Matunog ngayon sa social media ang pangalan ng yumaong aktor na si Rico Yan.
Ito ay matapos ang sunud-sunod na paglabas ng iba’t ibang video edits and photos ni Rico noong kabataan niya.
Dahil sa paghanga ng netizens sa late actor, naging trend of late ang pagbisita sa kanyang puntod.
May mga kumukuwestiyon naman kung admiration nga ba ang nagtulak sa mga bumisita sa kanyang kinahihimlayan.
May mga humirit na nagmistulang tourist spot na ang libingan ng dating aktor dahil lamang sa clout.
Pumanaw ang ABS-CBN matinee idol noong March 29, 2002, Biyernes Santo sa edad na 27.
Lumabas sa autopsy na cardiac arrest due to acute hemorrhagic pancreatitis ang sanhi ng kamatayan niya.
Read: Rico Yan: Revisiting his brief life and career
FOR REAL OR FOR CLOUT?
Isa sa mga pinag-usapan sa social media ang TikTok video na ini-repost ng @trendingchikaph.
Sa original video, na naka-private mode na, makikita ang uploader na palakad-lakad sa paligid ng puntod ni Rico habang pinagmamasdan ito.
Hinahaplos din niya ang lapida at ang mural sa likod nito na para bang malapit sa kanya ang yumaong aktor.

Hindi naman napigilan ng mga netizens na mag-iwan ng samu’t saring komento sa Tiktok post.
(Note: All comments are published as is.)
Hirit ng isa: “si kuya akala mo nasa mundo na nung pumanaw si rico yan eh”

May sumegunda pa na ang sabi, “may pagyakap pa e”

May netizen na nagsabi rin ng: “naging santo bigla si rico yan dahil sa mga cloutchasers na ‘to”

Ang sabi naman ng isa pa, “gen z after makanood ng edit vid ni rico yan sa fyp:”
One more comment from a netizen: “honestly against ako d’yan (d’yan sa guy) kase yes fan s’ya ni rico yan, pero the way na vinid n’ya pa tapos nag comment pa s’ya sa post n’ya “thank you po sa lahat!!” para ‘bang naging clout chaser s’ya, and parang ginamit n’ya lang si rico yan, i mean, pag punta na nga don okay na eh, he doesn’t need to hug his tomb or make it like a tourist spot, that would be weird and awkward for rico yan’s relatives, does rico yan even know him? my point is, dapat alam n’ya ‘yung limits n’ya sa pagiging fan.”

Ang punto ng netizens: for clout lamang daw ang ginawa ng lalaki sa pagdalaw sa puntod ng yumaong aktor. At bakit daw niya niyakap-yakap ang nitso gayong hindi naman sila personally close ni Rico?
Gayunman, may mga netizens din na nagtanggol sa uploader.
Isa sa mga comments: “I don’t see any problem with that. In fact, I appreciate his gesture. He traveled all the way from Pampanga to Parañaque just to visit Rico Yan’s tomb. That’s amazing! Kudos to you Cabalen !”

May humirit naman ng: “HELPP- bat nyo ba hinehate na nagiging idol ng mga gen z si Rico yan eh ano namn sainyo if hindi nila naabutan”

Anu’t ano pa man, hindi masama ang paghanga sa isang tinitingalang tao. Wala namang nagbabawal sa pagpunta sa himlayan ng yumaong aktor.
Read: 74-year-old Pinay dies after being pushed in the train station by homeless man
NOT ONCE, NOT TWICE, BUT MANY TIMES
Hindi lamang natapos sa isa, dalawa, o tatlong social media posts ang nag-share ng kanilang mga larawan na kuha sa puntod ni Rico Yan.
Mayroong photos na #FangirlingMode ang peg.

Mayroon din namang isang barkada at may isang buong pamilya pa.


Ang isang post ay nag-iwan pa ng rating sa caption: “first time ko pumunta dito. walang tao, ang ganda ng ambiance napi-feel ko ang presence ni rico parang bina-back hug niya ako rating: 9/10 babalik ulet bukas”

Sa X (dating Twitter) naman, ni-repost ng isang user ang TikTok video na naglalaman ng mga photo cards ni Rico Yan.
Aniya sa caption, “Ang lala ng liked at engagements kay Rico Yan lately sa tiktok. Pati Gen Z, involved. Nakakaloka.”

Napa-react naman ang netizens sa “weird” obsession kay Rico ng ibang "fans" at mga Gen Zs.
Kahit maraming taon na ang lumipas, nananatiling buhay ang alaala ni Rico at nagti-trending pa sa social media.
Sana nga lang ay genuine ang interes, paghanga, at pagmamahal nila sa late actor at hindi lang for the clout at pampataas ng engagement.
Sa panahon ng social media, importanteng manaig pa rin ang sensibility at sensitivity pagdating sa kapwa, buhay man o patay na.