Aminado si Maris Racal, 26, na marupok siya pagdating sa pag-ibig.
"Kung ang movie natin A+, ako marupok AF. As in," natatawang sabi ni Maris presscon ng pelikulang Marupok A+, na dinaluhan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa MyCinema sa Greenbelt 3 noong July 4, 2024.
Balik-tanaw niya sa nakaraang heartbreak, "Naalala ko sa sobrang rupok ko at broken hearted, nakagawa ng album.
"Pinagkakitaan ko yung mga ginawa sa akin kasi hello kailangan ko ng pera.
"It’s me taking my power back, 'Sinaktan mo ako, I’m gonna write a song about you.'"
Tinatawanan na lang ni Maris ang mga napagdaanan niyang sakit noon.
Dugtong niya, "Well, especially noong early 20s ko, grabe yung karupukan ko talaga, as in.
"Deep breaths ganun, yung pamilya ko, deep breaths, yung mga kaibigan ko.
"I think lahat naman dinaanan yun. Dadaan tayo sa karupukan at dyan tayo natututo."
Sabay natatawang pahiwatig niya na sadyang all-out siya sa pag-ibig, "Ang importante what you do after being broken hearted— maging marupok pa rin."
MARIS RACAL ON HEADLING MARUPOK A+
Nakapanayam ng PEP si Maris sa presscon ng pelikula niyang Marupok A+, na ang original title ay Marupok AF (Where is The Lie) nang ipalabas sa Cinemalaya Film Festival 2023.
Isa itong comedy-thriller film na tinalakay ang catfishing, na tumutukoy sa online predators na gumagamit ng pekeng identity sa online dating apps.
Ang pelikula ay hinulma ng direktor na si Quark Henares, sa ilalim ng Anima Studio at First Cut Lab film companies.
Kasama ni Maris sa pelikula sina EJ Jallorina at Royce Cabrera.
Gumanap si Maris bilang Beanie/Theo sa pelikula, at huhulihin niya ang loob ni Janzen (EJ) sa tulong ni Dennis (Royce) na magpapanggap bilang si Theo.
Ikinuwento ni Maris sa press kung paano niya pinaghandaan ang dual role niya sa pelikula.
"Actually before, si Irene Tiu, di ba si Irene Tiu is dark din also, naging likeable at the end," saad ni Maris, na ang sinasabing Irene Tiu ay iyong papel niya sa defunct series na Can't Buy Me Love.
"Ginawa ko si Beanie first, and she’s the darkest character I’ve ever portrayed.
"And there’s pressure talaga kasi galing ako sa mga wholesome roles, sa mga mababait na characters, so there was really a challenge for me.
"So, I watched so many films na edgy and outspoken, very sociopathic. Ganun yung preparation ko just to get in the world of a person na ganun yung ugali."
Hindi naman daw nababahala si Maris sa pagganap niya ng dark at offbeat roles.
Aniya, "I think nangyayari naman talaga yun, kasi kahit siguro sa history may mga fans talaga yung mga kontrabida.
"Hindi ko alam bakit, pala away ba ang mga Pinoy kasi hindi ko alam ba’t nagugustuhan?"
Umaani ng paghanga si Maris, hindi naman dahil sa pagiging kontrabida niya, kundi sa galing niya bilang aktres.
Sabi naman ni Maris, "Thankful naman ako."

MARIS RACAL ON DOING INTIMATE SCENES
May sensitive at intimate scene si Maris sa pelikula. Iyon yung eksena kung saan lihim siyang nakinig sa isang sexy phone conversation sa pagitan nina Janzen at Dennis na nagpapanggap bilang Theo.
Nang tanungin ang reaksiyon ng pamilya niya sa eksenang iyon, sagot ni Maris, "Hindi ‘to alam ng family ko."
Patuloy niya, "Hindi alam ni mama ‘tong film na ‘to, ang alam niya lang Can’t Buy Me Love sa TV.
"Pero yung nga ganitong pelikula hindi niya pa napapanood ‘cause my mom is like Mama Mary.”
Wala raw balak si Maris na ipapanood ang Marupok A+ sa kanyang ina sa ngayon.
"Kapag siguro mga 80 years old na sila, hindi na sila makasampal," pabirong hirit ni Maris.
Tinanong ng PEP kung ano sa tingin niya ang magiging reaksiyon ng kanyang ina kung mapanood niya ito.
"Si Mama naman, actually, ginanun niya ako, 'Maris, ano yung series na ano The Kanks Show? Yung sabi mo 'burikat, burikat.'"
Ang tinukoy ni Maris na The Kangks Show ay dating online series kunsaan gumanap siya bilang young sex therapist na karibal ng bida na si Angelica Panganiban.
Balik-tanaw pa ni Maris, "Kinabahan ako. Sabi ko, 'Paano mo nalaman, Ma?' 'Nagsabi si ano, gusto kong panoorin.' 'Hindi ako ready.'"
Supportive naman daw ang ina ni Maris.
"Pero sabi niya, 'Hindi kita idya-judge anak. Ako bata pa lang ako naga-appreciate ako ng mga pelikula, gusto ko nga maging artista, e.'
"So, someday mag-movie marathon na lang kami. Aalis nalang ako sa mga eksenang maselan."
ON LOVE TEAM WITH ANTHONY JENNINGS
Sa kabilang banda, may bagong love team si Maris sa katauhan ni Anthony Jennings, 23. Nakilala sila sa uniname na MaThon, o Maris at Anthony, mula nang pumatok ang tambalan nila sa Can't Buy Me Love.
Kilala rin sila sa uniname na SnoRene, o Snoop at Irene, na pangalan nila sa series.
Read: SnoRene hilarious bardagulan moments
Walang dudang matagumpay ang fresh love team nila Maris at Anthony.

"Yes, hindi ko in-expect yun actually, kasi sa age ko na ‘to parang hindi na ako pang love team.
"Kasi, di ba, ang love team kasi is nag i-start as 16 years old ganyan, and then igu-groom talaga kayo as you grow older.
"Hindi ko in-expect yung pagtanggap ng tao sa amin ni Jennings, so grateful kami and kabi-kabila yung mga blessings na dumadating—mga endorsements.
"So, excited kami sa journey namin together and sa mga future projects na gagawin together."
Mismong si ABS-CBN TV Production Head at Star Magic Head na si Laurenti Dyogi ang nagsabi sa eksklusibong panayam ng PEP na nailathala noong May 17, na isa ang MaThon sa pambatong loveteams ng Kapamilya Network.
Read: Who are the Star Magic Best Bets for 2024?
Pareho ring napabilang sina Maris at Anthony sa PEP Best Bets 2024, si Maris sa listahan ng PEP para sa New Generation A-Listers, at si Anthony sa Scene Stealers.
Read: PEP Best Bets 2024: The New Generation A-Listers
Read: PEP BEST BETS 2024: The Scene Stealers
Masusundan ang tambalan nila sa kanilang upcoming movie.
"Mag i-start pa lang kami ngayon. Nagwo-workshop pa lang kami and table readings. Pinaghahandaan talaga siya and exciting talaga," ani Maris.
FLOURISHING CAREER
Hindi pa rin makapaniwala si Maris sa tagumpay na natatamasa niya ngayon.
"Happy ako, like, hindi ko talaga in-expect na dadating ‘tong 2024, and thankful ako sa mga blessings.
"Nagugulat ako sa mga dumadating, and masasabi ko na totoo talaga yung 'patience is a virtue.'
"Hindi ito racing, kung hindi marathon yung buhay. So, hangga’t nabubuhay ka, laban lang kahit hindi mo pa naaabot yung mga pangarap mo, laban lang.
"Wag ka talagang mapanghinaan ng loob, as in keep that fire burning in your heart and don’t dim your light for others.
"If nabigyan ka ng opportunity, do your best, if not your best, like your 150%."