PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

PNP names mastermind in murder of Geneva Lopez, boyfriend

Geneva Lopez, Yitshak Cohen found dead on a quarry site in Capas last July 6.
by Arniel C. Serato
Published Jul 10, 2024
Michael Guiang, sole mastermind in Geneva Lopez-Yitshak Cohen's murder
PNP spokesperson Police Colonel Jean Fajardo (not in photo) on ex-cop Michael Guiang (face covered) in connection to the murder of Geneva Lopez and Israeli boyfriend Yitshak Cohen (left photo): "Kung may pinakamotibo para patayin itong dalawang biktima ay ito talagang si Guiang. Dahil siya po ang ikitain at siya po ang talagang may motibo para patayin. Dahil gusto po niyang mabawi yung kanyang isinanla na lupa na naremata na nga po."
PHOTO/S: Courtesy: Facebook / PNA on Facebook

Pinangalanan na ang mastermind sa pagpatay sa Pampanga pageant contestant na si Geneva Lopez at Israeli boyfriend nitong si Yitshak Cohen.

Read: Missing beauty queen, Israeli boyfriend found dead in Tarlac

Ayon sa ulat ng 24 Oras ng GMA-7 ngayong Miyerkules ng gabi, Hulyo 10, 2024, lumabas sa imbestigasyon ng pulisya na ang dating pulis na si Michael Guiang ang siyang utak sa pagpaslang sa magkasintahan.

Kasama umano niyang nagplano ang kapwa-pulis na si Rommel Abuso at sibilyang si Jeffrey Santos.

Sina Guiang at Abuso ang sinasabing bumaril kina Lopez at Cohen.

Pahayag ni Philippine National Police (PNP) spokesperson Police Colonel Jean Fajardo, "Kung may pinakamotibo para patayin itong dalawang biktima ay ito talagang si Guiang.

"Dahil siya po ang kikitain at siya po ang talagang may motibo para patayin.

"Dahil gusto po niyang mabawi yung kanyang isinanla na lupa na naremata na nga po at nasa pag-aari na ni Geneva."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sina Lopez at Cohen ay misteryong naglaho noong June 21, 2024 sa Capas, Tarlac.

Pagkatapos ng dalawang linggo, natagpuan ang mga bangkay nila sa isang hukay sa may Capas din nitong nakaraang July 6, 2024.

the murder case

Natunton ng pulisya ang mga labi nina Lopez at Cohen na nakalibing sa isang quarry site dahil sa naunang sumuko na si "Alyas Junjun."

Si "Alyas Junjun" ang nagmaneho sa SUV ng mga biktima para madala kina Guiang at Abuso.

Siya rin ang nagsunog ng SUV.

Isinailalim siya sa kustodiya ng pulisya para sa kanyang proteksiyon.

Read: SUV linked to Geneva Lopez, boyfriend disappearance found

Lahad pa ni Fajardo, "Pagsakay na po niya doon sa SUV ay nagulat siya na may dalawang bangkay na po.

"At sa tabi po ng driver ay nandun po yung babae. At sa likod naman po ay nandun ang lalaki.

"At hindi nakilala itong mga ito dahil according to him, nakabalot po yung kanilang mga mukha.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kahit natatakot po siya, ay dinrive pa rin niya yun."

Read: Belongings of missing Pampanga beauty queen found

Nakilala lamang daw ni "Alyas Junjun" ang mga suspek na sina Guiang at Abuso noong June 21, na araw rin mismo kung kailan pinatay sina Lopez at Cohen.

Nakilala ni "Alias Junjun" ang mga suspek sa pamamagitan ni "Alias Dondon" dahil naghahanap daw ng mekaniko ang mga ito.

Sabi pa ni Fajardo, "He voluntarily surrendered also but pinili po niyang umuwi. Anytime naman daw po siya na kailangan ay makikipag-cooperate naman po siya."

Tatlo pang persons of interest ang hinahanap ng PNP kung saan dalawa rito ay kasama umano sa pagplano ng krimen.

Ang isa naman ang naghukay sa pinaglibingan sa mga labi nina Lopez at Cohen, batay sa salaysay ni "Alias Junjun."

Saad pa ni Fajardo, "Sinasabi po niya na pagdating po nila doon ay may naghihintay na po doon, hindi niya kilala yun at kung sino po ang POI [person of interest] na yan, kung makikita niya ito ay makikilala po niya."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sa Biyernes, July 12, 2024, nakatakdang ilibing ang na-cremate na mga labi ni Lopez.

Pagkatapos daw ng libing ay saka nila aasikasuhin ang imbestigasyon at pagsasampa ng mga kaso, ayon naman sa legal counsel ng mga Lopez.

Samantala, inilipad na patungong Tel Aviv, Israel, ang mga labi ni Cohen ngayong Miyerkules ng gabi.

Umaga pa lamang daw ay inihatid na ng punerarya sa cargo terminal ng airport ang wooden casket ng mga labi ni Cohen.

LAND DISPUTE?

Sa ginanap na media briefing noong Lunes, July 8, 2024, sinabi ni Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) director Maj. Gen. Leo Francisco na maaring pinatay ang magkasintahan dahil sa pagtatalo sa lupa.

Media briefing on two ex-cops suspects in Geneva Lopez-Yitshak Cohen's murder
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Saad ni Franciso, "Yung magnobya ay nagkaroon ng pagkakataon na makipagkita kay Guiang, dahil si Guiang ay may isinanlang lupa kay Geneva at gusto nang bawiin ni Geneva yung lupa kay Guiang.

"In the same manner, sinabi ni Guiang na may buyer din yung lupang isinangla niya at ipapakilala niya ito kay Geneva, itong si Abuso as buyer."

Kasunod daw nito ay nagkita ang apat at binaril ng dalawang dating pulis sina Geneva at Yitshak.

Doon daw sa sasakyang nasunog binaril ang dalawa.

"So, makikita niyo it's a planned activity... so there was that plan of killing.

"So, makikita niyo, ayaw ibigay ni Guiang yung kanyang isinanlang lupa kay Geneva, na gusto nang bawiin ni Geneva.

"And we are collating some more evidence and statement dahil tinitiyak namin na dito nagsimula sa motibo na ito yung pagpatay sa magnobya na ito."

Nakatakdang maghain ng reklamo ang CIDG sa piskalya laban sa mga nasabing persons of interest.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: 2 ex-cops under custody for Geneva Lopez, boyfriend murder

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PNP spokesperson Police Colonel Jean Fajardo (not in photo) on ex-cop Michael Guiang (face covered) in connection to the murder of Geneva Lopez and Israeli boyfriend Yitshak Cohen (left photo): "Kung may pinakamotibo para patayin itong dalawang biktima ay ito talagang si Guiang. Dahil siya po ang ikitain at siya po ang talagang may motibo para patayin. Dahil gusto po niyang mabawi yung kanyang isinanla na lupa na naremata na nga po."
PHOTO/S: Courtesy: Facebook / PNA on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results