Hindi napigilan ni Ruru Madrid na maging emotional nang mag-celebrate ng first anniversary ang buong production ng Black Rider.
Nagsimula ang production ng GMA Prime action-serye noong July 2023, at inabot ng ilang buwan ang taping hanggang umere ang pilot episide noong November 6, 2023.
Ayon kay Ruru, marami silang naranasang aberya sa taping, gaya ng paiba-ibang lagay ng panahon, problema sa schedule ng cast, paghahanap ng maayos na locations, at ang ilang mga hindi inaasahang aksidente sa set.
Pero lahat daw ng mga pagsubok ay bahagi ng tagumpay ng Black Rider.
Read: Black Rider ni Ruru Madrid at Batang Quiapo ni Coco Martin, seesaw ang labanan sa ratings
Ruru's appreciation post
Nag-share si Ruru sa kanyang Instagram account ng ilang photos mula sa pagsisimula ng taping ng kanilang series.
Kalakip sa post na ito ang kanyang mahabang mensahe para sa lahat ng mga kasamahan at mga Kapuso viewers na tumutok gabi-gabi sa Black Rider.
"Isang taon na naman ang lumipas…
“Sadyang napakabilis ng panahon. Parang kailan lang sinisimulan pa lang natin gawin ang programang ito. Tapos ngayon, ito na, ilang araw na lang ang natitira para gawin natin ang isa sa pinakaminahal nating proyekto.
"Napakarami kong natutunan sa loob ng isang taon. Maraming bagong kaibigan at mga kasama na siyang nagbigay ng aral at inspirasyon sa akin para lalong pagbutihin ang aking ginagawa.
"Hindi man sa lahat ng pagkakataon, nakakasama at nakakausap ko kayo, pero sobra akong nagpapasalamat sa bawat isa na naging parte ng proyektong ito.
"Hindi man naging madali ang ating pinagdaanan sa loob ng isang taon, napakaraming pagsubok at problema ang ating hinarap, pero kinaya natin ito… dahil magkakasama tayong lahat at walang bumitaw.
"Kung bibigyan ako ng pagkakataon muli na pumili kung sino ang gusto kong makasama sa proyektong ito, kayo pa rin ang pipiliin ko. Kahit na mahirap ang ating lalakbayin, alam ko na kakayanin natin.
"Kaya muli, maraming salamat sa inyo sa pagmamahal, suporta, at talento na inyong ibinigay para dito sa Black Rider. Mahal ko kayo!
"Salamat din po sa inyong lahat na manonood para sa pagsama sa aming byahe sa loob ng halos isang taon. Ang inyong suporta ang dahilan kung bakit po kami tumagal ng ganito.”
Read: Rio Locsin clarifies what happened in viral Black Rider BTS video
Nagbigay naman ng comments sa post ni Ruru ang kanyang co-stars na sina Ms. Rio Locsin, Matteo Guidicelli, Janus del Prado, Raymart Santiago, Pipay, Jayson Gainza, at Jestoni Alarcon.
Maging si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes ay nag-comment sa post ni Ruru: “Congratulations, bro. We are all proud of you and your whole BR team.”

ruru madrid after starring in black rider
Sa naganap na Zoom media conference para sa finale ng Black Rider last July 13, 2024, masayang sinabi ni Ruru na na-achieve ng kanilang show ang goal nito na makapaghatid ng aral at kakaibang entertainment sa prime time.
"I would say this is the longest serye na nagawa ko.
"Throughout the journey ng paggawa po namin ng Black Rider, napakarami pong lessons. Napakarami kong natutunan dito sa proyektong ito na alam kong dadalhin ko sa mga susunod pang proyekto na gagawin ko.
"My goal is to entertain people, but, at the same time, gusto ko lagi akong may naiiwang marka sa kanila at yun yung inspirasyon na nais kong ipamahagi sa kanila. Napakasarap po sa puso.
“Siguro I would say ngayon, dahil nga sa lahat ng mga natutunan ko dito, mas alam ko na kung ano pa yung mga susunod kong gagawin sa mga susunod ko pang proyekto," pahayag ni Ruru na ipinagmamalaki rin ang mga nakuhang awards ng show, tulad ng 2024 New York Festivals bronze medal at 2024 Gandingan Awards Most Development-oriented Drama Program.
Dahil malapit na ang pagtatapos ng Black Rider, mapaghahandaan na ni Ruru ang rehearsals para sa Sparkle World Tour 2024.
Sa September 1, makakasama ni Ruru sina Bianca Umali, Rayver Cruz, Julie Anne San Jose, Jillian Ward, Ken Chan, and Betong sa Tokyo, Japan.
Very special daw para kina Ruru at Bianca ang bansang Japan dahil doon daw sila unang nagbakasyon noong naging official na ang kanilang relasyon.
