PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Nova Villa, Leo Martinez, Gina Alajar on being senior citizens

Nova Villa, Gina Alajar, Leo Martinez, Lito Lapid recognizes as film icons.
by Jerry Olea
Published Jul 9, 2024
gina leo nova 7th the eddys
(From left) Nova Villa, Leo Martinez, and Gina Alajar are three of the five recipients of Film Icons award at the 7th The EDDYS held at the Ceremonial Hall of Marriott Grand Ballroom, Newport World Resorts, in Pasay City, on July 7, 2024.
PHOTO/S: BlackAnt Lensman

Kuwela ang speech ni Leo Martinez bilang isa sa limang Film Icons ng 7th The EDDYS nitong Hulyo 7, 2024, Linggo, sa Ceremonial Hall ng Marriott Grand Ballroom, Newport World Resorts sa Pasay City.

Read: 7th The EDDYS highlights and sidelights

Ang naunang Film Icon na pinagpugayan ay si Eva Darren, na nagsabing, “Pahabol din ito sa birthday ko dahil nag-birthday ako noong June 28. Seventy-eight ako noong araw na iyon. At salamat sa mga kapwa ko beterano, noon at ngayon.

“Nabanggit ko ang noon at ngayon. Siyempre, wala yung ngayon kung wala yung noon, di ba? Para sa inyo na kapwa ko beterano, maraming-maraming salamat.

“At sa inyo po sana, huwag nyo naman kaming pabayaan. Huwag niyo kaming kalimutan…”

Read: Eva Darren, "hindi kinalimutan" sa 7th The EDDYS

eva darren 7th the edys speech
Eva Darren
Photo/s: Boy Borja
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

LEO MARTINEZ

Nakangising sabi ni Leo, “Maraming-maraming salamat sa inyo! Yung mga entertainment editors, nabigyan niyo kami ng pagkakataong magkita-kita uli.

“Itong mga kasamahan kong kapwa senior citizen. Yun nga pala yung mga senior citizen, kagaya namin ngay-on ay dapat inuuna ninyo sa mga schedule.”

Hagalpakan ang audience, saka nagpatuloy si Leo, “Kami ay low batt na pagdating ng mga… Ay! Naglo-low batt na kami!

“At saka sabi nga dito… kuwentuhan nga dine, sabi nga ni Eva, ‘Ay! At saka malamig dito! Ay! Madalas akong maihe!’

“Gayon pala, gayon pala ang matatanda! Kaya nung ako’y tinanong kung ano daw ang secret kung magiging Icon, sabi ko’y, ‘Dapat ay buhay ka!’

“Para matanggap mo yang lintek na Icon na yan! Maraming salamat sa inyo! Maraming salamat sa inyo!”

Hiyawan, tawanan, at palakpakan ang audience.

Read: Leo Martinez opens up about son with Cherie Gil and his other children

leo martinez 7th the eddys
Leo Martinez
Photo/s: BlackAnt Lensman
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

GINA ALAJAR

Ang sumunod na pinarangalang Icon ay si Gina Alajar, at natatawa itong nagturan, “Hello! Magandang-magandang gabi po sa inyong lahat. Iba-iba po ang klase ng seniors. Ha! Ha! Ha!

“Merong seniors na inaantok na ng alas nuwebe ng gabi. Pero meron namang ibang seniors na puwede pang lumaon hanggang mamaya. Kaya pa.

“Maraming-maraming salamat po sa The EDDYS, the Society of Philippine Entertainment Editors. Thank you so much.

“I was asked kanina by Mr. Fu [host sa Red Carpet] kung ano ang pakiramdam to receive an Icon award.

“Ang sabi ko, ‘Iba ang pakiramdam kasi iba yung pakiramdam ng nakikipag-compete ka sa kapwa mo artista para sa isang trophy.

“At iba rin ang pakiramdam kapag ikaw ay kasama ng mga mas senior sa akin, katulad nina Tita Nova, ni Tita Eva, ni kumpareng Leo, at tsaka ni Senator Lito Lapid.

“Iba ang pakiramdam. Dahil ino-honor yung achievements namin, at ang contributions namin para sa movie industry.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Maraming-maraming salamat for honoring us tonight…”

Inialay ni Gina ang tropeyo sa tatlo niyang anak na sina Ryan, Geoff, at AJ, at sa kani-kanyang asawa ng mga ito, at sa walo niyang mga apo.

Dagdag ni Gina, “Bukas, ito’y nakalagay sa dining table para paggising nila, makikita nila ang award ng lola nila!”

Sina Gina at Piolo Pascual ang presenters ng huling award sa 7th The EDDYS, ang best film na natamo ng About Us But Not About Us.

Read: Award-winning actress-director Gina Alajar recalls her bold-star years

gina alajar 7th the eddys
Gina Alajar
Photo/s: BlackAnt Lensman
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOVA VILLA

Natatawang hirit ni Nova Villa nang siya naman ang tawagin para tumanggap ng tropeyo, “Umalis na yung ibang matatanda. Ha! Ha! Ha!

“Nakailang ihe din sila… ako, hindi pa! Mamaya! Ha! Ha! Ha!”

Tawanan siyempre ang audience, saka napabuntong-hininga si Nova, “Hay, naku! Seventy years sa show business! I’m 78 years old at salamat, matatapos na rin ang tsismis.

“Na may anak ako kay Fernando Poe Jr. Di ba, matagal na yan, e! Matagal nang tsismis yan.

“At ngayon ko na lang binubulgar. Tinago ko. Hindi ho totoo yun!

“Well anyway, thank you so much. Ang sarap namang tumanggap ng award talaga, at masasabi ko, ‘Praise the Lord!’

“Sapagkat kung ano man po ang ating nararating sa ating buhay ay lahat ito ay regalo ng ating Panginoon.

“Lahat ito ay sabihin nating we are blessed, and huwag tayong maging malamig sa ating mga pananampalataya.

“Just continue praying and loving God, at hindi tayo pababayaan sa ating mga…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sa dumadating sa ating buhay na maganda, masaya, at kahit mahirap, talagang ganun ang buhay.

“Basta’t continue praying. Salamat po sa inyong lahat.”

Read: Nova Villa, makahulugang ngiti ang sagot sa tanong kung naging sila ni FPJ

nova villa 7th eddys
Nova Villa
Photo/s: BlackAnt Lensman

SENATOR LITO LAPID

Ang kinatawan ni Senator Lito Lapid noong gabing iyon ay ang pamangkin niyang si Atty. John DX Lapid.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ani Atty. John, “Supremo Senator Lito Lapid is deeply grateful for the recognition of his contributions to the Philippine film industry.

“Pinapaabot din niya ang pagbati sa mga kapwa artista na nakatanggap din ng karangalan mula sa SPEEd. Sa mahabang panahon, mahal ni Supremo ang industriyang ito.

“Nagsimula siya sa pagiging extra at stuntman, hanggang sa pagbibigay-buhay sa mga karakter sa pelikula at telebisyon gaya ng kasalukuyan, Supremo sa FPJ’s Batang Quiapo kasama si Direk Coco Martin.

“Kahit sa kanyang tatlumpong taong paglilingkod sa bayan bilang bise-gobernador at gobernador noon, hanggang sa pagiging senador noya ngayon, hindi niya iniwan ang industriyang ito na para sa kanya ay isang uri rin ng pagseserbisyo sa pamamagitan ng pagbibigay-inspirasyon at kasayahan.

“This recognition is a great honor for Senator Lapid, and it only proves that his dedication and love for the Arts and Country are truly invaluable.

“Taos-pusong pasasalamat po mula kay Supremo Senador Lito Lapid!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Senator Lito Lapid, pinag-iisipan na ang pagreretiro sa pulitika

film icons 7th the eddys
From left) Atty. John DX Lapid on behalf of Senator Lito Lapid, Eva Darren, Nova Villa, Gina Alajar, and Leo Martinez
Photo/s: BlackAnt Lensman

7TH THE EDDYS DELAYED TELECAST

Ang delayed telecast ng The 7th EDDYS ay nakatakda sa Hulyo 14, 2024, Linggo ng 10:00 P.M., sa ALLTV.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hosts ng awards ceremony sina Janine Gutierrez, Jake Ejercito, at Gabbi Garcia.

Naghatid ng production numbers sina Jed Madela, Ogie Alcasid, RAMPA Reynas, Elisha Ponti, at Andrea Gutierrez.

Present sa 7th The EDDYS ang Box-Office Heroes na sina Dingdong Dantes, Marian Rivera, Piolo Pascual, at Julia Montes, ganoon din ang special awardees na sina Korina Sanchez, former Ilocos Sur Governor Chavit Singson, at Mentorque producer Bryan Dy.

Tinanggap ng magkapatid na CJ at Peach Caparas ang posthumous award para sa kanilang ama na si Carlo J. Caparas.

Ilan sa presenters ng tropeyo sina Senator Lito Lapid, Congresswoman Lani Mercado, Direk Jose Javier Reyes, PCSO Action Director Imelda Papin, James Reid, Joross Gamboa, Gladys Reyes, Elijah Canlas, Max Eigenmann, Nikki Valdez, Cedrick Juan, Michael Sager, RS Francisco, Arnelli Ignacio, Jeric Gonzales, Franki Russell, Kelley Day, Christophe Sommereux, at Beaver Magtalas.

Ang dating sexy actor at tubong-Paete, Laguna na si Leandro Baldemor ang nagdisenyo at lumikha ng bagong tropeyo ng The EDDYS.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa pakikipagtulungan ng Newport World Resorts at ALLTV, kaagapay ng SPEEd sa pagtatanghal ng The 7th EDDYS ang Globe Telecom at iFern/Kim's Diary.

Read: 7th EDDYS big winners: Piolo Pascual, Julia Montes, Charlie Dizon

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(From left) Nova Villa, Leo Martinez, and Gina Alajar are three of the five recipients of Film Icons award at the 7th The EDDYS held at the Ceremonial Hall of Marriott Grand Ballroom, Newport World Resorts, in Pasay City, on July 7, 2024.
PHOTO/S: BlackAnt Lensman
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results