PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Direk Brillante Mendoza optimistic for Moro's Netflix run

Direk Brillante Mendoza lauds Piolo Pascual, Baron Geisler's professionalism
by Julie E. Bonifacio
Published Jul 6, 2024
Direk Brillante Mendoza
Direk Brillante Mendoza is optimistic that Moro's Netflix run will guarantee a wider audience for his latest movie project. He says, "Kung streaming siya, hindi lang buong Pilipinas ang nakakapanood niyan. Pati sa Asia-Pacific and Southeast Asia.”
PHOTO/S: Julie Bonifacio

Inanunsyo ng international award-winning director Brillante Mendoza ang pagpapalabas ng bago niyang pelikula na Moro sa Netflix sa July 19.

Moro movie poster
Baron Geisler
Moro movie poster

Ang Moro ay pinagbibidahan nina Piolo Pascual, Baron Gesiler, Christopher de Leon at Laurice Guillen.

Tanggap ni Direk Brillante ang malungkot na kapalaran ng local films sa mga sinehan. Kaya nagdesisyun siya na ipasok sa Netflix ang Moro.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Direk Brillante Mendoza
Direk Brillante Mendoza
Photo/s: Julie Bonifacio

Pahayag ni Direk Brillante, “Well, ang kagandahan noon ay parang... imagine kung dito lang siya sa atin at wala kang streaming platform?

“E, hindi naman dinudumog ang mga pelikula ko sa totoo lang, di ba?

“So, iilan lang ang makakapanood niyan. So, kung streaming siya, hindi lang buong Pilipinas ang nakakapanood niyan. Pati sa Asia-Pacific and Southeast Asia.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi man daw panoorin ng lahat ng tao ang Moro, nandiyan lang siya sa Netflix for five years.

Gaya na lamang ng action-drama series niya na Amo na hang Jugang ngayon ay accessible panoorin ng publiko via digital platform.

“Ilang taon na yun at hanggang North America, napapanood ang movie mo. Accessible panoorin ang Amo worldwide,” pagmamalaki ni Direk Brillante.

Dugtong pa niya, "Kaya nakakatuwa rin kasi marami ring nag-e-email at tumatawag sa akin sa US. Napapanood nila ang Amo.

“At least, nakikita nila yung trabaho mo sa ibang bansa, parang ganoon. Nakakatuwa rin.

“Pero siyempre, whether you like it or not, iba ang experience sa cinema.”

READ:

Brillante Mendoza on non-inclusion of Moro in MMFF 2023: "Big stars ang pino-pokus nila ngayon."

Direk Brillante Mendoza, maraming natuklasan nang minsang nanood ng sine for 65 pesos

DIREK BRILLANTE REVEALS HOW BANGSAMORO EVENTUALLY EVOLVED INTO TWO DIFFERENT MOVIES

Originally, ang Moro ay bahagi ng Bangsamoro proyekto ni Direk Brillante na may kaugnay sa engkwentro ng mga sundalo at Muslim sa Mindanao.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sa kabuuan, abot ng apat na oras ang haba ng Bangsamoro.

Kaya nagdesisyon si Direk Brillante na hatiin na lamang ang Bangsamoro sa dalawang pelikula. Ito ay ang Bansa at Moro.

“Oo, hinati ko sa dalawa kasi ang haba. Baka magalit sa akin si Lav Diaz. Baka tawagan ako, di ba,” birong seryoso ni Direl Brillante.

“Tapos ayun... biglang inedit ko. Sineparate ko. Tingnan ko kung magwu-work or ano.

“Nag-work naman. Pero siyempre, the film was not intended that way. Iyan ang mahirap sa editing.

“So, nung nag-edit ako, parang katakut-takot na re-edit. Katakut-takot na revision.”

Buti na lang daw at nagsho-shooting pa sina Direk Brillante nung nagkaroon ng revision sa script.

“Nagsho-shoot pa kami [that time]. Kasi dinagdagan ko si Christopher [de Leon]. Sa original, sobrang minimal lang siya,” banggit ni Direk Brillante.

READ:

Direk Brillante Mendoza reveals Baron Geisler took alcohol while shooting 'Moro'

DIREK BRILLANTE ON SHOOTING PROBLEMS, LOGISTICAL ISSUES

Paano nabuo ang cast ng Bansa at Moro?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ang casting originally when it was casted... Moro and Bangsa. Marami talagang artista during the shoot,” bungad na sagot niya.

“Nandodoon talaga lahat sila. And it was one of my difficult shoots kasi summer iyan, e.

“Tapos, pre-pandemic iyan. Hindi pa siya pandemic at ang shooting namin sa San Mateo. Kasi ang nga artista doon banned sila, ABS-CBN actors, magpunta sa Mindanao.

“Pero actually, sa totoo lang, Mindanao sana kami magsho-shoot. E, sina Piolo, sina ano, hindi sila pinayagan.

“E, di huwag na tayong magpunta sa Mindanao kung tatatlo lang tayong artistang ano... pero nag-shoot din ako ng mga footages sa Mindanao.”

Nag-set-up na lang si Direk Brillantes sa San Mateo na parang totoong palengke sa Mindanao.

“Marami kaming sinet-up na hindi halata kasi nakikita ko na sa edit, e. Nakikita ko na yung ano, eto, eto kadugtong nito. Alam ko na yung daya, ganoon. Hindi na ako masyadong nahirapan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pero magastos pa rin,” buntung-hininga ni Direk Brillante.

“Kasi idudugtong mo yung look at saka ung mga tao. Kunyari lang yung nag-motor si Baron atsaka yung nanay niya (portrayed by Laurice) pagdating sa checkpoint papasok ng palengke.

“E, malaking set-up na palengke iyan pero dito lang namin ginawa.”

Speaking of Laurice, nanghinayang si Direk Brillante na hindi nakasama ang director/actress sa Busan International Film Festival sa Korea kung saan ipinalabas for exhibition ang Moro.

“Hindi nga siya nakapunta. [Kaya] hindi niya nakita yung reaksyon ng mga tao.

“Sobrang ano sila... pero ang unang tanong nila, bakit Moro?

“E, siyempre di ba, katoliko ako and all. Tapos, eto na naman, Moro na naman.

‘Yung Mindanao pinalabas din sa Busan. Sabi nila sa akin, ’Bakit gawa ka nang gawa ng ganito?”

DIREK BRILLANTE ON HIS BIG DREAM OF portrayING MINDANAO CULTURE ON FILM

Saan nga ba nanggagaling ang fascination ni Direk Brillante sa paggawa ng pelikula tungkol sa Mindanao?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Hindi, kasi feeling ko hindi siya masyadong nare-represent. And ngayon lang sila napapansin because of the regional barriers. Kasi before wala naman.

“So, kung parang iha-highlight mo yung kultura nila, katulad niyan, na-highlight ang kultura nila na na-weave sa film, di ba?

“At pina-praktis pa rin nila iyan ha, until today.

“At meron talagang nanay na nainterbyu namin na namatayan siya ng dalaaang anak at isang asawa. Doon ko binase iyan.

“Ang daming kuwento actually, pipili ka lang. Kasi heartbreaking lahat yung kwento ng mga ano, yung isa magkapatid.”

DIREK BRILLANTE LAUDS PIOLO AND BARON’S PROFESSIONALISM ON SET

Paano ang dynamics ng aktingan nina Piolo at Baron sa Moro?

“Walang sapawan... wala,” diin ni Direl Brillante.

“Napakadali nilang katrabaho. Walang ganun-ganun.

“Kasi parang, di ba kapag nasa shooting akala natin kapag malalaking artista, hindi nag-uusap. Walang ganun. Wala silang mga ere.”

May mga discoveries ba sa dalawang aktor sa shooting ng Moro?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“E, si Piolo napakabait na artista. Hindi talaga siya, hindi siya dumarating nang late. Ayaw niyang maging cause ng problem.

“Ganoon din naman si Baron. So, parang siyempre, they want to show professionalism on the set.

“As much as possible ayaw nilang may masabi sa kanila.

“Even si Boyet [de Leon] na pinakiusapan ko. Sabi ko, ‘another day.’ Nung una one day lang.

“E, magi-start na ang kanyang mga ano noon, teleserye. Nung una parang hindi na siya available. ‘Yun ang sinasabi sa staff ko.

“E, ako tumawag sa kanya. Nakiusap ako. Tapos, sabi ko ire-release kita ng 12 o’clock. Basta dumating ka ng 6 or 7 am, by 12 pm you’re done. Natupad ko. Eleven pa lang umalis na siya.”

First time nakatrabaho ni Direk Brillante si Piolo sa Moro.

DIREK BRILLANTE REVEALS SWITCHED ROLES IN MORO

Ni-reveal ni Direk Brillante na ang original na cast para sa role na magkapatid sa Moro ay sina Piolo at Senator Robin Padilla.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ang role ni Piolo originally ay kay Baron. Tapos, sa another actor yung kay Piolo, kay Robin.

“Schedule ni Piolo ang problema. Hindi siguro nag-swak sa schedule ni Robin. Kasi hindi rin siya nagswak sa schedule namin.

“Sabi ko sa kanya [kay Piolo], ‘So, paano?’ E, nag-meeting na kami and all. Tapos, excited na siya. Nag-aral na siya ng salita nila sa movie.

Hirap na hirap siya.

“Ang hirap naman talaga kasi pag-aralan yung dialect nila [Mindanao], i-memorize.

“E, ang dami niyang eksena na magkakasama sila supposed to be sa Mindanao kaya kailangan niyang mag-aral.

“Sabi ko, ‘So, paano? Next project na tayo?’

“Hindi, Direk,’ sabi niya. ‘Gusto ko talaga kitang makasama.’

“So, sabi ko, ‘Gusto mo doon ka na sa maliit na role?

“So, yung kay Baron supposedly. Lumiit ang role niya. Tapos si Baron, pinalitan niya si Robin. Yun ang malaki.”

Kung mabibigyan muli ng pagkakataon, nais ni Direk Brillante na makagawa sila ulit ni Piolo ng pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Parang, puwedeng may mas malaking project pa. Kasi dito, hindi naman talaga siya dito yung bida.

“Ang bida rito ay parang yung pamilya. Sina Laurice at yung dalawang magkapatid.

“Ang hina-highlight natin dito ay yung pamilya. Hindi lang yung point of view ng isang kapatid, ni Piolo or ni Baron, hindi ba?

“Siguro kung gagawa kami ni Piolo in the future, yung parang siya lang talaga yung bida, yung ganoon.”

What about kay Robin?

“Oo, puwede rin si Robin. Pero sa ngayon para sa akin, wala pa akong mga project na ganyan ngayon.

“Parang siguro pahinga muna ako sa Mindanao. Nagagalit na sila akin yung iba [na naghihintay sa kanya na gawan niya rin ng movie].”

DIREK BRILLANTE ELABORATES ON SHELVED PROJECT WITH VILMA SANTOS

May chance rin kaya na matuloy na ang proyektong dapat ay gagawin nila ng Star For All Seasons na si Vilma Santoa?

“Ay, hold muna. Bakit nga ba na-hold?” tanong ni Direk Brillante sa sarili.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Meron talaga kaming gagawin. Pero sabi ko, wag muna nila ilalabas. Katulad niyan, hindi natuloy.

“Nag-meeting kami, schedule, ganyan. Schedule ng isang artista at saka schedule niya.

“Tapos, nagkapatung-patong na yung schedule. Iba yung schedule, ganyan, ganyan.

“So, parang... willing to wait?

“Ang ano ko kasi ngayon, ayoko ng long-term.

“So, halimbawa, kung ano yung dumating ngayon, yun [ang gagawin ko].

‘Yung tipong meant to be talaga?

“Ayun. Pag nag-swak lahat, tuloy iyan. Huwag mo nang i-push kung talaga hindi ano, kasi ang tagal na niyan, e.

“Nora Aunor time pa yan e, yung Thy Womb. Bago pa ako mag-Ate Guy, nag-Ate Vi na ako.

“Nagkikita kami sa Batangas. Pinupuntahan ko. Pag-uwi ko meron akong tulingan,” ngiti niya.

Ano ang tema dapat nu’ng movie ni Vilma na gagawin niya?

“Drama,” sambit ni Direk Brillante.“ Out of the box ang role niya sa movie. Dito para siyang matandang, yung parang government employee na nagtatrabaho gaya sa SSS. Wala nang growth, parang ganoon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“E, nung una meron pa siyang, ‘Direk, alam mo naman na government ano,’ ina-ano niya yun. Pati yung isa na corrupt government official siya.

“Ay, hindi naman government official. Corrupt ano siya, employee. Sa ano, sa [Bureau of] Customs.

“Medyo sensitibo. Sabi niya, ‘Direk, alam mo naman… sa trabaho namin, sa roles namin,’ ganun-ganun.

“Parang tapos gusto niya, without saying it, parang gusto niya, ‘Baka may ibang ano.’

“Sabi ko sa kanya, ‘Kung gagawa tayo ng ano, ayoko ng the usual. Kailangan out-of-the-box agad.

“Kapag napanood ng tao, ibang-iba ka na. Kasi kung paulit-ulit yung ano mo, kaya masarap talagang makatrabaho yung mga artistang wala talaga silang pakialam.

“Yung daring, oo, lalo na yung role talaga ang tinatrabaho nila,” pagtatapos ni Direk.

READ:

Direk Brillante Mendoza, pinasaringan si Baron Geisler?

Brillante Mendoza wishes to work with Joshua Garcia, Daniel Padilla, Kathryn Bernardo, Nadine Lustre

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Direk Brillante Mendoza is optimistic that Moro's Netflix run will guarantee a wider audience for his latest movie project. He says, "Kung streaming siya, hindi lang buong Pilipinas ang nakakapanood niyan. Pati sa Asia-Pacific and Southeast Asia.”
PHOTO/S: Julie Bonifacio
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results