PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ruru Madrid, Yassi Pressman promise heroic finale for Black Rider

Ruru Madrid teases about possibility of Black Rider Book 2.
by Arniel C. Serato
Published Jul 22, 2024
Black Rider heroic finale
Black Rider will have its explosive and action-packed finale week beginning July 22, 8 P.M., on GMA Prime. Ruru Madrid, Yassi Pressman, and other stars promise a heroic finale of GMA's award-winning primetime series.
PHOTO/S: Courtesy: GMA Corp. Comm

Halos isang taon ding tumakbo sa ere ang GMA Prime series na Black Rider na pinagbibidahan ni Ruru Madrid.

Ang Black Rider ay kuwento ng isang simpleng delivery rider na naging bayani ng lansangan at kinalaban ang isang malaking sindikato.

Bukod kay Ruru, na gumaganap sa role ni Elias, kabilang din sa cast sina Jon Lucas (Calvin), Yassi Pressman (Vanessa), Roi Vinzon (President William), Rio Locsin (Nanay Alma), Raymond Bagatsing (Señor Edgardo), Philip Salvador (Mariano), Jak Roberto (Moises), Herlene Budol (Pretty), Empoy Marquez (Oka), at marami pang iba.

Read: Pilot episode ng Black Rider, kumasa ba sa Batang Quiapo?

THE FINALE WEEK

Nagyong Lunes, July 22, 2024, magsisimula ang finale week ng 2024 New York Festivals bronze medalist at 2024 Gandingan Awards Most Development-oriented Drama Program na Black Rider.

Black Rider poster finale week
Photo/s: Courtesy: GMA Corp. Comm
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa ginanap na Zoom media conference noong July 13, 2024, excited ang halos lahat ng cast sa finale week dahil kahit sila ay hindi rin alam ang kahihinatnan ng istorya.

Zoom conference Black Rider
Photo/s: Courtesy: GMA Corp. Comm

Saad ni Rio, "Ako rin, aabangan ko kasi hindi ko rin alam kung anong mangyayari kasi wala naman kaming hawak na buong script. Kaya parang iba-iba yung kuwento namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kaya ako ay looking forward kung ano pa ang magiging tahi ng bawat isa dun sa kuwento namin, kasi siyempre tatahiin dahil inumpisahan mo kaya may ending.

"At kaabang-abang kasi papano ba umikot ang takbo sa buhay ng bawat isa. Kasi kailangan may kapatawaran, merong pagbibigayan, merong pagmamahalan.

"Lahat po yan tatahiin namin. Kaya kaabang-abang dahil sinubaybayan niyo po ito simula unang araw, siyempre kailangang malaman ano ang magiging resulta, ano ang kahuli-hulihang araw na mangyayari para sa Black Rider?

"Kaya po talagang kaabang-abang kasi sa dami ng characters na pumasok, lumabas, maraming-maraming maaari pang mangyayari. Kaya yun po ang aabangan natin."

Dagdag naman ni Herlene, "Kung araw-araw po kayong nanonood ng Black Rider, alam niyo na po talaga na every day ay may palaging may pasabog.

"At saka sure ako na matutuwa, maiiyak, lahat ng emosyon, parang Inside Out 2 yung magiging emosyon niyo.

"Lahat nung karakter na nasa utak niyo ay lalabas talaga. So, ganun yung atake.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Wala na akong ibang sasabihin baka madulas ako sa kadaldalan ko, baka hindi na ako makakabalik sa pangalawang Black Rider.

"Basta doon, tatapusin ko doon—malupit, maangas, kaabang-abang, pasabog, bongga."

Ayon naman ay Raymond, "Kailangan pong abangan ang finale dahil there's so many things to… maraming revelations.

"Basta in a few words, it's intense, it's passionate, it's exciting, full of action, full of hearts, marubdob, madamdamim, mapagmahal."

Read: Ruru Madrid "starstruck" working with top action stars for Black Rider

WILL ELIAS GUERRERO GETS JUSTICE?

Si Jon, bilang Calvin, ang isa sa kontrabida sa buhay ni Elias.

Ano ba ang kahihinatnan ng banggaan nila sa huli?

Sabi ni Jon, "Kailangan niyo ito abangan dahil, unang-una, ang paghahanap ni Elias Guerrero ng hustisya para sa kanyang mga mahal sa buhay.

"Alamin niyo po sa finale week kung makakamit ba niya ito o patuloy na magtatagumpay ang kasamaan."

Black Rider behind-the-scenes finale
Photo/s: Courtesy: GMA Corp. Comm
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon naman kay Yassi, "Siyempre po, gusto po naming magpasalamat sa lahat po ng mga sumusuporta from Day 1.

"And I honestly say thank you to the whole team for all the hard work. Talaga pong pinagbubutihan po namin kada taping.

"Hindi na po namin iniisip yung pagod o puyat and yung regular po na trabahao, basta nakikita po namin ang mga comments po ninyo at naririnig po namin kayo.

"Kaya naman talaga maaasahan po ninyo ang napakalupit na finale po talaga na punung-puno po ng mga twists na kahit po kami, nung binabasa po namin, nakakagulat.

"At magpapa-fast forward po ang mga mangyayari the next few weeks kaya kahit isang episode po, hindi po talaga dapat palagpasin."

Black Rider behind-the-scenes finale
Photo/s: Courtesy: GMA Corp. Comm
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi naman maialis kay Ruru ang labis-labis na kasiyahan na pinagkatiwalaan siya ng GMA sa ganitong kalaking proyekto.

Kaya naman nangangako siya at ang buong produksiyon ng isang bigating finale ng Black Rider.

Aniya, "Ever since nagsimula naman po kami, ang aming hangarin lamang po talaga ay makapagbigay ng entertainment and inspirasyon every single night na pinapalabas po kami.

"So, kung sa una ay nakita naman po natin yung mga pagsubok na pinagdaanan po ni Elias at ng kanyang pamilya at ng kanyang mga kaibigan.

"Pero ngayon po na nalalapit na po ang aming finale, asahan niyo na dito na po natin makikita kung totoo nga bang makakapaghiganti pa si Elias doon sa mga taong sumira sa buhay niya, lalung-lalo na dun sa kanyang mortal enemy na si Calvin na talagang kahit na anong mangyari ay para bang napakaraming buhay, e.

Black Rider behind-the-scenes finale
Photo/s: Courtesy: GMA Corp. Comm
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ilang beses na silang nag-aaway pero hindi pa rin niya nakakamit ang hustisya. Pero yun nga ba talaga ang hustisya para sa kanya?

"At siyempre, hindi lamang po iyon, ang relationship po sa kanyang pamilya. Yung revelation na nalaman niyang ama niya ang leader ng Golden Scorpion na si Señor Edgardo [Raymond Bagatsing]. Tatanggapin niya ba ito bilang kanyang ama?

"At magiging masaya nga ba ang kanyang pamilya? So, napakarami, at the same time magsasama-sama nga ba ang taga-Palangga na kanyang pamilya na akala niya ay wala na?

"So, napakarami po nating aabangan dito sa aming heroic finale. Talagang busog na busog po ang ating mga manonood because kahit siyempre malungkot isipin na matatapos na kami, ganun po talaga, may mga pagkakaton na kailangan nating tapusin para po sa mas malaki pang kapalit nito.

"Malay po natin, anytime soon ay biglang magkakaroon ng Black Rider Book 2, at yun po ang dapat nating abangan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Huwag kaligtaang tutukan ang heroic, action-packed finale week ng Black Rider simula ngayong gabi, July 22, 8 P.M. sa GMA Prime, with simulcast sa Pinoy Hits livestream via Kapuso Stream at GMA Public Affairs’ YouTube and Facebook accounts.

May delayed telecast din ito sa GTV ng 10:05 P.M.

Mapapanood naman ito ng Global Pinoys sa GMA Pinoy TV.

Read: Ruru Madrid thanks Black Rider cast and crew

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Black Rider will have its explosive and action-packed finale week beginning July 22, 8 P.M., on GMA Prime. Ruru Madrid, Yassi Pressman, and other stars promise a heroic finale of GMA's award-winning primetime series.
PHOTO/S: Courtesy: GMA Corp. Comm
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results