Going strong ang relasyon ng aktres na si Yassi Pressman sa nobyong si Camarines Sur Governor Luigi Villafuerte.
Ito'y sa gitna ng espekulasyong hiwalay na sila dahil sa pagiging malapit ni Yassi sa South Korean actor na si Kim Ji Soo.
Sa Instagram nitong July 5, 2024, nag-post si Yassi ng behind-the-scene video nila ni Kim Ji Soo sa taping ng Kapuso primetime series na Black Rider.

Si Kim Ji Soo ang bagong karakter na pumasok sa serye. Gumaganap siya bilang si Adrian Park, ang tagapagsanay ni Bane (Yassi) sa pakikipaglaban at paghawak ng baril.
Read: K-drama actor Kim Ji Soo joins Ruru Madrid’s Black Rider
Kitang-kita sa video ang pagiging malapit at kumportable nina Yassi at Kim Ji Soo sa isa't isa, dahilan para tuksuhin sila ng kani-kanilang tagahanga.
Komento ng isang netizen (published as is), "Gov left the group [laughing in tears emoji]."
Saad ng isa, "Wow bagay kayo yassi sana magkaron kayo ng movie and teleserye na dalawa. Love it."
Hirit pa ng isa, "Mas bagay kesa kay gov lol."
Sa dami ng nagkomentong fans, isang netizen ang napansin ni Yassi nang tanungin nito kung sila pa ni Luigi.
Sabi ng netizen (published as is), "Break na kau ni Governor?"
Mabilis na sagot dito ni Yassi (published as is), "haha never [heart sign emoji]."

Yassi and Luigi viral kissing video
May 23, 2024 huling nasilayan ng publikong magkasama sina Yassi at Luigi nang mag-perform sila sa opening ng Kaogma Festival.
Naging highlight ng gabi ang duet nina Yassi at Luigi ng "Hero" ng singer na si Enrique Iglesias.
Bago ito, tila pormal nang ipinakilala ni Luigi si Yassi sa kanyang mga nasasakupan bilang mahal niya sa buhay.
Nasa entablado ang gobernador at nagtatalumpati tungkol sa week-long Kaogma festival ng kanilang lalawigan.
Saad niya sa mga tao, "Siyempre mga taga-Camarines Sur, I want to thank the most special person in the life of your governor.
"Mahal, Yassi, thank you for all what you’ve done to me. Thank you for helping making this possible.
"I want to say in front of the a hundred thousand Camarinenses now, I love you, Yassi."
Sumayaw muna si Yassi bago sila nag-duet.
Matapos ang kanilang kanta, pinupog ng halik ni Luigi ang girlfriend sa entablado.

Read: LOOK: Yassi Pressman and Luigi Villafuerte intensely kiss
Mabilis kumalat at pinag-usapan ang video na ito online, kunsaan marami sa kanilang fans ang kinilig.
Gayunpaman, mayroon ding netizens ang binatikos sila sa anila'y intense na paghahalikan ng dalawa in public. Kahit hindi naman ito ang unang public kiss ng magkasintahan.
Noong February 8, 2024, nagbahagi na rin si Yassi ng ilang larawang kuha sa isang local fashion event na ginanap sa National Museum of the Philippines.
Kabilang sa mga larawang ito ay ang sa kanila ni Luigi.
May pahiwatig pa si Yassi na ang pinakahuli sa sampung larawan ay may sorpresa.
Makikita nga rito na ang dulong post ni Yassi ay isang short video na nag-kiss sila sa lips ng nobyo.
Caption ni Yassi, "a beautiful night of love [emojis] swipe to the end for a kilig surrrpwiiz [emojis]"
Read: Yassi Pressman posts kissing video with rumored boyfriend Luigi Villafuerte
YASSI AND LUIGI RELATIONSHIP
Unang na-link sina Yassi at Luigi nang mamataan silang magkasama sa 74th Foundation Day ng Bombon, Camarines Sur, ilang araw matapos makumpirma na hiwalay na ang aktres sa ex- fiancé niyang si Jon Semira, noong August 13, 2023.
Read:
- Jon Semira confirms breakup with Yassi Pressman: “It was a decision made from the both of us.”
- Yassi Pressman finally breaks silence on breakup with ex-fiancé Jon Semira
Muli silang namataan noong August 19 nang magbahagi ang isang netizen sa Facebook ng larawan ni Yassi kasama ni Governor Villafuerte na tila nasa isang ATV adventure na sasakyan.
Dito makikitang nakahawak ang kanang kamay ni Luigi sa kaliwang hita ni Yassi, dahilan para pag-isipan na mayron silang espesyal na relasyon.
Read: Yassi Pressman now being linked to politicians Sandro Marcos, Luigi Villafuerte
August 31, sa panayam ng aktres sa 24 Oras ng GMA-7, sinabi ni Yassi na matagal na silang magkaibigan ni Luigi kaya sila madalas magkasama.
Aniya, “Me and Luigi have known each other for a very long time. Parang ten years na kaming magkakilala.
"So now, we're just spending more time together and getting to know each other more."
Read: Yassi Pressman posts kissing video with rumored boyfriend Luigi Villafuerte
Sa panayam kay Yassi sa Fast Talk With Boy Abunda noong September 14, sinabi niyang masaya siya kung anong mayroon sila ni Luigi.
Ayaw rin daw niyang madaliin ang mga bagay-bagay, at imbes na magpaapekto sa negatibong sinasabi ng iba ay mas gugustuhin niyang maging masaya na lang.
Saad ni Yassi sa host na si Boy Abunda, "Ano lang din po, Tito Boy, I’m very happy to be spending more time together.
"Again, I don’t wanna put labels in anything anymore. Not rushing into anything anymore.
"So, parang kung saan na lang po ako nagiging masaya. Kasi mahirap po talaga yung pinagdaanan ko.
"And now, sometimes feeling ko, whatever I’m happy, I’ll stay there."
January 1, 2024, magkasama rin sina Yassi at Luigi nang magbakasyon sila sa Hoi An, Vietnam.
Read: Yassi Pressman welcomes 2024 with rumored boyfriend Governor Luigi Villafuerte in Vietnam
Hanggang noong February 21, tuluyan nang isinapubliko ni Luigi ang relasyon nila ni Yassi, nang idineklara niya itong "love of my life."
Sa isang Instagram Reel na in-upload ni Yassi, binitawan ng gobernador ang mga nakakakilig na salitang ito:
“I truly believe pag inspired, lahat possible. Kaya I want to thank the love of my life for supporting this event. Babe, maraming-maraming salamat. Thank you, I love you so much.
"Thank you. Muwah. I love you babe. Let’s give her a round of applause."
Read: HARD LAUNCH: Luigi Villafuerte declares Yassi Pressman is "the love of my life" in public
