PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ka.Seen.Halaga aims to break misconceptions about HPV

"Maraming tao ang aware about HIV, hindi ang HPV."
by Julie E. Bonifacio
Published Jul 12, 2024
Ka.Seen.Halaga (HPV, Out!) play to premiere on July 14, 2024
Phi Palmos, Angela Maghanoy, Director Rodel Mercado, Liza Magtoto, and Migui Moreno at the presscon of Ka.Seen.Halaga (HPV, Out!), a play that aims to raise awareness about HPV.
PHOTO/S: Julie Bonifacio

Ang Ka.SEEN.halaga (HPV, Out!) ay ang bagong teatrikong palabas tungkol sa human papilloma virus o HPV.

Mapapanood ito sa RCBC Theater sa Makati City sa Linggo, July 14, 2024.

Read: Maris Racal confirms breakup with Rico Blanco

Mula sa Frontline Production Inc. at sa direksyon ni Rodel Mercado, ang Ka.SEEN.halaga (HPV,Out!) ay binubuo ng tatlong acts: Ang “Girltok” na sinulat ni Julia Enriquez, “Para Kay John” ni Joshua Lim So, at “Ka.SEEN.halaga” ni Liza Magtoto.

Ayon kay Direk Rodel, nabuo ang proyekto dahil sa nauna niyang play, ang Ward 449, na layuning magbigay ng kaalaman tungkol sa AIDS.

Nakarating daw ito kay Dr. Jasmin Flores ng Rotary Club of South San Francisco California, at ito ang humikayat sa direktor na gumawa naman ng play para magbigay-kaalaman sa HPV.

"Kaya po ang title namin is HPV, Out! kasi hindi siya napapag-usapan. So, maraming tao ang aware about HIV, hindi ang HPV," saad ni Direk Rodel."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Ka.Seen.Halaga (HPV, Out!) play to premiere on July 14, 2024 at RCBC Theater

Ang HPV, ayon sa myclevelandclinic.org, ay sexually transmitted infection o nakukuha dahil sa skin-to-skin contact sa genital area na apektado nito.

Ang ibang HPV strain ay delikado, dahil kung hindi maagapan ay maaaring mauwi sa cervical cancer sa babae. Maaari ring makakuha ng ibang uri ng cancer ang mga lalakeng may HPV.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Maaari itong iwasan sa pamamagitan ng HPV vaccine.

Humarap si Direk Rodel at ibang creators sa mediacon noong Hunyo upang ipaliwanag ang play na layuning magbigay-kaalaman sa HPV.

Ang cast members ng Ka.SEEN.halaga (HPV Out!) ay sina Migui Moreno, Phi Palmos at Angela Maghanoy.

At ang kanilang alternates ay sina Blaisdel Caloycoy, Twinkle Santiago, at Zhyra Villanueva.

Kasama.rin sina Rian Aragon, Jannelle Ariza, Rachel Pullom, Ricjun Aguillera, Cristian Datiles, Daven Noveno, Jon Galvez, Zach Pracale, William Orcullo Jr., Rachel Baldomaro, Karina Macaspac, Nico Librojo, at Caleb Alvarez.

Ibinahagi ni Liza, isa sa writers ng play, ang proseso sa pagsulat ng play.

Binigyan daw siya ni Rodel ng apat na lead characters—isang teenager, isang lalaki, isang transgender woman, at isang lesbian—upang maging gender-inclusive ang play.

Mula rito ay saka raw nabuo ang istorya.

Lahad ni Liza: "Kasi nga, gusto kong basagin yung idea na ang babae ang nagko-cause ng HPV o sa kanya nanggagaling, pero sa lalaki rin.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"And nagsa-suffer din sila ng iba’t ibang cancer brought about by HPV.

"And then, sa kanya rin nanggaling yung idea ng transgender woman na character."

Tatlong writers ang nag-develop ng tatlong acts ng play.

Patuloy ni Liza: "So, supposedly monologue. Kaya lang, challenging din siyempre for the audience especially for the students na puro monologue.

"So, maganda rin na merong ka-interact yung ibang actors or characters.

"And then, nagbatuhan kami ng mga ideas."

Nag-interbyu si Liza ng trans woman para mabigyan siya ng background sa pinagdadaanan sa buhay ng isang trans woman.

"Tapos ayun, ang laki ng tulong para makapasok sa pag-iisip, yung stigma na nararanasan nila in relation to health issues like HPV or HIV," dagdag ni Liza.

Layunin daw ng play na "mabasag ang mga myths surrounding HPV."

Patuloy ni Liza, "And that is not only a medical issue but an issue dahil sa kultura natin. Ayaw nating mag-usap tungkol dito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"So, mas yun yung palilitawin natin. Lahat tayo nahihiya about it."

Read: DJ Mo claims Angelicopter dumped him on their wedding anniversary

MISCONCEPTIONS ABOUT HPV

Isa sa misconception sa HPV ay nakukuha ito sa toilet seat o kaya ay dala ito ng urinary track infection.

May paniniwala din ang iba na para sa mga babae lang ang HPV, pero maari rin itong makuha ng lalaki at LGBT person.

“Pero iba po ang kulugo sa mukha, ha. Kasi po maraming variants ang HVP. Nasa 15 variants po," saad ni Direk Rodel.

Bahagi ng advocacy ng play ay maipakalat ito sa mga estudyante kaya magkakaroon ng campus tour para rito.

Paliwanag pa ni Direk Rodel: "Kasi ngayon ang may HPV as early as 13, 14, 15.

"Ngayon, ang HPV kasi may dormant period which is five years to 15 years... This is based on research at ang aming consultant ay si Dra. Jasmin Flores."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi raw agad nakikita ang sintomas ng cervical cancer dala ng genital HPV.

"So, kaya maraming kababaihan ang namamatay sa cervical cancer, nadi-discover nila na sila ay may cervical cancer, matanda na.

"Kaso ang incubation period or ang dormant period is 15 years pag pumasok na sa katawan mo ‘yung virus.

"At ang HPV sa lalaki, puwede kang tamaan ng throat cancer, okay?"

Binanggit ni Direk Rodel na halimbawa ang Hollywood actor na si Michael Douglas.

Sa panayam kay Michael ng The Guardian noong 2013, umamin ang aktor na nakuha niya ang kanyang throat cancer dahil sa HPV dala ng oral sex. Gumaling daw siya matapos sumailalim sa chemotherapy.

Patuloy ni Direk Rodel: “Tapos sa LGBT community, puwedeng magkaroon ang isang tao ng anal cancer.

"Ang isang lalaki ay puwede ring magkaroon ng penal cancer. At ang babae ay cervical cancer.

"Actually, this is not a new information, [pero] makabago ito sa Pilipinas para pag-usapan. Kaya nilalalakasan namin ang aming loob."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Aktor, kumpirmadong break na sa aktres; may bagong karelasyon

HPV VACCINE

Ayon kay Direk Rodel, may available na free HPV vaccine sa Pilipinas para sa mga batang may edad hanggang labindalawang taong gulang.

PHP8,000 hanggang PHP9,000 ang estimated cost ng HPV vaccine para sa edad 13 pataas.

Sa huli, nanawagan si Direl Rodel na panoorin ang kanyang play dahil bukod daw sa health education ay may entertainment value raw ang play.

May bahagi ng proceeds mula sa tickets ay ido-donate para sa HPV vaccine.

"Nag-iipon ang Rotary South San Francisco ng malaking halaga para makabili ng vaccine at ma-rollout dito sa Pilipinas.

"Kasi, the government, limited lang talaga ang kaya nilang bigyan ng free vaccination.

Magkakaroon ng campus tour ang Ka.SEEN.halaga (HPV Out!) sa buwan ng September.

Makakabili naman ng tiket para sa July 14 matinee and gala shows sa ticket2me.net.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Phi Palmos, Angela Maghanoy, Director Rodel Mercado, Liza Magtoto, and Migui Moreno at the presscon of Ka.Seen.Halaga (HPV, Out!), a play that aims to raise awareness about HPV.
PHOTO/S: Julie Bonifacio
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results