PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Is Vilma Santos running again for Batangas governor in 2025?

Vilma Santos reacts to National Artist endorsement from colleagues.
by Gorgy Rula
Published Jul 10, 2024
vilma santos politics
Vilma Santos on National Artist endorsement from showbiz colleagues: "I’m really so, so so grateful, kasi wala na sa pinakamasarap sa isang artista tulad ko na halos lumaki na sa industriya more than 60 years, at madidinig mo ang magagandang salita mula sa mga kasamahan mo sa industriya, sa mga colleagues mo. Diyos ko! Hindi ko maipaliwanag kung ano ang nasa puso ko. Maraming-maraming salamat."
PHOTO/S: Vilma Santos Recto Facebook

Kasalukuyang nagbabakasyon sa Amerika ang Star For All Seasons na si Vilma Santos, pero sinagot niya ang ilang katanungan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa mga isyung kumakalat tungkol sa kanyang political plans.

Ngayon pa lang ay bumubuwelo na ang mga may balak tumakbo sa 2025 mid-term elections dahil sa October 2024 na ang filing ng candidacy.

Ang latest na balita ay babalik daw si Vilma sa Batangas bilang governor.

Read: Ralph Recto says wife Vilma Santos might return to politics

Wala pang katiyakan ito lahat, ayon kay Vilma.

VILMA SANTOS ON RUNNING FOR BATANGAS GOVERNOR

Kahit madaling-araw na sa Los Angeles, California, nag-effort si Vilma na mag-record ng sagot niya sa ilang katanungang ipinadala ng PEP.ph sa kanya.

Saad niya, “Alam mo, 24 years ang ibinigay kong sinserong serbisyo ko sa mga Batangueño.

"Kasi, sila rin ang nagbigay sa akin ng sinserong tiwala para maging isang leader — first-woman mayor, first-woman governor, and then ang kauna-unahang congresswoman din ng 6th district ng Batangas, Lipa City… sobra-sobra.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kagaya raw ng ginagawa niya noon, naghihintay lang siya ng senyales mula sa Panginoon.

“Kung ngayon ay nahihilingan naman nila uli na tumakbo muli na maging nanay ng lalawigan ng Batangas, ito’y ipinagdarasal ko, sa totoo lang.

"Kasi siyempre, ang pagsisilbi, hindi ganun kadali yan. Naranasan ko na yan.

"Talagang dapat ibigay ang puso’t kaluluwa, at talino, pagdating sa pagseserbisyo sa tao.

“Ahhh… dapat maibalik ang tiwalang ibibigay sa yo.

“Ngayon, I’m praying for it… nahihilingan ako... so, I’m praying for it.

“Pag ibinigay naman ni Lord ang sign, like what happened before, I will do it. Pag hindi naman niya binigay, mahirap sumusugal na hindi ka nakahanda.

“So, pinag-uusapan pa rin yan. Tutal ang filing ay sa October pa,” dagdag niyang pahayag.

Si Vilma ay nakatatlong termino bilang mayor ng Lipa City, mula 1998 hanggang 2007.

Nakatatlong termino rin siya bilang governor ng Batangas, mula 2007 hanggang 2016.

Nakadalawang termino naman siya sa kongreso bilang representative ng Lipa City, mula 2016 hanggang 2022.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Aktor PH nominates Vilma Santos for National Artist

VILMA SANTOS ON SONS' POLITICAL PLANS

May balak din daw ang mga anak ni Vilma na sina Luis Manzano at Ryan Christian Recto na pasukin ang pulitika.

vilma santos sons luis ryan christian
Vilma Santos with sons Ryan Christian Recto (lef) and Luis Manzano (right)
Photo/s: GMA Network
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Hindi lang malinaw kung magkakasabay silang tatakbo o kung sino ang mauuna. Pero ang usap-usapan, pinag-iisipan na raw ni Luis na tumakbong vice-governor at sa congress naman daw si Ryan Christian.

Panibagong hamon ito sa kanilang pamilya kung totoong may balak ding tumakbo ang dalawang anak niya.

Sinasabi naman ni Luis na bukas siya sa posibilidad na pasukin ang public service.

Read: Luis Manzano not closing doors on politics

Si Ryan Christian naman ay nakikitang nag-iikot na sa Batangas at malapit talaga ito sa mga tao.

Read: Ralph Recto on son Ryan Christian joining showbiz, politics

Si Luis ay anak ni Vilma sa first husband niyang si Edu Manzano, habang si Ryan Christian ay nag-iisang anak nila ni Finance Secretary Ralph Recto.

Ayon kay Vilma: “Lumaki naman ang dalawang anak ko na 24 years… lumaki na sila… lumaki naman si Ryan na isa na rin akong public servant.

“Alam nila yung trabaho ko, lalo na with Ralph also. Alam nila ang trabaho namin bilang isang public servant, at sa gobyerno.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ngayong naging secretary si Ralph, maraming mga bagay na hindi kayang puntahan ni Ralph. So, nagiging representative niya yung dalawa kong anak—si Lucky at si Ryan.

“Naging open sila sa proyekto at mga programa sa Batangas. At nakikita nila ngayon ang totoong buhay ng mga tao."

Pagpapatuloy ng actress-politician, “Siguro susuportahan ko sila, dahil nakikita ko ngayon na handa na ang puso nila. Iyon ang importante kasi, e.

"Ang serbisyo napapag-aralan, e. Pero ang puso, iyon ang pinakaimportante para ibigay mo ang serbisyo sa mga tao na magbibigay sa iyo ng tiwala. Yun ang importante.

"Sa ngayon, sa totoo lang, nakikita ko yun kay Lucky at Ryan.

"But again, lahat yan nasa kamay na ng Panginoon. Pag ginusto Niya, nandito kami para sumunod at magsilbi. Siya rin naman ang masusunod."

VILMA ON NATIONAL ARTIST NOMINATION

Samantala, nakakarating daw kay Vilma ang mga pahayag ng ilang mga kasamahan niya sa showbiz na sumasang-ayon sa pag-nominate sa kanya ng AktorPH bilang National Artist.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Paulit-ulit siyang nagpapasalamat sa magagandang sinasabi sa kanya ng mga kasamahan sa industriya.

Read: Dingdong Dantes isinaad mga dahilan sa National Artist nomination ni Vilma Santos

Read: Goma at Eric, sang-ayon maging National Artist si Ate Vi

Dingdong Dantes says Vilma Santos is a
Vilma Santos (center) with Aktor PH chairman Dingdong Dantes (right) and his wife Marian Rivera (left)
Photo/s: @rosavilmasantosrecto Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mensahe ni Vilma: “My heart is really full.

"I’m really so, so so grateful, kasi wala na sa pinakamasarap sa isang artista tulad ko na halos lumaki na sa industriya more than 60 years, at madidinig mo ang magagandang salita mula sa mga kasamahan mo sa industriya, sa mga colleagues mo.

"Diyos ko! Hindi ko maipaliwanag kung ano ang nasa puso ko. Maraming-maraming salamat.

“Yan ang Aktor na pinangungunahan ng chairman naming si Dingdong [Dantes]. Ahhh… and then, at the same time, may mga iba pang organizations na medyo nagbibigay ng mga endorsements. Maraming-maraming salamat po sa inyong lahat.

“Yung magagandang salita lamang, tiwala’t pagmamahal, yung suporta at magagandang salita, at tiwalang ibinibigay nila, panalo na ako. Panalo na ako.

"Maraming-maraming salamat sa kanilang lahat.

“I’m so grateful, and punung-puno po ng kaligayahan ang puso ko. Thank you very much,” sambit ng Star For All Seasons.

Read: Dingdong Dantes calls Vilma Santos "a paragon" for actors

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vilma Santos on National Artist endorsement from showbiz colleagues: "I’m really so, so so grateful, kasi wala na sa pinakamasarap sa isang artista tulad ko na halos lumaki na sa industriya more than 60 years, at madidinig mo ang magagandang salita mula sa mga kasamahan mo sa industriya, sa mga colleagues mo. Diyos ko! Hindi ko maipaliwanag kung ano ang nasa puso ko. Maraming-maraming salamat."
PHOTO/S: Vilma Santos Recto Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results