Punung-puno ng congratulations ang Instagram Reels ni Sheryl Cruz, 50, tungkol sa "hard launch" niya ng bagong boyfriend.
Isang gallery ito ng mga photos na kuha habang namamasyal siya sa Turkiye.
Dalawa sa photos ay kaakbay niya ang isang foreigner. Pareho silang naka-white.
Ang caption ng aktres, "Breathtaking sites of Side, Turkey"
Read: Sheryl Cruz, inaming may apat na suitors ngayon
View this post on Instagram
Sinundan niya ito ng bagong Reel kung saan makikitang namamasyal pa rin siya sa Turkiye kasama ang ilang kaibigan at gayundin ang nasabing lalaki.
Caption niya, "Beautiful Side, Turkiye"
View this post on Instagram
WHO IS THE GUY IN SHERYL CRUZ'S REELS?
Maraming naka-tag na accounts sa mga posts ni Sheryl kaya mahirap tukuyin kung sino ang lalaking kasama niya.
Pero sa pagsasaliksik ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), nalamang Erhan Sarikaya ang pangalan ng lalaki na isang professional tour guide doon.

Wala pang ibang post si Sheryl tungkol sa lalaki.
Read: Sheryl Cruz, inalok ng kasal noon ni Anjo Yllana
SHERYL CRUZ's FOUR SUITORS
Sa huling panayam kay Sheryl ng PEP Troika nitong nakaraang June 2024, inamin niyang meron siyang apat na manliligaw.
Buong ningning na kuwento niya, "Actually, merong apat na manliligaw pero they’re not here from the Philippines.
“With the permission of my daughter, I do communicate with them. Hindi ko naman dini-deny.
"But, you know what, it’s so difficult for me to have another whirlwind romance, because I’m not that age anymore na 20s ako, 25.
“Because, you know, pag ganun ka kabata, then you have the second chance.”
Marami raw siyang natutunan sa nakaraang relasyon, kayamas maingat siya bago pumasok sa panibagong relasyon.
“At my state and time right now, my age right now, marami na rin akong pagsubok na actually kinasangkutan or na-experience sa buhay o pinagdaanan. Ayoko na ma-experience pa uli as much as possible."
Si Sheryl ay hiwalay sa dating asawang si Norman Bustos, na siyang ama ng kanyang unica hija na si Ashley Nicole Bustos.
Dati niyang nakarelasyon ang aktor na sina Anjo Yllana, at na-link sa co-star niya noon na si Jeric Gonzales.
Read: Sheryl Cruz, ex-husband Norman Bustos reunite for daughter Ashley's college graduation
