Sa tagal daw ng pagiging single ni Jackie Lou Blanco, never daw nitong naisip na magkaroon ulit ng panibagong love life.

Naniniwala kasi ang 60-year-old actress na kung may somebody na para sa kanya, ipagkakaloob ito ng Panginoon sa kanya.
"Naku wala talaga. Ang joke nga sa akin ng mga anak ko, 'Mom, how are you going to find somebody if you're just always at home? You're not gonna find somebody.'
"Ano kasi for me, parang siguro if God has someone for me then okay. But I'm not looking. I'm not going out of my way. Kasi kung meron naman Siyang ibibigay sa akin, kahit na siguro homebody pa ako, meron at I will meet somebody that God has for me.
"Pero I'm not looking. I don't think naman you need to look. If that's meant to happen, meron at merong mangyayari at makikilala ko siya," pahayag ni Jackie sa grand mediacon ng GMA Prime teleserye na Widows' War last June 21, 2024, sa Matrix Creation Events in Quezon City.
Taong 2011 noong tuluyang makipaghiwalay si Jackie sa kanyang husband of 22 years na si Ricky Davao.
Read: Former couple Ricky Davao at Jackie Lou Blanco, reunited sa Alter-Nate
Simula raw noon ay hindi naging priority ng aktres ang magkaroon ulit ng partner or mag-entertain ng manliligaw kahit na may ilang nakakatrabaho siya na tila nagpaparamdam sa kanya.
"Mga compliment lang. I think it's not something na parang siguro itutuloy. Yung parang pahapyaw lang. Okey din lang naman. It's nice to be appreciated naman," ngiti pa niya.
Read: Jackie Lou Blanco sexy and strong lola at 55
Never din daw sinubukan ni Jackie ang mga dating apps kahit na may mga kaibigan siyang pinipilit siyang subukan ang mga ito.
"I haven't been with anyone for so long na you get used to it. I really don't miss dating. I guess if you think about it, it's nice din that somebody's taking care of you, pero it's not like I feel bad kasi there's no one.
"Busy naman tayo parati. My happiness now is my work, my children, mga apo ko. Spending time with my family is enough kaya I don't have to be in a relationship to be happy, di ba?
"There are many things that make you content with your life. Like trying something new. I am blessed with work, friends, and family. I mean bonus na lang kung may special someone."
Jackie enjoying widows' war character ruth balay
Hindi nga nababakante si Jackie sa paglabas sa mga teleserye. Ang latest ay itong Widows' War kunsaan ginagampanan niya ang role as Ruth Balay, ang social-climbing mother ni Carla Abellana sa naturang serye.

Nagpapasalamat si Jackie sa GMA-7 dahil sa pagbigay sa kanya ng iba't ibang characters sa mga teleserye.
"I've been in this business for quite some time na. It's always nice that after something, you wanna do something again. Something different naman, something that will challenge you, di ba?
"I think pag-artista ka naman, I mean, whatever field naman you're in, you want to keep doing it kasi yun ang nagpapasaya sa 'yo.
"Like here in Widows' War, sobrang nae-enjoy ko yung character, very out of the box siya. Yung background ni Ruth is sobrang nahirapan sa buhay, kaya noong nakapangasawa yung anak ko ng mayaman, parang I wanna keep that. Kasi parang, ayoko nang bumalik sa pagiging mahirap. She believes na she deserves a better life.
"What's funny pa is how she looks sa buong teleserye. Because she wants to be seen. She wants people to notice her. Kaso parang walang tumama sa mga suot niya. May mali parati. Ayaw kasing magbayad ng stylist!" tawa pa niya.
Pero despite her character's flaws, isang mapagmahal na ina si Ruth na handang ipaglaban at ipagtanggol ang kanyang pamilya.
"As a mother, Ruth is always there para sa mga anak niya and despite her quirkiness, she will protect them from people na gusto silang saktan. Palaban si Ruth sa mga gustong sirain ang pamilya niya."
Jackie delighted to work with jean garcia for the first time
Ang ikinatuwa pa ni Jackie sa pagkakasama niya sa Widows' War ay ang unang pagkakataon na makatrabaho niya si Jean Garcia.
"First time namin ni Jean na magkasama sa isang teleserye. Even if we've been working together in GMA Supershow for so many years, it's the first time we work on a show. Although nakapag-guest ako dati sa The Gift, pero wala kaming eksena ni Jean that time."
Ready nga raw si Jackie sa magiging eksena nila ni Jean dahil pareho silang mga palabang ina.
"Pinaghahandaan na natin yan. Knowing Jean, napakahusay na kontrabida. E, si Ruth Balay ang makakaharap niya. Okey lang na ako ang tapak-tapakan mo, pero kapag yung anak ko na, ibang usapan na yan. Kaya abangan nila yan.
"Kami naman ni Jean, we practically grew up together. We're like family, so it will be easier for us to do scenes because we trust each other. Because we know each other, we will take care of each other gaano man kahirap yung eksena na yan."
