Ikinagulat ni Miss Universe 1969 Gloria Diaz ang reaksiyon ng publiko sa naging tanong niya sa kandidata ng Calumpit, Bulacan, na si Roella Solis sa Top 15 question-and-answer portion ng Binibining Pilipinas 2024.
Isa si Gloria sa mga umupong hurado sa 60th edition ng Binibining Pilipinas.

Ginanap ang Binibining Pilipinas 2024 coronation night sa Araneta Coliseum, noong Linggo, July 7, 2024.
Read: Binibining Pilipinas 2024 winners
Bukod sa highlight ng event na pagsasama-sama ng mahigit 100 former titleholders ng Binibining Pilipinas para sa diamond jubilee ng national beauty pageant, pinag-usapan din online ang ilang eksena sa question-and-answer portion.
Read: Binibining Pilipinas 2024 sidelights: sino ang mga agaw-eksena?
Kabilang na rito ang naging tanong ni Gloria kay Calumpit, Bulacan candidate Roella Solis.
Tanong ng dating Miss Universe, "What do you think, what physical asset do you have that should make you win Binibining Pilipinas?"
Sagot sa kanya ni Roella, "As a beauty queen and as a woman of vision, I am here to present you the best version of myself despite of having pivotal losses. Eight days ago, my grandmother died, and I hope and I know that she's in heaven watching me and proud of me that she has the best seat in heaven, watching me over. Thank you."
Ngunit tila hindi kumbinsido si Gloria sa naging sagot ni Roella kaya't muli niya itong inulit ang tanong.
Paglilinaw ni Gloria, "What physical asset do you have?"
Nakangiti at game naman itong sinagot muli ni Roella.
Aniya, "What physical asset I have is I am beautiful. Aside from that, I have a mission and vision in life that makes me apart from the other candidate[s]. Thank you."
Read: Binibining Pilipinas 2024 Question and Answer
NETIZENS REACTION
Mabilis nag-trending sa social media ang video clip kunsaan nagtatanong si Gloria at sumasagot si Roella.
Para sa ilang manonood at fans, talagang mahirap kapag si Gloria raw ang nagtatanong.
May ilan pang nagsabing "curse" o sumpa kapag ang kandidata ay natapat kay Gloria dahil aakalain mo raw na nasa crime scene ka na sumasagot sa mga tanong.
Tweet ng isang netizen (published as is), "gloria diaz always at the crime scene."
Sabi pa ng isa, "Gloria Diaz is such a character. She should always judge beauty pageants and ask those hard questions."
Saad ng isa, "BAKLAAA SI GLORIA DIAZ NANGGIGIL SA SAGOT NI NUMBER 13 TINANONG ULIT AT TINAWANAN."
GLORIA DIAZ REACTS
Sa panayam ni Gloria sa TV Patrol noong July 8, iginiit niyang hindi matatawag na mahirap ang naging tanong niya kay Roella.
Sabi niya, "Hard ba yun? Ang dali-dali na nga. Simple nga, e.
"Sabi ko ang dali-dali, 'Okay, this is an easy question,' di ba, that’s what I said?"
Bagay na sinang-ayunan naman ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach, na noong oras ng interbyu ay nasa tabi ni Gloria.
Ani Pia, "Minsan kasi yung mga tanong na simpleng pakinggan, ayun yung mas mahirap."
Read: Gloria Diaz, naninindigang para sa mga totoong babae lang dapat ang Miss Universe
OTHER BEAUTY QUEENS CHIME IN
Nahingan din ng reaksiyon ng TV Patrol ang iba pang hosts ng coronation night tulad nina Miss International 2016 Kylie Verzosa at Miss Grand International 2016 1st runner-up Nicole Cordoves tungkol sa naging tanong ni Gloria.
Iisa ang naging sagot nina Nicole at Kylie—intimidating para sa kanila kapag kaharap si Gloria lalo na kapag nagtanong ito.
Sabi ni Nicole, "Totoo, walang makakalagpas kay Gloria Diaz. Parang nakakatakot siya and intimidating. Queen na queen talaga siya, e."
Dagdag naman ni Kylie, "I agree, she is intimidating talaga. Tapos pinapalit pa niya ang questions, it’s so hard."
Gloria Diaz Q&A curse?
Samantala, dahil sa nangyari kay Roella, muling binalikan ng netizens ang nag-viral din noong tanong ni Gloria sa Binibining Pilipinas 2001 candidate na si Jeanie Andersen.
Sa kaba, halos hindi makasagot si Jeanie sa tanong ni Gloria na: "If you were given a chance to choose to become beautiful but not too smart or very smart and not too beautiful, what would you prefer to be and why?"

Dahil kitang-kita ang kaba sa mukha ni Jeannie noong mga oras na iyon ay dumagundong ang malakas na palakpakan at sigawan ng audience para siya ay i-cheer.
Bagay na tila hindi kumportable si Jeannie kaya pinatahimik niya ang mga ito nang sabihin niyang, "Quiet, please."
Kasunod ng sagot na: "Well, I’d rather choose to be beautiful because to be beautiful, it’s natural but being smart, you can learn a lot of things, you can learn from the experience, you can learn a lot of things to be smart."
