PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Barbie Forteza explores the world of Bodabil in Pulang Araw

Barbie Forteza on Bodabil: "Napakakulay, napakalayo sa mundo ng giyera."
by Arniel C. Serato
Published Jul 18, 2024
Barbie Forteza talks about Pulang Araw
Actress Barbie Forteza is very excited for the airing of 2024 biggest war drama series Pulang Araw, the first collaboration of GMA and Netflix Philippines.
PHOTO/S: Arniel Serato

Ginanap ang bonggang advance screening ng Pulang Araw, ang biggest drama war series of 2024, na first colab ng Netflix at GMA Network, noong July 9, 2024, sa Manila Peninsula Hotel, Makati City.

Dito ay ipinakilala ang main characters ng teleserye.

Pinangungunahan ito nina Alden Richards, na gumaganap sa role ni Eduardo dela Cruz; Barbie Forteza at Sanya Lopez, na gumaganap bilang half-sisters at aspiring Bodabil stars na sina Adelina Cruz at Teresita Borromeo, respectively; at si David Licauco, na ginampanan ang character ni Hiroshi Tanaka, isang anak ng Japanese immigrant sa Pilipinas.

Nasa cast din si Dennis Trillo, bilang Co. Yuta Saitoh, isang Japanese army officer.

Umiikot ang kuwento ng Pulang Araw sa buhay at pakikipagsapalaran ng mga Pilipino noong World War II.

Pulang Araw cast
Photo/s: Arniel Serato
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

BARBIE FORTEZA

Sa ginanap na presscon bago ang screening, nagkuwento ang cast ng kanilang mga karanasan sa taping ng Pulang Araw.

Kapansin-pansin ang paggamit nila ng purong wikang Filipino sa kanilang mga kasagutan.

Pahayag ni Barbie: "Una sa lahat, nais kong magpasalamat sa lahat po ng mga dumalo ngayong araw na ito, maraming-maraming salamat.

"Noong una ko pong nalaman na magiging parte ako nitong programa ito, iba pong klase po talaga yung tuwa na nararamdaman ko.

"Tapos noong nalaman ko pa kung sinu-sino ang makakasama ko, lalo akong natuwa at lalo akong nasiyahan dahil lahat po sila ay malapit sa aking puso.

"Lalo na ang aming direktor, si Direk Dominic Zapata, masayang-masaya ako na makatrabaho sa seryeng ito.

"At sobrang gaan, kung ano ang ikinabigat po ng storya at material namin, yun ang kinagaan ng buong produksiyon tuwing kami ay nagti-taping dahil po kay Direk Dom.

"At siyempre sa aming lahat. At gusto ko rin pong magpasalamat sa tiwala at suporta na ibinibigay ng Netflix, dahil ito po ang unang-unang partnership ng Netflix at GMA.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kaya maraming-maraming salamat po. Katunayan niyan, ang programa po namin ay una nating mapapanood sa Netflix. Kaya maraming salamat po."

THE WORLD oF BODABIL

Isa sa highlights ng Pulang Araw ay ang mundo ng Bodabil, isang sikat na uri ng entertainment bago pa sumiklab ang ikalawang digmaang pandaigdig.

Saad ni Barbie, "Yun po ay isa sa mga malalaking istorya po dito sa programang ito, at malaki po talaga ang parte ng Bodabil na pagsasamahan po namin ang aking Ate Teresita [Sanya] dito.

"Napakakulay, napakalayo sa mundo ng giyera. Kahit sa buhay, kahit anong kinakakarap na problema o paghihirap, lahat yun kakalimutan mo.

"Kasi the show must go on. Yun ang ibig sabihin ng Bodabil.

"Tayo po ay magdibigay-aliw sa gitna ng kahirapan ng mga Pilipino ng mga panahon ng pananakop ng Hapon sa atin.

"Kaya abangan niyo rin po yan. Napakaganda po ng Bodabil dito sa programang ito."

Dagdag naman ni Sanya, "I-repeat ko lang po, siguro naman kung bakit namin huhugutin itong istoryang ito ay pagbabalik-tanaw natin, pagbibigay ng respeto dun sa mga taong nakaranas ng giyera noong panahon na yun.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Na hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa kanila yung pangyayari.

Sanya Lopez on Bodabil
Photo/s: Arniel Serato

"Itong kuwento na ito ay hindi para ibalik sa kanila yung sakit, kundi ipaliwanag sa ating bagong henerasyon ngayon kung gaano kahalaga yung history, yung World War 2, kung sino yung mga dapat bigyan natin ng respeto at kung bakit dapat tayong magpasalamat kung bakit meron tayong kalayaan ngayon."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mapapanood na ang world premiere ng Pulang Araw sa Netflix sa darating na July 26, 2024, at sa GMA Prime naman sa darating na July 29, 2024.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actress Barbie Forteza is very excited for the airing of 2024 biggest war drama series Pulang Araw, the first collaboration of GMA and Netflix Philippines.
PHOTO/S: Arniel Serato
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results