Kumpirmado nang ang mga labi nina Geneva Lopez at ng kanyang Israeli boyfriend na si Yitshak Cohen ang nahukay ng mga awtoridad sa isang quarry site sa Barangay Sta. Lucia sa Capas, Tarlac, ngayong umaga ng July 6, 2024.
Ito ang inihayag ni Governor Delta Pineda sa kanyang official Facebook account ilang oras matapos mahukay ang dalawang bangkay.
Read: Belongings of missing Pampanga beauty queen found

Read: SUV linked to Geneva Lopez, boyfriend disappearance found
Ayon sa post ni Governor Delta, published as is: “Malungkot ko po na ibinabalita sa inyo na natagpuan na ang mga bangkay ng kabalen natin na si Geneva Lopez at ang kanyang kasintahan na si Yitshak Cohen sa isang lugar sa Sta. Lucia sa Capas, Tarlac pagkatapos silang mawala ng dalawang Linggo.
“Kinumpirma po ito ng pulis base sa kasuotan at gamit ng mga biktima.
“Ipagdasal po natin ang kanilang kaluluwa. Nakikiramay po ako sa mga pamilya.
“Patuloy po akong tutulong sa paghahanap ng hustisya para kay Geneva at Yitshak.”
Matatandaang nag-alok si Governor Delta at si Vice Governor Lilia Pineda ng isang milyong pisong pabuya sa lehitimong makapagbibigay ng impormasyon sa nawawalang magkasintahan.
Read: Reward money for Geneva Lopez, boyfriend now at PHP1.4M
PINAGBAUNAN kina geneva at yitchak ITINURO NG isang SAKSI
Bago ang pagkumpirma na mga labi nga nina Geneva at Yitchak ang natagpuan, ang beauty queen at ang kasintahan nito ay dalawang linggo nang nawawala.
Natukoy ang pinagbaunan sa dalawang bangkay sa tulong ng isang saksi.
Ang mga miyembro ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ang naghukay sa dalawang bangkay, base sa Facebook post ng Bombo Radyo Baguio.
Read: Model claims rough encounter with Geneva Lopez's boyfriend

Read: Israel embassy aware of missing citizen, beauty queen
June 21 nang huling nakita si Geneva, isang Mutya ng Pilipinas Pampanga contestant, at si Cohen, ang kanyang Israeli boyfriend, sakay ng isang SUV.
Mula sa kanilang tirahan sa Angeles City, Pampanga, bumiyahe ang dalawa patungong Tarlac para tingnan ang bibilhing lupa.
May kakatagpuin sila para sa lupang bibilhin nila sa naturang probinsiya.
Natagpuang sunog at abandonado ang sasakyan sa Barangay Cristo Rey sa Capas noong June 22.
Read: Maris Racal: "Pinagkakitaan ko mga ginawa sa akin."
PULISYA MAY 7 PERSONS OF INTEREST NA
Sa ulat ng gmanetwork.com noong July 4, sinabi ni Police Major General Leo Francisco, hepe ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), na mayroon na silang pitong “persons of interest” sa pagkawala ng magkasintahan.
Kabilang sa mga tinatawag na POIs ang isang dating pulis na middleman nina Geneva sa bibilhing lupa.
Pero ayon kay Major General Francisco, hindi pa nila nakakaugnayan ang lahat ng POIs sa kaso.
Ani Francisco, “Pito ang POIs natin kasama na yung dating pulis na naging kausap nitong magkasintahan na nawawala.”
Nakikipag-ugnayan naman umano sa mga awtoridad ang dating pulis na nakatalaga noon sa Angeles City, Pampanga.
Ito ang middleman ng magkasintahan at nakasama nang tingnan ang bibilhin sanang lupa sa Capas, Tarlac.
Pahayag pa ni Francisco, “’Yung kanyang katransaksyon naman na yun ay willing na magsalita at nagsasalita.
“Ang kanyang nilahad sa paunang imbestigasyon, siya ay nakipag-usap nga sa magkasintahan na ito at naghiwalay na sila pagkatapos nung site visit nila sa lupang bibilhin.
“Nabalitaan na lang nila na nakita yung abandoned vehicle.”
Magsasagawa naman ang mga awtoridad ng autopsy para madetermina ang sanhi ng pagkamatay ng dalawa.
Read: Maureen Wroblewitz reacts to Shay Mitchell denying her Filipino roots
