nangingiting sagot ng aktor, “Siguro nasimulan din po nung ginawa ko yung Lolong before and then ngayon nasundan po agad ng Black Rider.

“Napakasarap po sa puso every time na may mga magulang na nagse-send po sa akin ng mga videos ng kani-kanilang mga anak na ginagaya ako pagdating sa pag-arte.

"Papaano ako manamit, paano ako makipaglaban, iyon yung masasabi kong hinding-hindi mababayaran ng kahit na anong halaga."

Nakikita raw ni Ruru sa kanila ang dating sarili.

Sa pagpapatuloy ng aktor, “Nakakatuwa po kasi siyempre dati pangarap ko lang iyan at dati ako po yung nasa posisyon nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Dati ako yung tumitingala sa mga iniidolo ko at ginagawa nila.

"At ngayon na nandun po ako sa kung saan po yung mga dating iniidolo ko noon, napakasarap po sa puso.

“Kasi pinangarap ko po ito ever since bata ako at ngayon para bang… I’m living my dream right now.

"Sobrang grateful po ako sa lahat ng bumubo ng Black Rider dahil ipinagkatiwala po nila itong proyektong ito para sa akin.

Read: Ruru Madrid, niregaluhan ang sarili ng SUV worth PHP5M

Black Rider poster finale week
Photo/s: Courtesy: GMA Corp. Comm
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

RURU MADRID's CAREER GoALS

Sa pagpapatuloy na interview kay Ruru during the Black Rider Zoom media conference nitong Hulyo 13, naitanong kung ano pa ang nais niyang ma-achieve sa career niya.

Aniya, “Ahm, sabi ko nga parang, I mean ever since bata ako my dream is maging artista, maging isang ganap na action star, di ba?

“At ngayon na nandito na po ako ano pa po yung susunod kong gusto, ano pa yung papangarapin ko?

“Ang dream ko lang naman talaga is magtagumpay doon sa pinapangarap ko, makamit yung pangarap ko, but at the same time makatulong dun sa mga nangangarap pa.

“Yung mga dating ako, yung mga katulad ko na nagsisimula pa lang, nais kong makatulong sa kanila, doon sa mga bagay na puwede po akong makatulong.

“That’s the dream, iyon yung ultimate dream ko."

Read: Ruru Madrid ayaw isipin ang muling pagtatapat nila ni Coco sa prime time

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pahabol pa ni Ruru, "But at the same time, ngayon na nakagawa po ako ng mga action serye, hopefully makagawa naman po ako ng isang action film.”

Huling sundot na taong kay Ruru, nais ba rin niyang maging direktor ng sarili niyang serye o pelikula, tulad ng idolo niyang si Coco Martin?

“Yes!” mabilis niyang tugon.

“Siguro sa ngayon, kasi siyempre nandiyan pa ang aking, paano ba, ang aking tatay, Direk Rommel Penesa,” pagtukoy ni Ruru sa direktor ng Black Rider.

“Iyan ang talagang nagga-guide sa akin at sa journey namin na magkasama ever since Lolong.

"Noon pa, lagi ko siyang pinapanood kung papaano siyang magtrabaho, papaano niyang ginagawa yung mga eksena. So somehow, natututo ako.

"Eventually parang, siyempre, bukod sa pagdidirek, gusto kong mag-produce ng sarili kong mga proyektong gagawin at ako na rin po ang magdidirek.

"But ayoko pa pong isipin iyan sa ngayon. I just want to focus on everything na ipinagkakatiwala po sa akin ng network.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Yung ano po yung maiaambag ko doon sa mga proyektong iyon.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ruru Madrid hopes to star in an action film following the success of his GMA-7 action series, Black Rider.
PHOTO/S: @rurumadrid8 on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results