Successful ang 30th anniversary concert ni Ara Mina, ang All of Me, na idinaos sa Newport Performing Arts Theater, Newport World Resorts, Pasay City, noong July 11, 2024.

Halos puno ang venue kahit na-postpone noong una ang concert dahil sa busy schedule ni Ara.
Sa lobby ng theater, naka-display ang maraming trophies ni Ara sa loob ng tatlong dekada niya sa showbiz.
Read: Ara Mina: The star who had 4 screen names conquers acting, singing, even baking
Ganundin ang gowns at outfits na ginamit niya sa ilang pelikula at TV shows, kabilang na ang controversial gown niya sa Mano Po, na entry ng Regal Films sa 2002 Metro Manila Film Festival.

Read: Ara Mina wows in 2002 version of low-back gowns worn by Kim Kardashian, Beyoncé
THE PERFORMERS
Opening number ni Ara ay ang pinasikat niyang kanta na" Oops, Teka Lang" at "Kung Kailangan Mo Ako."
Kinanta rin niya ang "Ay, Ay, Ay, Pag-ibig", na ginawan ng anniversary remix ng Star Music Ph.
May tribute din siya sa asawang si Dave Almarinez, sabay ang pagtawag ni Ara sa una niyang guest na si Martin Nievera.
Kinanta nila ang "Forever."

Sunod na naka-duet ni Ara ay si Ogie Alcasid kung saan kinanta nila ang "Bakit Ngayon Ka Lang."

Inawit din ni Ara ang ilan sa theme songs ng mga proyektong kinabibilangan niya mula noon hanggang ngayon.
Kabilang na rito ang mga kanta sa mga seryeng Kung Mawawala Ka (2002, GMA-7), Prinsesa ng Banyera (2007, ABS-CBN), at FPJ's Ang Probinsyano (2015-2022, ABS-CBN).

Nag-duet din sila ni Senator Bong Revila ng awiting "Kumusta Ka."
Si Bong ang leading man ni Ara sa upcoming film na Alyas Pogi 4.

Nagbigay-pugay rin si Ara sa inang si Venus Imperial.
Dumating naman si Brod Pete, na kasamahan ni Ara sa kanyang unang comedy show sa telebisyon na Super Klenk (1999).
CRISTINE REYES AND DAUGHTER AMANDA
Naging emusyonal naman si Ara sa number nila ng kapatid na si Cristine Reyes.
Pinatunayan ng dalawa na fans talaga sila ng international singer na si Taylor Swift dahil ilan sa kinanta nila ang mga awitin ng sikat na American singer.

For the first time, nag-perform sa harap ng publiko ang anak ni Ara na si Amanda Gabriel "Mandy" Meneses.
Inawit nilang mag-ina ang kantang "A Thousand Years" ni Christina Perri.

Hindi rin nagpaawat si Ara na tumugtog gamit ang piano. Pinag-aralan daw talaga niya ito para sa concert.
Tinugtog at inawit niya ang "Always Remember Us This Way" ni Lady Gaga.

Tinapos ni Ara ang halos dalawang oras niyang konsiyerto sa pamamagitan ng electrifying songs, kabilang na ang "Poker Face," "Last Dance," at "Born This Way."

Read: Ara Mina says husband Dave Almarinez eager to have a baby
