Kamakailan ay naintriga sa isa't isa ang Darna lead star na si Jane de Leon at ang Kapuso actor na si Rob Gomez.
Read: ABS-CBN's Darna: Ten years in the making
Ito ay matapos lumabas ang video kung saan makikitang kumakain ng ichiran ramen ang aktres sa isang restaurant sa Taipei, Taiwan.
Ang video ay nahaluan ng malisya nang sa kalagitnaan ng pagkain ni Jane ng ramen ay biglang sumilip si Rob, na noong mga oras na iyon ay nasa tabi lamang ng aktres.

Kay Jane mismo galing ang video na in-upload niya sa Instagram nung June 30, 2024.
Read: Jane de Leon: Rise of the next-generation Darna
Marami tuloy ang nagtatanong kung may namamagitan ba kina Jane at Rob.
JANE SETS THE RECORD STRAIGHT
Sa panayam kay Jane na umere sa TV Patrol nung Biyernes, July 19, 2024, ay itinanggi nitong nagdi-date sila ng aktor.
"Nung time na may na-upload ako, minsan na nga lang mag-upload sa Instagram, nahagip ‘to si Rob. ‘Di namin alam na nagka-article na kami," paliwanag ng aktres.
Dagdag pa nito, "I feel bad lang rin kay Rob kasi nagso-sorry siya sa akin. Sabi niya sa akin, ‘Jane, nadamay ka pa.'"
Nauna nang naiulat dito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na kaya magkasama sina Jane at Rob sa Taiwan ay dahil co-stars sila sa horror film na Strange Frequencies: Haunted Hospital.
Isang ospital sa Taiwan ang setting ng kuwento ng nabanggit na pelikula kaya nandun ang dalawa para mag-shoot ng mga eksena.
Read: Rob Gomez at Jane de Leon, biktima ng maling akala
Ang Strange Frequencies: Haunted Hospital ay Philippine adaptation ng South Korean movie na may pamagat na Haunted Asylum.
Kasama rin sa pelikula sina Enrique Gil, Alexa Miro, at MJ Lastimosa.
Napili itong official entry sa Metro Manila Film Festival 2024.
Read: I Am Not Big Bird: A wild sausage fest of sorts
JANE IS OPEN TO FALLING IN LOVE
At dahil nasa usapin na rin ng buhay pag-ibig ay tinanong si Jane kung kumusta ang puso nito sa kasalukuyan.
"May mga nagpaparamdam naman. I’m open about it,” sagot ng aktres.
Samantala, kung tahimik ang love life ni Jane ay kabaliktaran naman ang kay Rob.
Nito lang ay nabalitang engaged na ang ex-girlfriend ni Rob na si Shaila Rebortera sa non-showbiz boyfriend nito.
Agosto ng nakaraang taon nang masangkot si Rob sa kontrobersiya matapos na isiwalat ni Shaila na meron na silang anak.
Ito ay tila sagot ng beauty queen sa naging pahayag ni Rob sa interview niya sa Fast Talk with Boy Abunda na "single" siya.
Read: Beauty queen reveals she has daughter with actor Rob Gomez
Matapos nun ay lumutang naman ang espekulasyong sinaktan ni Rob si Shaila matapos maglabas ang huli ng mga larawan ng isang braso na may mga pasa.
Disyembre naman nang kumalat online ang screenshots ng diumano'y private messages ni Rob kina Herlene Budol at Bianca Manalo na kasama niya sa seryeng Magandang Dilag.
Read:
Herlene Budol explains context behind private convo with Rob Gomez; says, “Indi ako hayok sa laman.”